Chapter Twenty-three

8.1K 179 33
                                    


"Have you ever seen the hell in someone's eyes and loved it anyway?"— Maram Rimawi  


Chapter Twenty-three: She Is Everything

A l y s s a

    Since gabi pa naman ang flight namin ni Den, Mona and I decided to have an early morning run sa Baywalk at ngayon nasa Seaside na kami, pinapanood sumikat ang araw kasama ng mainit na kape.

    "What time flight ni'yo?" Mona asks while taking a sip.

    "Gabi pa flight," Sagot ko.

    Napatitig lang kami pareho sa unti-unting pagsilip ng araw. Bigla akong napahiling na sana nandito rin si Den para makita ang napakagandang tanawing ito. Pero alam kong mahimbing ang tulog niya ngayon, kaya sabihin ko sa sarili ko, okay na rin. Humahampas ang malamig na hangin sa mga pisngi namin, at ang sarap sa tainga ng katahimikang naririnig ko ngayon. Tapos biglang tumingin sa akin si Mowns.

    "Be careful, Ly, ha?" She said said, out of nowhere.

    Medyo kinilig naman ako sa pagka-concern ng kaibigan ko.

    "Mukhang may makakamiss sa akin, ah," Biro ko sa kanya. "Yes, friend. Mag-iingat ako doon. At iingatan ko rin 'yong kasama ko."'

    Napatawa si Mona sa sinabi ko, "Actually, that's not what I'm talking about.." She said, putting her coffee down. "I mean—yes, I would say na mag-ingat ka, literal. Pero what I'm really talking about is your feelings. Berlin 'yon, ha? I'm just, you know, concerned sa mga kung anong pwede maramdaman mo d'on."

    Napatahimik ako bigla sa sinabi niya.

    "Baka mamaya eh, kung anong mag-flashback. Mahirap kalabanin ang feels na binibigay ng memories," Dagdag pa ni Mona, at unti-unting nag-sisink in sa akin ang mga sinasabi niya at ang mga kung anong pwede kong maramdaman pagpunta ko sa Berlin.

    "I just want to make sure you know that, Ly. Gusto ko lang alam mo kung anong papasukin mo. I know how much pain you felt when she chose to go and how hurt you were. I saw you. I just don't want the memories hit you again."

    "I know, Mowns," Sabi ko. "Actually, iniiwasan kong isipin na mangyayari 'yan, but I know and it's clear to me that there's a possibility na makaramdam ako ng ganyan. Nakakatakot lang akong aminin kasi hindi ko alam kung paano ko haharapin."

    Napatahimik si Mona sandali pero mukhang may sasabihin, nag-iipon lang ng lakas ng loob. I wait.

    "Why don't you tell Den?" Sabi na nga niya. "She'll listen. And I know she'll understand."

    Bigla lalong lumakas ang tibok ng puso ko na parang tinakbo ko ang isang buong field nang sobrang bilis.

    "I know Den will understand. Si Den pa ba? She's always willing to listen," Napangiti ako nang bahagya nang maisip ko siya. Pero hindi rin 'yon nag-tagal. "Actually, I want her to know everything. Hindi ko nga 'to dapat tinatago sa kanya. Kaso hindi ako sure kung kaya kong sabihin. Kung kaya kong pag-usapan. Kung kaya ko ikwento ang lahat. Damn, my heart is not ready for that."

    Then Mona reached for a hug. Ang sarap lang sa pakiramdam. So much love for the people who immediately give you a hug when you badly need one.

    While hugging me, she said to my ears, "It's alright, besh, I understand. And, when the time comes—sabi nga natin—Den will list. And she'll still understand," I can feel her smile. "Right now, I just want you to be careful. Take care of yourself, and take care of your heart. I'm just a call away."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her LatibuleWhere stories live. Discover now