Part 12

45 5 0
                                    

Huminga naman ako ng malalim sabay bukas ng pinto ' napakunot naman ang noo ko ng mapansing walang ni isang tao ang nasa harap ng pinto ko kaya agad ko naman itong sinara' at tahimik lang na nag lakad' papuntang kusina teka?? bat nga ba ako pumunta dito?? at nag mamadali pa talaga akong pumunta dito hayss napailing nalang ako sabay bukas nitong ref kumuha ulit ako ng bimpo at nilagyan ulit ito ng yelo dahan dahan ko naman itong dinampi sa mukha ko' mas lalo pa itong sumakit nung nag suot ako ng helmet maya maya pa ayy may narinig akong doorbell nag lakad naman ako at di na ng dalawang isip pa at binuksan na rin ito' gulat naman na tiningnan ko ito na ngayon seryosong nakatayo sa labas ng pinto ko.

"Tucker?" di makapaniwalang tanong ko dito.

"how are you?" seryosong tanong nito sabay tingin sakin.

" ah' ito okay lang " sagot ko dito kunot noo naman itong napatingin sa hawak ko ngayon ko lang naalala na hawak hawak ko pa pala ang bimpo.

" ahhh arayy" wala sa sariling bulong ko ng mapadiin ang pag lapat ko ng bimpo sa pisngi ko' agad naman itong lumapit sakin sabay layo sa bimpo na hawak ko sa mukha ko.

" hindi kapa okay" seryosong sagot nito sabay tingin sakin.

"ahh hindi okay nako wala lang ito ' tekaa bat ka pala nandito? " takang tanong ko dito lumayo naman ito ng bahagya sakin,

"i just want you to know that you're still suspended and may another violation ka ulit" sagot nito ' napakunot naman ang noo ko sabay tingin ng masama dito.

"pumunta ka lang ba dito para sabihin sakin yan??" inis na sagot ko dito tiningnan lang ako nito, maya maya pa ay may inabot ito na paper bag.

"heto gamitin mo" sagot nito sabay abot sakin takang kinuha ko naman ito at tiningnan .

" a-no?? to " takang tanong ko dito mukhang na inis naman ito sa tanong ko.

"heto titingnan ko na" dugtong ko ulit dito ' mga gamot ata ito kung di ako nag kakamali.

"salamat dito pero okay nak--
napatingin naman ako sa labas ng biglang bumuhos ang ulan ' tiningnan ko naman ito na tila nababasa na rin ito'

"bilis pumasok ka dito" sagot ko dito sabay hila papasok sa loob nitong appartment agad ko naman sinara ang pinto dahil biglang lumakas ang hangin kasama ng malakas na ulan.

" uhm halika " sagot ko dito niyaya ko naman itong umupo sa sofa umupo naman ito' naisipan ko naman gawan ito ng kape kaya gumawa na rin ako dahil malamig na rin at malakas ang ulan sa labas.

" heto inumin mo muna tong kape" sagot ko dito, nag lakad na rin ako pa punta ng kusina at kumuha ng yelo at nilagay ito sa bimpo at kumuha na rin ng ibang yelo at nilagay sa mangkok at bumalik ulit sa kinaroroonan nito.

"pasensya na maliit lang itong appartment ko" nahihiyang sagot ko dito napatingin naman ito sakin.

"it's okay" sagot nito sabay inom ng kape. Tahimik lang kami at tanging tunog lang ng ulan at kidlat ang naririnig namin kinuha ko naman ang bimpo at dinampi ito sa pisngi ko .

"sorry sa nangyari" napatingin naman ako dito ng nag salita ito,

"okay lang wala ka naman kasalanan " sagot ko dito sabay dampi ng bimpo,maya maya pa ayy tumayo ito at umupo sa tabi ko kinuha naman nito ang paper bag na dala nito kanina at binuksan ito may kinuha naman itong kahon sabay bukas nito, kinuha naman nito ang bimpo na hawak ko sabay lapag nito at kumuha din ng tissue at pinunas sa basang mukha ko.

