Part 29

11 1 0
                                    

"Let's go" pag aalok sakin ni conan umuwi ng mansion, kwenento ko sa kanya lahat ng nangyari sa amin ni Tucker at may tiwala ako kay Conan na wala itong pag sasabihan.

"tekaa bat ka pala nandito sa appartment?" takang tanong ko dito di ko pa pala natatanong dito kung bakit nandito ito ngayon dahil ang pag kakaalam ko nasa Academy ang mga ito.

"may kinuha lang at naisipan ko na rin mag linis kaya naligo na rin ako" sagot nito napailing nalang ako sa sinabi nito mukhang sa maling oras ata ito pumunta kaya mas lalong naging komplikado ang lahat, umalis na rin kami ng appartment at mag aala sais na ng gabi, tila napahaba ang usapan namin kanina kaya di na namin naramdaman ang oras, sumabay na rin ako sa sasakyan nito at papakuha na lamang raw nito ang motor ko kay Calleb, maya-maya pa ay nakarating na kami ng mansion nandito na rin sila Connell at Calleb tila bussy ang mga ito kakapanood sa sala di naman kami naramdaman ng mga ito kaya nag lakad nlng ako papunta sa kwarto, gusto kong mag pahinga ang daming nangyari ngayong araw.

.....

"bat malungkot ka?may problema bah Cassandra? " takang tanong sakin ni Sarah ngumiti naman ako dito

" wala okay lang ako sadyang inaantok lang talaga ako" sagot ko dito nag kibitbalikat naman ito sabay kain ng pagkain nito, nandito kami ngayon sa cafeteria at lunch time na.

"Ssandra gusto mo ba ng ice cream kukuha ako" nakangiting pag aalok ni Williams sakin umiling naman ako dito na ayaw ko.

" napapansin namin nitong mga nakaraang araw tila malungkot ka at wala kang ganang kumain may problema bah Cassandra? " tanong ni Sarah tumingin naman ako dito sabay hawak sa kamay nito.

"okay lang ako' wag na kayo mag alala salamat " nakangiting sagot ko dito, inikot ko naman ang tingin ko at nag babakasakali na makita siya ngunit apat na araw na di pa rin siya pumapasok, maya-maya pa ay nakarinig kami ng ingay tumingin naman kami dito mga School officers papasok ng cafeteria napatingin naman ako sa mga kambal ko na ngayon nakangiting kumakaway ang mga ito maliban kay Conan na ngayon di ma ipinta ang mukha ' ilang sandali lalong lumakas ang sigawan nagulat naman ako sa nakita ko Si Tucker kasama si Laura at mag kahawak kamay ang mga ito na tila mag couple mga ito diko naman mapigilan di tumingin kay Tucker na ngayon ibang-iba na ang aura nito umupo naman ang mga ito.

"nako?? Si Laura at Tucker na ba ulit??" rinig ko na bulong ni Sarah tumingin naman ako dito at tila di makapaniwala sa nakikita ko ang sweet -sweet ng mga ito magkahawak ang mga kamay ng mga ito at tila sinusubuan ni Laura ng pagkain si Tucker habang si Tucker naman ay tila nakatingin lang kay Laura habang hinihimas ang buhok nito nakita ko naman tumingin si Laura sakin sabay ngiti nito na tila inaasar ako.

"Mauuna na muna ako may nakalimutan pala ako sa locker room " sagot ko kanila Sarah at Williams agad naman akong tumayo at bago pa ako makaalis sa kinatatayuan ko may narinig naman akong sigaw.

" ohh??? Miss Walker nandito kana pala come here and join us" Si Laura sigaw nito na tila pinaparinig sa buong cafeteria, maya maya pa ay may kung anong ingay na tila nag bubulungan ang mga ito.

"dibah siya yung babae ni Tucker recently? "

"ewww akala ko sila ni Tucker di pala hahah si Laura pa rin pala mahal ni Tucker "

" i told you Tucker is inlove with Laura "

" ang kapal naman ng mukha!!!

Napailang na lang ako sa mga naririnig ko,ngumiti naman ako dito .

" Thank you Laura but no thanks may pupuntahan pa kasi ako" nakangiting sagot ko dito narinig ko naman itong tumawa nang malakas.

Royal Blood ( CLAYTON ACADEMY)Where stories live. Discover now