Part 13

42 4 0
                                    

"bilisan mo Connell umalis na tayo"bulong ko kay Connell, nandito kami ngayon sa gate at papasok na kami ng academy nasa likod ako nito at nag tatago dahil baka makita ako ng mga guard namin at baka di ulit ako papasukin ng mga ito.

" Thank you" rinig ko na sagot ni Connell sabay suot ng I.D nito at nag maneho na ulit ito natatawa naman itong nakatingin sakin sa likod, nakahinga naman ako ng maluwag na mapansing naka layo na kami.

"Di mo pa rin ba nahahanap I.D mo?" natatawang tanong nito sakin tiningnan ko naman ito ng masama.

"Hindi pa" inis na sagot ko dito huminto naman ito sa parking lot nitong academy napakunot naman ang noo ko dito.

"dito ako baba' ba??" takang tanong ko dito tumingin naman ito sakin sabay tawa ng malakas.

" relax princess walang dumadaan dito' parking lot ito ng mga head at nasa likod ito kaya bihira lang ang dumadaan dito" natatawang sagot nito '

"Sigurado ka??" paninigurado ko dito umiling naman ito sabay sabi ng 0o at labas nito agad naman nitong binuksan ang pinto nitong likod at niyaya na rin akong lumabas di na rin ako nag dalawang isip at lumabas na rin mukhang liblib nga itong parking lot nato kaya wala akong nakikitang tao.

"tara na?" pag aalok nito sakin, nag lakad na rin kami palabas nitong parking lot at nasa harap lng nito ang mga president office nag paalam na rin ako dito na ma- uuna nako dahil iba ang daan nito papunta sa building nito.

"Connell dito nako " sagot ko dito' ngumiti naman ito at pasimple naman akong niyakap nito.

" bye princess yung usapan tawagan mo kami pag may problema okay?" sagot nito sabay halik sa noo ko' agad ko naman itong kinurot sa tagiliran nito.

" aa-rayyy Cassandra " pag rereklamo nito

"mag ingat ka sa galaw mo baka may makakita sa atin" panenermon ko dito natatawa naman itong tumingin sakin.

" haha yes maam!" sagot nito, napailing nalang ako dito sabay alis nag lakad na rin ako papunta ng building namin at sakto kakapasok lang ng teacher namin kaya pumasok na rin ako.

" Hello Sarah" nakangiting bati ko dito.

"Cassandra kamusta kana?? nabalitaan ko yung nangyari okay kana ba?" nag aalalang tanong nito sakin, nginitian ko naman ito sabay sabi na 0o okay lang ako.Maya maya pa ayy nag umpisa na kami sa klase at ganon pa rin medyo alam ko na rin ang ibang tinuturo sa amin kaya di na rin ako nahirapan sagutin ang iilang tanong sa akin ng teacher namin may binigay naman itong takdang aralin at ilang pag susulit bago kami pinakawalan sa klase.

"Tara kain tayo" nakangiting pag aalok sa akin ni Sarah,

" tara" nakangiting sagot ko dito nag lakad na rin kami papuntang cafeteria at pumila na rin medyo marami na ring mga istudyante ang kumakain, kumuha naman ako ng iilang pizza at sweets at isang bote ng tubig nag lakad na rin kami at nag hanap ng mauupuan tila wala ng bakanteng upuan.

" nako Cassandra mukhang na ubusan na rin tayo ng mauupuan" malungkot na sagot sakin ni Sarah inikot ko naman ang tingin ko para mag hanap ng bakanteng pwesto at tila puno na nga maliban nalang sa isang mesa napa tingin naman ako sa mga kambal ko na sumenyas sa amin.

" Cassandra dito na kayo umupo!!" sigaw ni Calleb sa amin napailing naman ako sa ginawa nito dahil ang lakas ng boses nitong tinawag ako.

"uyy tingnan mo tinatawag tayo ni Calleb " kinikilig na sagot nito sakin. Kumaway naman sakin si Jasmine na school officers din na nakasama ko sa charity.

"Cassandra sabay na kayo sa amin" nakangiting sigaw nito ' wala na rin akong nagawa at nag lakad na rin kami papunta sa direksyon ng mga ito, tumayo naman si Calleb at umupo sa bakanteng upuan umupo naman ako sa tabi ni Conan at nasa tabi ko naman si Sarah na ngayon katabi na nito si Calleb halata sa mukha nito na nag pipigil sa kilig.

Royal Blood ( CLAYTON ACADEMY)Where stories live. Discover now