Chapter Seventeen

8.9K 232 26
                                    

"I love you like I love the sea. And I'm okay with drowning."

—Anonymous

 

Chapter Seventeen: Everything

 

 

A l y s s a

 

    Mga ilang minuto akong nakatitig sa screen ng phone ko dahil hindi ako makapaniwala sa nabasa kong text message.

    Tita Arlene Lazaro: Ly, Den was just rushed to the hospital. Car accident. Pls be here asap

    Nanginginig na ang mga kamay ko pero hindi ko ito maigalaw, ni hindi ko mabitawan ang cellphone na hawak ko. Parang ilang minuto ko na ring hawak ang hininga ko.

    Si Den. Car accident. Nasa hospital.

    Pero lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong tumatawag na sa akin si Tita Arlene. Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko kaya hindi ko sinasadyang hindi masagot ang tawag niya. Sunod na tumawag ay si Jus. Wala akong magawa kundi titigan ang screen ko.

     Alyssa, ano ba?!

    Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makatayo. Parang hindi nag-sisink-in sa akin ang nangyayari. Nang muling mag-vibrate ang phone ko, napahinga na ako nang malalim.

    Tita Arlene Lazaro: Ly where r u? Den needs u

    "Fuck shit! Fuck shit!" Biglang tayo ako sa kinauupuan ko nang nabasa ko ang pangalawang text ng Mommy niya. Para akong natutulog na biglang nagising dahil parang mahuhulog. Tumakbo agad ako papunta sa elevator. Naririnig ko ang mga kasamahan ko na tinatanong kung anong nangyari sa akin. Hindi na ako sumagot. Hindi na ako makasagot. Hinabol ko ang kakabukas lang na elevator at pinagpipindot 'yong 'G' button doon. "No, no. Not again. This can't be. No."

    "Miss, tama na," Sabi sa akin noong kasabay ko. Doon ko lang narealize na pindot pala ako ng pindot malapit na kami sa baba.

    Tumakbo na ako papalabas ng elevator nang maalala kong dapat parking lot ako pumunta. Naalala ko na ang parking space ko ay nasa itaas pa. Pabalik na ulit sana ako pero naalala kong kotse ko ang gamit ni Den.

    "Fuck shit," Napahinto na naman ako bigla. "Si Den."

   Pag-labas ko ng building ay nakita kong traffic sa labas at wala akong makitang taxi. Malapit lang naman, Ly. Malapit lang. Sabay takbo nang matulin na parang holdaper na hinahabol sa kalsada. Pero wala na akong pakialam sa mga taong nababangga ko. Hindi ko na rin pinapansin ang pagkapos ng hininga ko. Kailangan ako ni Den. Kailangan niya ko. Bakit ako hihinto? Walang dahilan para huminto. Hindi ako puwedeng huminto.

    "Fuck shit! Fuck shit! Fuck shit!" Sigaw ko nang masilayan ko na ang hospital kung saan nandoon si Den. Ito lang naman 'yon. Kaya lalo kong binilisan ang takbo ko kahit mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Nag-sink in na sa akin lahat ng puwede kong makita sa loob nito. Ni hindi nga ako nag-reply sa text ng Mommy niya sa sobrang pagmamadali. Ni hindi ko natanong kung ano ang lagay ni Den—kung malala o hindi. Mas binilisan ko pa rin hannga't sa makapasok ako ng Emergency Room na gulat na gulat ang mga tao doon sa akin dahil sa basang-basa ako sa pawis at hingal na hingal.

    Nag-dire-diretso ako at nakita agad ako ni Tita Arlene. Hindi ako 'yong taong nag-papanic sa mga ganitong sitwasyon pero tang ina, si Den pinag-uusapan dito kaya nababaliw na ako.

    "Ly, Ly, calm down," Kapit niya sa braso ko.

    Hingal na hingal pa rin ako at kailangan ko ng tubig pero hindi ko talaga mapakalma ang sarili ko. "Ano po nangyari? Is she okay? Ano nangyari? Is her condition critical? Shit. Is Den's gonna be fine?" Hindi ko malaman kung ano mismo ang itatanong ko. Hindi ko alam kung paano nabunggo ang sinasakyan ni Den. Hindi ko alam, wala akong alam. "Tita, ano nangyari?"

Her LatibuleWhere stories live. Discover now