Chapter Nineteen

9.7K 263 26
                                    

 "Her beauty drowned me. As I sat in front of her I felt that I would do anything mad for her, anything she asked of me. She was color, brilliance, strangeness."

― Anaïs Nin



Chapter Nineteen: And When I Opened My Eyes


A l y s s a

 

    Ang pagpapaligaya sa taong mahal mo ay parang pagbubukas ng regalo. At ikaw, ikaw 'yong regalo. Hahayaan mo silang buksan ka. Pababayaan mo silang sirain 'yong maganda mong balot, at punit-punitin ka. Ayos lang kahit wasak-wasak pa. Basta ang mahalaga para sa'yo ay makuha nila 'yong hinahangad nila, at 'yong makita silang masaya.

    Alam mo 'yon, ang tagal nilang hinintay mangyari ang isang bagay na 'yon. Buong buhay nila. Ang tagal na panahon nila naghirap bago 'yon. Ang daming pinagdaanan. Ilang beses sinubukang magpakamatay dahil inaakalang doon niya mararamdaman 'yong ginhawa. And it's just so different now. Seeing Den right now—one of the most beautiful sights that I have ever seen. And I will ever see. Iba kasi kapag nakikita mo silang nakangiti. Iba kapag nakikita mo silang tumatawa. Iba kapag nakikita mo silang masaya. At lalong iba, at mas masarap sa pakiramdam, kapag alam mong isa ka sa mga dahilan kung bakit sila ganoon kasaya.

    Maraming nagbago kay Den simula nang magbati sila ni Tito Mike. She has changed,  in a good way, of course. Hindi na siya lagi 'yong malungkot. Hindi na siya 'yong ganoon ka-takot. Syempre, minsan may takot pa rin. May hesitation pa rin. Trauma ba. Hindi naman mawawala agad 'yon. I'm not just sure kung mawawala pa 'yon. Pagkatapos ba naman lahat ng masamang nangyari sa buhay niya, hindi siya makapaniwala na ang ganda ng nangyayari ngayon. Hindi siya makapaniwala na ang bait ng mundo sa kanya. Pakiramdam niya panagip pa rin. I can tell na, sa gitna ng kasiyahan niya ngayon, inaabangan pa rin 'yong point na masisira na ulit. 'Yong point na mapuputol na ulit ang kaligayahan niya. 'Yong point na balik sa pagiging miserable ang buhay niya. 'Yong point na may magsasabi sa kanya na joke lang ito lahat. Alam ko kung gaano siya katakot maging masaya, pero alam ko rin mas natatakot siya na maputol ang kaligyahan niya. Pero ako, I won't let that happen. I won't let anything sad, and painful happen to my girl again.

    At kami, medyo malalim na rin ang pinagdaanan namin as a couple. Hindi naging madali, oo. Pero kinaya namin. Naglapasan namin. At ang sarap ipagmalaki ng pagkatapos ng lahat ng iyon, matatag pa rin kami. Mas tumatag kami. Ang saya isipin na hanggang ngayon hawak pa rin naming ang kamay ng isa't isa.

    Ngayon, dalawang linggo nang pumapasok si Den sa UP as a Fine Arts student. Finally. And as far as I can see, she's enjoying it. Nageenjoy siyang bumalik sa pagaaral at this time, ginagawa na niya ang gusto niya. She also enjoys being in a different kind of environment. At (ang pinakaimportante,) masaya siya.

    "Ano ba, Alyssa." Den said as she's walking towards me from the Bartlett Hall (Fine Arts building).

     Maraming tao ang kasabay niyang lumalabas pero parang blur lahat ang mga taong iyon. She's the only one I see.  Kaso nga lang, ang sama ng tingin niya sa akin at parang galit pa. Nagtaka naman kaagad ako kung bakit. Until nakalapit na siya, dinikit ang katawan niya sa akin. As in dikit. And she touched my stomach. Nagulat ako noong ginawa niya 'yon. At medyo.. kinilig.

    "God, babe. You're so hot." She said in a low, seductive voice while looking into my eyes. God. Muntik na akong matunaw.  Pero sinamaan niya ulit ako ng tingin. Tapos tumingin-tingin siya sa paligid. "Please don't wear sphagetti strap top here again. Oh my god, everyone's got their eyes on you."

Her LatibuleWhere stories live. Discover now