Chapter Eight

13.7K 219 24
                                    

Chapter Eight

A l y s s a

    'yong totoo? Takot din kasi ako. Pagkatapos ng lahat na napagdaan ko noon, marami na akong kinatatakutan. Ayaw ko man aminin pero kasi simula noon, ayoko nang magmahal. Simula noon, wala na akong planong magmahal ulit. Kasi nga natatakot na ako. Natatakot na akong masisira lang ulit lahat. Natatakot akong mawawala lang din ang lahat. Natatakot akong may gawin ulit akong mali at hindi maintindihan tapos mawawala na rin siya sa akin. Takot ako sa lahat na pwedeng mangyari kaya kinailangang kong tumakbo, umalis, at mag-isip. Kasi nga hindi ako ganoon katapang.

    Sa ilang linggong pag-iisip na iyon, syempre ay marami akong na-realize. Hindi ko kinausap si Dennise kasi sa tingin ko iyon ang kailangan ko― ang makalayo sa kanya, hindi muna siya makasama. Ang iwan siya nang basta-basta ay hindi magandang gawin, alam ko 'yon. Ako kasi 'yong tipo ng tao na 'No Regrets' lagi. Tipong kapag nagawa ko na, saka ko nalang pagsisisihan. Pero kahit sa papaanong paraan, naging maganda rin naman ang resulta noon, hindi ba? At least ngayon ay napagisipan ko na ang lahat ng bagay. Hindi man nasagot lahat ng tanong ko, may mga nakuha naman akong sagot kahit hindi ko naman tinanong.

    Oo, hindi nga maganda ang mga napagdaanan ko ngayon. Iyon pa nga ang pinakamapait at pinakamasakit na nangyari sa akin. 'yon ang sanhi ng lahat ng takot na ito. Natatakot akong maulit ulit iyon. Ngunit sa pag-daan nga ng araw ay nalaman ko na kaya siguro dumating si Dennise sa akin ay para mag-simula ako ulit. Para bang after three long years, ito na 'yong perfect time at binigyan ako ni God ng second chance para itama lahat. Binigay niya sa akin ang parehong istorya para bigyan ng ibang ending. Hindi nga ako ganoon katapang pero kung 'yon lang ang kailangan, magiging mas matapang pa ako sa sundalong sasabak sa gera para maipanalo ang laban. Laban para kay Dennise, para sa'kin, para sa nakaraan.

    Ngayong katabi ko siya sa kwarto niya, sa kama niya, ay wala na akong ibang hihilingin pa. Ilang araw na ang lumipas pero parang walang hindi magandang nangyari sa aming dalawa. Parang mas naging masaya pa nga kami ngayon. Pagtapos ng nangyari ay mas lalo pa kaming naging komportable sa isa't isa. Lalo pa kaming tumibay. Lalo ko pa siyang minahal. Nagtataka rin ako sa sarili kung bakit ang bilis ko mahulog sa isang tao. Pero hindi rin naman ibig sabihin noon ay madali rin akong magsawa. Sa buhay kong 'to, na-realize kong hindi batayan ang oras sa pag-ibig. Pag mahal mo, mahal mo. Pang-habang buhay na 'yon.

    Napatingin ako sa kanya nang bigla siyang gumalaw habang ginagawang unan ang braso ko at nakayakap sa may tiyan ko. Naramdaman ko 'yong biglang pag-galaw ng ulo niya at nakitang nakatingala siya sa akin. "Do you still love her?" Nagulat ako sa mga salitang biglang lumabas sa bibig niya. Kung may iniinom akong tubig ngayon, malamang nabuga ko na 'yon. Hindi ko naalis ang tingin ko sa kanya. Para kasing ngayon lang siya nag-lakas loob itanong 'yon sa akin. Pag-sabi niya ng mga salitang 'yon, naramdaman kong ang tagal na niya iyon gustong itanong. "Hindi naman sa inaano kita, uh," Nauutal niya pang sinabi, "Well, I just want to know because―"

    "Den." Saway ko sa kanya at napahinto siya sa sinasabi niya. "You know I love you."

    "I know . ." Sabi niya at napaiwas ng tingin sa akin. Na-down ako bigla kasi parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. "I won't get mad, Ly, I promise. I just want to know."

    Ngayon ay para siyang batang gustong-gusto makuha ang sagot sa tanong niya. Huminga ako ng malalim habang nakapulupot ang braso ko sa may likod niya at nakakapit ang kamay ko sa balikat niya. Sa totoo lang, hindi ako natatakot sagutin ang tanong niya.

    "Yes, I still do." Sagot ko sa kanya.

    Naramdaman kong napakapit siya ng mahigpit sa damit ko. Para ring may mabigat na biglang nalaglag sa kwartong ito pero pakiramdam ko lang iyon. Tapos tinignan ko siya at may kidlat na tumama sa puso ko noong nakita kong may mga namumuong luha sa mata niya. Pero hindi pa naman ako tapos.

Her LatibuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon