Chapter Four

11.9K 271 22
                                    

Chapter Four


D e n n i s e

   

    Madilim, tahimik, walang buhay. 'Yan ang nararanasan ko kaagad pagka-mulat ng mata ko. Tipong kakagising mo lang, gusto mo na ulit matulog. Iyong kakabangon mo palang, pero iniisip mo na kung anong problema na naman ang dadating sa'yo sa araw na 'to. 'Yong wala pang nangyayari pero sumusuko ka na agad.

    Iyon ang nararamdaman ko. Araw-araw. Pero ngayon, nakakapagtaka at hindi ganoon.

    Nagising ako nang nakangiti. Nang masigla. Nang okay. Nang hindi ko gustong bumalik sa pag-tulog. Hindi rin ako 'yong tipo ng tao na cellphone agad ang hinahanap, pero tumunog 'yong cellphone ko at minabuti ko nang tignan.

    Napangiti ako sa nabasa ko:

    Good morning! Remind yourself that today is going to be a wonderful day, and remember that you are worthy.  And you deserve to be happy. :) I hope to see you today, Dennise (and sorry if it's still too early to text you). He he. :)

    Ginawa ko nga 'yong sinabi niya habang binabasa ko 'yong message niya. Nilagay ko 'yong kamay ko sa may puso ko at pinakiramdaman ko ito. Remeber that you are worthy. Nagulat ako dahil ginanahan ako sa sinabi niya. Siya lang ang kauna-unahang nag-message sa akin ng ganoon. Siya lang ang kauna-unahang taong nakapag-motivate sa akin. Hindi ko alam kung paano niya iyon ginagawa pero effective. Sobrang effective.

    Ganado akong kumain, ganado ako kumilos, ganado ako pumasok. At sabik na rin makita siya. Bago ako umalis ng bahay, napahinto ako sa salamin. Hindi ko ito usually ginagawa. Wala akong pakialam sa kung ano ang itsura ko. Pero ngayon napahinto ako sa harap ng salamin.  Tinignan ko ang sarili ko. Pinagmasdan ko ang katawan ko. Ang mukha ko. For the first time ay na-curious ako sa itsura ko.

    "You're beautiful, babe," Naaalala kong sinabi sa akin ni Myco noon. Pero 'di ako naniwala. Hindi naman kasi iyon kapani-paniwala. Itong babaeng 'tong tinitignan ko sa salamin, maganda? Paano iyan naging maganda? 'Yong buhok, medyo magulo. 'Yong mata, pag tinitigan mong maigi ay makikita mong malalim at malungkot. 'Yong ilong hindi maganda. 'Yong labi ay nanunuyo pa. Tapos iyong katawan, payat pa. Sabi rin ng mom ko sa akin noon, maganda raw ako. Marami ang nagsasabi sa akin. Ngunit sa nakikita ko ngayon sa salamin, paano ko paniniwalaan 'yon? Tinitigan ko pa nang mabuti ang sarili ko. Hindi ako masaya sa nakikita ko. Hindi ko alam kung nasaan ang maganda. Hindi ko alam kung paano naging maganda. Kasi ang nakikita ko lang, isang babaeng pagiging miserable lamang ang alam.

   

Habang nasa kotse ako, inaayos ko ang buhok. Habang naglalakad ako sa hallway ng school, panay silip ako sa camera ng cellphone ko upang tignan kung maayos ba ako. Habang nasa klase at may tumitingin sa akin, iniisip ko kung ano ang itsura ko. Baka magkita kami ni Alyssa tapos ganito ang itsura ko. 'magkita kami', naisip ko. At napangiti ako. Tapos na-bother ulit.

    "Den," Biglang sabi ni Bea Tan habang kumakain kami.

    "Yeah?" Sabi ko, kunwari walang pakialam sa sasabihin niya.

    "Anong meron?" Sabi niya sabay subo. "You look different today."

    Nag-alala ako dahil baka magulo na naman ang buhok ko. Baka pangit na naman ang itsura ko.

    "Is there something wrong with my face? Or what?" Tanong ko habang nag-aayos pa rin ng buhok.

    "No," Napangisi siya sa akin. "You look okay. You do not look as sad as you were. You look great."

Her LatibuleWhere stories live. Discover now