" a-anong ginagawa mo?" nauutal na tanong ko dito sabay tingin dito na ngayon maingat na pinupunasan ang mukha ko , di naman ito sumagot sa halip kumuha ito ng kung anong mask sa kahon at maingat na dinikit ito sa pisngi ko naramdaman ko naman ang kung anong lamig dito dahilan para makalma ang pisngi ko.

" ohh?"manghang sagot ko dito napatingin naman ako sa nilagay nito.

"wow ano to?? " manghang tanong ko dito napansin ko naman na tila napangiti ito sabay seryoso ulit ng mukha nito.

" makakatulong yan para mawala ang sakit " seryosong sagot nito mukhang nawala nga ang sakit dahil di na ito gaanong masakit di tulad nung kanina at sobrang bango din nito medyo na antok naman ako sa amoy nito.

"ah Salamat dito" pag papasalamat ko dito mukhang mabisa nga ang gamot na nilagay nito maya maya pa ayy tumila na ang ulan, napatingin naman ako dito ng tumayo na ito ' sabay tingin sakin.

" Aalis kana ??" takang tanong ko dito umiling naman ito sakin na 0o kaya't sinamahan ko na rin ito sa labas.

" Mag iingat ka" pahabol na sagot ko dito, di naman ako pinansin nito at agad naman itong pumasok sa sasakyan nito at umalis .

" tsk tupakin talaga yung lalaking yun di mo alam kung mabait o masungit hayss" inis na bulong ko dito sabay sara ng pinto.Maya maya pa ayy biglang tumunog ang Cellphone ko agad ko naman itong tiningnan si Calleb tumatawag nako naman kailangan ko ulit bumalik ng bahay kaya dali dali ko naman kinuha ang susi ko at mga gamot na binigay sakin ni Tucker pumunta na rin ako sa mini garage nitong appartment at sinuot na ulit ang helmet ko at nag maneho na pa uwi sigurado ako nasa bahay na ang mga yun at papagalitan nanaman ako ng mga ito medyo malamig ang simoy ng hangin dahil kakatila lang ng ulan naisipan ko namang dumain sa Cafe's shop para bumili ng kape para sa mga kambal ko para di ako mapagalitan ng mga ito' huminto naman ako sa tapat nitong shop akmang aalisin ko na sana ang helmet ko ng may mapasin ako Si Tucker nasa loob ng Cafe's shop kasama si Laura tila seryoso ang mga ito napakunot naman ang noo ko ng mapansing mag kahawak kamay ang mga ito habang naka upo at nag uusap ng masinsinan ' napailing naman ako sa mga ito' tskk talaga lang?? sila pa rin?? sa lahat ng ginawa ni Laura ganon ganon nalang kung patawarin ni Tucker ito tskk kaya pala pumunta ito sa appartment para humingi ng tawad sa ginawa ng girlfriend nito tsk napailing nalang ako sabay alis ' at harurot ng motor ko papunta ng bahay kaya pala pumunta ito sakin dahil na kokonsensya ito sa ginawa ng girlfriend nito tsk .

Pinark ko na rin ang motor ko at hinubad na rin ang helmet ko pumasok na rin ako ng bahay at nakita ko naman ang mga kambal ko na naka upo sa sofa at seryosong naka tingin sakin.

"At saan ka galing??" seryosong tanong sakin ni Connell lumapit naman ako sa mga ito sabay upo .

"lumabas lang" sagot ko sa mga ito sabay lapag ng paper bag na bigay sakin ni Tucker.

"ano yan??" takang tanong ni Calleb sabay kuha nito'

"ahh?? iyan ba? wala pakitapon nalang mali pala ang nabili ko" sagot ko dito sabay tayo at nag lakad paakyat ng kwarto nagulat naman ang mga ito sa sinabi ko at tila may sinabi pa ang mga ito pero diko na ito narinig sabay sara ng pinto.

Royal Blood ( CLAYTON ACADEMY)Where stories live. Discover now