Chapter Eleven

10.6K 192 25
                                    

"She's mad, but she's magic."

— Charles Bukoswki

Chapter Eleven: I Will

 

A l y s s a

 

    "Where have you been?" Den asked pagkatapos niyang buksan ang pinto ng bahay at nakita ako. She gave me a quick kiss on the lips bago niya ako tuluyang papasukin. "We've been waiting for you."

    Tinaas ko 'yong dala kong supot para makita niya, "I checked kasi this morning and noticed that you are running out of paint and canvas," Sabi ko. "So I bought you these."

    Nakita ko 'yong unti-unting pag-form ng ngiti sa mga labi niya na hindi ko naman inaasahan. Nakita ko lang kung gaano kasaya 'yong mukha niya kahit sa ganitong maliliit lang na bagay. Sumaya naman din ako doon. At ito rin naman ang plano ko—ang pasayahin siya kahit sa maliliit na bagay na alam ko. May mga tao kasi talagang makikilala natin at ang tanging gustong gawin lang natin ay ang pasayahin sila, habang buhay. Para sa akin, si Den na ang taong 'yon.

    Kinuha niya 'yong inabot ko sa kanya and hugged me, "Thank you, my thoughtful girlfriend," May kaunting pag-tawa sa boses niya.

    Muntik na akong mapangiti nang ibinulong niya iyon sa akin nang biglang may nag-salita, "Ma, may asukal ba itong barbecue mo? Bakit ang tamis?"

    Nakita ko na nga si Kuya na nakatayo sa may sofa at kumakain ng barbecue, tapos tumawa na. "Eh 'di ba nga may nagmomoment?" Pabirong pagrereklamo ko kay Kuya dahil sa pag-sira niya ng moment namin ni Den. Hindi ko na rin talaga kasi napansing nandito pala sila. Ha ha.

    "O, siya, siya. Kumain na nga kayo rito," Tawag sa amin ni Mama sa lamesa. Nag-mano muna ako sa kanila ni Papa bago tuluyang  umupo. Nasa tabi ko si Den. Nadagdagan na nga talaga ang upuan sa lamesa namin. Dati, sakto lang ito at dinadagdagan lang tuwing bibisita si Den. Pero ngayon ay hindi na inaalis ni Mama 'yong sobrang upuan sa tabi ko. Halos araw-araw na kasi siyang nandito dahil sa pagiging adik sa pagpipinta. Hindi niya kasi iyon magawa sa bahay nila dahil baka makita ng Dad niya, deliks! Umuuwi na siya sa kanila kung minsan ay gabi na pero alam namang dito siya nagpupunta kaya panatag ang loob nila.

    Ang saya dahil lagi kaming magkasama, pero ang lungkot dahil wala naman sa'kin ang atensyon niya. Ang totoo, miss ko na si Den. Naging busy na kasi sa painting, eh. Mas madalas siyang tumingin sa canvas kaysa sa'kin. Mas madalas niyang hawakan 'yong paint brush at palette kaysa sa'kin. Ang karaniwang tema lang naming dalawa sa kwarto ko nitong mga nakaraang linggo ay siya nagpipinta doon sa may gilid, tapos ako nasa kama at nanood lang ng tv, o di kaya'y may ginagawang trabaho. Minsan pinapanood ko na lang siya doon. Ang huling quality time pa nga namin ay hindi ko na halos maalala. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko na lang hinayaang mawalan siya ng gagamitin sa pagpipinta para sa akin naman ang atensyon niya, pero binilhan ko pa ng madami. Kaso hindi ko naman sinasabi sa kanya 'yong mga ganitong bagay. Sometimes I tell Synj about this dahil kami lagi ang magkasama sa work. Ang sabi niya ay i-inform ko naman si Den na wala na siyang time sa akin. May point siya pero parang ang selfish lang kasi ng dating sa akin ng ganoon. 'Yong sabihin kong itigil niya muna 'yon sandali para sa'kin. Kahit gustong-gusto ko ay hindi ko pa rin kayang gawin. And she would feel bad kung sakaling sabihin ko 'yon sa kanya. Alam ko namang masaya siya sa ginagawa niya ngayon—kitang-kita ko iyon—at suportado ko siya doon. Kaso miss ko na talaga siya, eh.

Umakyat na kami pagkatapos mag-hapunan. I took a shower first. At pag-labas ko, I was expecting Den na nakaupo sa wooden stool and eyes on the canvas, kaya nang makita ko siyang nakahiga sa kama ko at naghihintay sa akin, natuwa ako. She tapped the empty space next to her at my bed, motioning me to lie down beside her.

Her LatibuleWhere stories live. Discover now