Chapter Twenty-one

6.3K 192 14
                                    

"It is the things you cannot see coming that are strong enough to kill you."

— Jodi Picoult, My Sister's Keeper

Chapter Twenty-one:

A l y s s a

    Hindi ko alam kung anong nagawa ko pero pakiramdam ko'y madudurog ako dahil parang dinidikdik ako ng mga mata niya sa pamamagitan ng pagtingin. Bago siya umalis, okay naman kami. Ang saya naman namin. Siguro hindi naging maganda ang araw nila ng Dad niya. Pero bakit sa'kin nakatingin ng ganito 'to?

     "Bakit? Ano nangyari? How was your day?" Sunod-sunod kong tanong kay Den nang makalapit na ako sa kanya mula sa pagkakaupo sa sala nila at pakikipagkuwentuhan kay Tita Arlene.

    Ganoon pa rin ang tingin niya sa'kin at sumagot na, "Okay lang. Masaya kami." —pero naka-bitch face. Hindi ko makita 'yong saya na sinasabi niya.

    Napakatapang ko sa lahat ng bagay, pero pag-dating sa girlfriend ko, nanginginig ang tuhod ko at kulang na lang ay maihi ako.

    Hindi na ako makatingin sa kanya ng diretso. Wala rin akong ideya kung bakit siya ganito. Kaya kahit utal-utal ay nag-lakas loob ako. "Ano.. eh, ba't gan'yan.."

    Ngunit diretso sa mata, tagos sa kaluluwa, kinakain na ako ng kaba, "Bakit hindi mo sinabi sa'kin?" Nagtanong siya. "Bakit ako hindi ko alam?"

    Takang-taka ako sa sinasabi niya. Ano naman ba ang pwedeng sabihin ng Daddy niya sa kanya? Wala naman siguro, di ba. At wala naman akong tinatago sa kanya.

    "Hindi sinabi sa'yo ang alin?" Tanong ko sa kanya. "Hindi mo alam ang ano?"

     Palabas na sana sa bibig niya ang sagot ngunit may biglang may tumawag sa akin.

     "Coooach!" Sigaw nito. Pareho kaming napatingin ni Den sa pinto at nakita si Mosh nasa hagdan at kakagising lang dahil pagod siya kanina galing sa football practice niya.

    Tumatakbo pababa ng hagdan nila si Mosh papunta sa akin at napatingin ako kay Den. Close kasi talaga kami ni Mosh dahil pareho kami ng hilig, kaya parang wrong timing ito ngayon kasi seryoso 'yong moment naming dalawa pero noong tumingin ako kay Den, tumango siya. Badtrip pa rin 'yong mukha niya pero tumango siya na ibig sabihin ay pumunta na ako kay Mosh.

     "Mamaya," malamig na sabi niya at saka sinamahan sina Tita Arlene sa sala. Medyo nakahinga ako nang maluwag. Lalo pa nang yakapin ako ng kapatid niya. Pero may naiwan pa ring kaunting kaba sa katawan ko. Mamaya babalik at madadagdagan pa ito, tiyak.

    Mosh was making kwento about his day, and his training session, and his strict coach and how he wished na sana ako na lang ang coach niya. I was doing my best and tried to listen and focus on what he is saying but my mind's drifting to Den.

     Iniisip ko 'yong mga bagay na pwedeng pagmulan ng galit niya sa'kin at kung ano 'yong tinutukoy niyang hindi ko sinabi. Parang wala naman. Hinaluglog ko na 'yong utak ko pero parang wala naman akong maalala.

    "Hey, coach. Are you listening?" Biglang tanong ni Mosh sa akin nang napalalim na ang iniisip ko.

    "Yeah.. ano nga ulit?" Tanong ko sa kanya pero sa ate niya ako nakatingin. Nakaupo kasi kami ni Mosh sa may hagdan nila. 'Yong ate niya nasa sala kasama si Tita, Tito and Jus. Nagkukuwentuhan pero si Den hawak ang phone niya, mukhang may ka-text. Medyo nabadtrip ako dahil parang tuloy-tuloy 'yong pagtetext nila kung sino man 'yon. Hindi naman masyadong nagpo-phone 'yon kapag nasa iisang lugar lang kami. Pero bigla siyang tumayo at parang nagpaalam sa kanila. Kinabahan ako nang lumakad siya papalapit sa hagdan. Akala ko sa akin siya pupunta pero paakyat pala.

Her LatibuleWhere stories live. Discover now