Chapter One

21.8K 310 23
                                    

Chapter One: It's Okay To Get Tired Sometimes

A l y s s a

    Ang buhay ay parang pag-upo sa Seaside ng MOA. Tanging iyong tahimik na ulap at payapang dagat lamang ang makikita. Ngunit kapag tumalikod ka, maririnig mo na 'yung ingay ng mga sasakyan, ang gulo ng mga tao, ang ingay ng totoong mundo. Kung ako ang tatanungin, hindi na ako tatalikod. Pero minsan kailangan din, dahil kung saan magulo, minsan doon mo makikita 'yung taong magpapatahimik ng lahat ng ingay sa buhay mo.

This is my latibule. My hiding place. A place where I feel safe. Dito ako pumupunta kapag gusto ko mapag-isa. Kapag malungkot ako. O kapag gusto ko lang. A latibule is not a latibule if everyone knows about it, they say. Pakiramdam ko walang makakakita sa akin dito. Walang makakakita ng totoong ako. Kasi kahit ako—hindi ko rin mahanap ang sarili ko.

Sanay sa sanay na ako sa lugar na ito. Sanay na ako sa mga may nakakatabing naglalampungan, nagtatawanan, at mga tahimik na nag-uusap lang. Sanay na rin ako sa mga taong dumadaan sa likod ko na napaka-ingay pero hindi ko binalak ang lumingon. Gusto ko mundo ko lang ang naririnig ko, iba 'yong mundo nila. Iba 'yong ingay nila.

   "I'm so tired of trying to impress your family. I'm so tired of this relationship. I'm so tired of understanding you. I'm so tired of making you feel better. I'm so tired of you not letting me to make you feel better. I'm so tired of you," Nararamdaman ko nahihirapan din siyang gawin ito. "I love you, Den. I really do. But I'm so tired of you not letting me love you."

    Ngayon lang ako nakarinig ng ganito mula sa isang lalaki. Sa mga panahong ito ang sarap manood sa kanila, ang sarap maki-isyusyo. Gusto kong makita ang reaksyon nilang pareho. Pero as always, syempre mas pinili kong tumalikod nalang.

    "I already gave you everything, Mycs. I already did my best. But I guess that wasn't enough for you," Sagot n'ung babae. Hindi dapat ako nakikinig pero hindi ko mapigilan. "And I'm sorry. I'm sorry for making you feel that way. I can change. I can change for you. Just don't leave me. Ikaw nalang ang mayro'n ako. Please, Mycs. Please."

Biglang gan'on?

    Pustahan, tatabi sa akin 'yan. Tapos pagkatapos makipag-usap, aalis din. Nako, gan'on naman talaga. May dadating sa atin tapos paiingayin lang 'yong buhay natin. Guguluhin lang. Tapos aalis din nang hindi tahimik. Ng magulo. Pero medyo nararamdaman ko rin 'yung nararamdaman n'ung girl ngayon. I already gave you everything, narinig kong sinabi niya kanina. Ang sakit nga naman noon, 'di ba. Ibinigay mo na lahat tapos hindi pa pala 'yun sapat. Aayawan ka pa rin. Susukuan ka pa rin. Sasaktan ka pa rin. Iiwan ka pa rin. Tapos tatanungin mo nalang 'yung sarili mo ng—

    "Saan banda ba ako nagkulang?"

    Mismo, 'yon nga. Pero teka, hindi ako 'yung nag-salita. Kapag may katabi ako rito na ganyan, hinahayaan ko lang sila dahil alam kong aalis din naman 'yan. Ngunit ngayon.. pero ngayon.. napalingon ako sa katabi ko. Mga 2 feet ang pagitan namin. Hindi siya sa akin nakatingin— malamang hindi rin ako ang kausap niya. Pinagmasdan ko ang mga tumutulong luha sa mukha niya. I felt something. May naramdaman ako n'ung tinignan ko siya pero 'di ko dapat hayaan 'yon kung anuman iyon.

Hindi bagay, naisip ko. Hindi bagay sa babaeng ito ang umiiyak. Pero masyado akong nahihiya para sabihin iyon sa kanya.

Pero 'di na ako nag-dalawang isip mag-salita. Baka makatulong, kahit papaano. Never did this before, though. 'Yong pabutihin ang mga nararamdaman ng mga mada-dramang nakakatabi ko rito.

    "Hindi naman por que ikaw ang iniwan, ikaw na 'yung may mali," Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya bago pa siya tumingin sa akin. "Sila talaga 'yung may mali kaya sila 'yung umaalis."

Her LatibuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon