Part 30

12 2 0
                                    

"Aray"

" sorry princess masakit pa rin ba?"sagot ni Calleb sabay ihip sa sugat ko nandito kami ngayon sa Clinic at ginagamot ni Calleb ang sugat sa braso ko kung saan ako hinawakan ni Tucker kanina.

"ito okay na' wag mo siguro muna igagalaw okay? masakit pa rin bah?" tanong ni Calleb sabay tingin sa braso ko natapos na rin nito lagyan ng bandage at nilipat na rin ang iilang gamit na ginamit nito.

" 0o masakit pa rin" naiiyak na sagot ko dito' masakit at sobrang sakit' diko alam anong mararamdaman ko sa mga nangyayari.

"tatawagan ko si Uncle Madrid para ma check  ka don't worry---

"wag na okay lang Calleb" sagot ko dito di na rin ito nag pumilit na tawagan si uncle Madrid dahil alam nitong ayaw ko talagang mag pa tingin dito.

"okay kana?? let's go may event sa gym kailangan nating pumunta"Pag aalok nito sakin inalalayan naman ako nitong tumayo at nag lakad na rin kami palabas bubuksan na sana ni Calleb ang pinto ng bigla itong bumukas napahinto naman ako sa pag lalakad ng makita si Tucker at Laura na mag kasama tila papuntang Clinic rin ito tiningnan ko naman si Laura kung may mga galos or pilay ito ngunit wala naman akong nakita' pero tila inalalayan ito ni Tucker mag lakad tumingin naman ako ky Tucker na ngayon nakatingin sa braso ko agad ko naman itong tinakpan ng kamay ko.

" tara na Calleb "pag aalok ko dito naglakad na rin kami papalabas ng Clinic at ngayon papunta na kami sa gym, napatingin naman kami sa di kalayuan ng may mapansin kaming kumakaway rito, agad naman kaming lumapit sa mga ito.

"Cassandra??kamusta kana nabalitaan ko nangyari sana sinamahan kita" malungkot na tanong sakin ni Sarah ngumiti naman ako dito sabay hawak sa kamay nito.

"tara umupo na tayo" sagot ko dito umupo na rin kami at maya-maya pa ay nakita ko sila Connell, Conan at Williams na nag lalakad papalapit sa amin '

"Nandito na pala  kayo' okay ka lang ba Ssandra? kamusta na sugat mo?" tanong  ni Williams sakin nginitian ko naman ito sabay sabi na okay lang ako, tumingin naman ako kanila Connell at Conan na ngayon seryosong nakatingin sakin nginitian ko naman ang mga ito.

Nag simula na ang Event at nandito na lahat ng School officials at School partner sa stage nadun rin lahat ng guro at principal tila ngayong araw ang event  kung saan ipapakilala ang lahat ng School  partners  nitong Academy at tila may gaganapin pang malaking event sa mga susunod na linggo kung saan papakilala ang bagong President at may ari nitong Academy, nag paalam naman ang mga kambal ko na aalis muna at doon uupo sa harap ng stage dahil nandon  lahat ng School officer's nakita ko naman sila Tucker at Laura na kakarating lang umupo na rin ang mga  ito sa harap.
Maya-maya pa ay tumayo na kaming lahat at pinakilala na ang owner nitong school .

"LADIES AND GENTLEMEN PLEASE WELCOME MR.HARRISON CLAYTON THE OWNER OF THE CLAYTON ACADEMY" sabay-sabay naman kaming nag palakpakan.

"Ang gwapo ni Mr.Harrison ano? balita ko mas gwapo raw ang anak niya pero sabi walang asawa itong si Mr Harrison" bulong ni Sarah sakin.

" anak?" takang tanong ko dito.

" 0o bihira lang pumunta yun dito sa Academy gawa ng sa ibang bansa ito nag aaral diko pa nga nakikita yun sa billboard ko palang nakikita ito at ang gwapo rin nun" tila kinikilig na sagot nito napatingin naman ako dito '

" akala ko ba kay Calleb ka?" wala sa sariling tanong ko dito tumawa naman ito sabay hampas sakin sa braso ko agad naman ako napadaing sa sakit ng mahampas nito ang sugat ko.

" syempre kay Calleb ako---nako sorry Cassandra ikaw kasi ee hihihi pina alala mo pa yan tuloy" natatawang sagot nito natatawa nalang ako ng makitang namumula ito ng marinig ang pangalan ni Calleb.

Nakikinig lang kaming lahat habang  nakatingin ngayon kay Uncle Harrison napangiti naman ako tila ang daming  humahanga dito lahat nakatingin dito' ang gwapo nga ni uncle Harrison di mo makakaila na 30s na pala ito. Napahinto naman ito sa pag sasalita ng may bumulong dito, tumingin naman ito sa likod ng stage sabay lapit dito, nanlaki naman ang mata ko makita kung sino ito,

"Mom?? dad?" wala sa sariling bulong ko dito

" may sinasabi kaba Cassandra? " takang tanong ni Sarah sakin umiling naman ako dito buti di ako na rinig nito tumingin naman sakin si Williams napailing  na lamang ako ,sabay sabi wala akong alam dito, Nag si tayuan naman kaming lahat sabay palakpak dito agad namang sumigaw ang lahat ng pumunta sa gitna ng stage sila mom at dad, lumapit naman si uncle Harrison kay mom sabay beso-beso nito nakita ko naman reaksyon ni dad na tila naka tingin ng masama kay uncle Harrison  natawa naman si uncle Harrison kay dad sabay tapik sa braso nito hanggang dito ba naman pag seselosan ni dad si uncle hayss sobrang mahal na mahal ni dad si mom kaya kahit malalapit na kaibigan nito pinapagalitan nito sa tuwing lumalapit kay mom pero takot si dad kay mom isang tingin lang ni mom kay dad parang bata itong maamo ang mukha.

"is that parents of Huffin' brother's?"

"oh my god kamukha talaga nila Conan at Connell ang daddy nila at si Calleb naman ang mommy niya"

"ang gwapo pala ni mr Huffin parang binatang binata ito"

"yan ba yung asawa ni mr Huffin?  ang swerte niya naman gwapo at mayaman  ang asawa niya"

"Uy mayaman rin yung asawa ni mr Huffin  pag mamay-ari sila ng isa sa pinaka malaking Shipping line sa buong mundo at ang yaman yaman talaga nila"

napatingin naman ako sa mga bulong-bulungan na nasa likod namin hayss ngayon lang ba nila nakita sila mom at dad?? hmmmm sabagay di naman gaanong napunta kung saan sila mom at nasa office lang ang mga ito parati.

"I WOULD LIKE TO INTRODUCE MR. HARRIS HUFFIN AND MRS. SAMARIA AMERSON HUFFIN  WELCOME TO CLAYTON ACADEMY AND THANK YOU FOR VISITING US THIS DAY"  pag papakilala ni uncle Harrison kanila mom, binigay naman ni uncle ang mic kay mom na tila mag sp- speech rin ito.

"GOODMORNING SORRY WE'RE LATE THANK YOU FOR THE INVITATION HARRISON AND THANK YOU ALL HAHA JUST A SURPRISE SORRY TO MY DEAR SON'S  KUNG NAGULAT NAMIN KAYO NG DAD NIYO AND TO MY BEAUTIFUL DAUGHTER------

di pa natatapos ni mom  ang speech niya nag biglang umingay ang buong gym.

"MRS HUFFIN? YOU HAVE A DAUGHTER? "

rinig namin na tanong ng principal namin kanila mom' napayuko naman ako lagot na baka malaman na ng lahat kung sino talaga ako tumingin naman sakin ang mga kambal ko na tila kinakabahan rin ang mga ito.

"YES! OF COURSE THREE BOY'S  AND ONE GIRL AND THEY'RE QUADRUPLETS" proud na sagot ni mom dito gulat na gulat naman ang lahat  sa sinabi ni mom lahat nakatingin kanila Conan, Calleb at Connell na tila gulat na gulat na kalmado naman ang mga kambal ko at nakangiting nakatingin kanila mom pero bakas sa mukha ng mga ito ang pag aalala sakin, tumingin naman ako kanila Tucker at Laura na ngayon gulat na gulat  din ng malaman ito.

"seryoso?? Quadruplets pala sila Calleb?? all this time akala namin triplets lang sila pero may babae pa pala silang kapatid??"wala sa sariling sagot ni Sarah  habang nakatingin sa kambal ko. Natigil naman ang speech ni mom ng lumapit sa kanya si uncle Harrison at inalok itong umupo kinausap naman ito ni uncle at tila natatawang nakatingin si mom kanila conan tumingin naman ako kay dad na ngayon panay ikot ang tingin nito na tila may hinahanap  kung di ako nag kakamali ako ang hinahanap nito sumenyas naman ito sa mga kambal ko na lumapit sa taas ng stage, pag kakataon ko nato na umalis tumayo na rin ako at umalis  nag paalam naman ako kay Sarah na mag  babanyo lang at mabilis naman akong tumakbo pa labas.

Royal Blood ( CLAYTON ACADEMY)Where stories live. Discover now