Chapter Nine

14.9K 220 16
                                    

"Once upon a time there was a boy who loved a girl, and her laughter was a question he wanted to spend his whole life answering."

— Nicole Krauss, The History of Love

 

Chapter 9: She Changed My Life

 

A l y s s a

 

    Bago ko pa pasukin itong relasyon na ito, aware na ako sa mga consenquences. Alam ko na iyong mga bagay na maaaring mangyari tulad nitong nangyayari ngayon sa amin. Alam ko nang mangyayari  ito, hinanda ko na nga ang sarili ko eh pero ang sakit pala talaga kapag nandiyan na. Kasi may kaunting parte sa akin na hindi ko pinaniwalaang mangyayari ang ganito pero hindi nga talaga naiwasan. Mas masakit sa inasahan kong mararamdaman ko. 'yong babaeng mahal mo, ikinahihiya ka. Hindi ka maipapakikila sa iba na girlfriend niya. Sa totoo lang, may tampo pa nga ako sa kanya dahil hindi niya pa nga ako naipapakilala sa best friend niya na si Bea. Dati, hindi ko alam kung bakit ngunit ngayon ay malinaw na malinaw na sa akin ang dahilan, hindi ko na kailangang itanong pa sa kanya. Pagkatapos ng nangyari kagabi, nag-desisyon akong maging busy ngayong araw na ito at sa susunod na araw sa mga bagay-bagay. Medyo hindi kami nagkakausap masyado dahil hindi ako gaanong nagrereply sa mga texts niya simula kagabi. At yuon nga, hindi kami nagkita buong araw kinabukasan. At kapag magkausap kami, wala akong masyadong sinabi tungkol sa naging away namin. Iyong mga text ko lang ay "Nasa bahay na ako" "Tulog na ako" "Kain ka na", mga ganoon lang. Nagpapanggap na walang nangyari, dahil sa sitwasyon ko ngayon, 'yon ang pinakamadaling gawin. Tumatawag nga rin siya pero hindi naman kami gaanong nag-usap, walang nabanggit sa nangyari noong gabing iyon. Kapag sinusubukan niya kasing mag-open tungkol doon, pinipigilan ko siya. Masyado pa kasi akong mainit, baka ano lang ang masabi ko sa kanya. Ayaw ko naman ng ganoon kaya gumagawa nalang ako ng paraan para iwasan ang usapan na at para ibaba na niya. Gusto niya magkita kami ngayon, 'yon din naman ang gusto ko―ang magka-usap kami pero may parte ako na pumipigil sa akin. Pero alam kong wala akong magagawa. Kung kahapon ay nakatakas ako, ngayon siguro ay hindi. Alam kong kailangan ko rin siyang harapin. Kailangan namin itong mapagusapan nang masinsinan.

Nakalabas ako nang 4 o'clock at saka dumiretso sa aking ex-girlfriend. Siya ang gusto kong makausap ngayon kasi alam kong siya ang makakaintindi sa akin. Sa kanya rin kasi ako pumunta noong mga panahong gulong-gulo ako sa lahat ng bagay, kay Den. At dahil sa kanya ko rin  na-realize lahat ng bagay. Hindi ko ito sinasabi kay Den kasi baka mag-away lang din kami. Sabi ko nga sa kanya, ibang-iba siya kay Den. Pero malinaw naman sa akin na hindi na siya babalik sa'kin. Alam naming pareho na malabo na 'yon mangyari. "Okay lang," sabi ko lagi sa kanya. Basta ang gusto ko makasama lang siya kahit minsan. 'yong ganitong makapagusap lang ba. And no, this is not cheating. Well. . . para sa akin, hindi. Alam niya rin namang mahal ko si Den. At ako, alam ko rin na masaya na siya. Kitang-kita ko na masaya na siya. Bigla nga lang nag-ring 'yong phone ko at pag-tingin ko ay si Den ang tumatawag. Noong una ay nag-dalawang isip ako kung sasagutin ko dahil dito sa kasama ko. Pero gusto niya ay sagutin ko at makapagusap kami kaya ayun, "Hello, babe?" Narinig ko sa kabilang linya ang boses ni Dennise.

    "Hello," Malamig kong sagot sa kanya.

    "Are you still busy? You're not replying kasi eh," Sabi niya.

    "I'm talking to someone kasi right now," Paliwanag ko at hinihiling na sana huwag niyang tanungin kung sino.

    "Who are you talking to ba? Is that really that important? Am I interrupting you?" Sunod-sunod niyang tanong. Malambing iyong boses niya. Alam kong sinusubukan niyang ayusin kami.

Her LatibuleWhere stories live. Discover now