Gising Na

407 12 0
                                    


********CLAY POV********

Hindi ko na napigilan ang sarili kong halikan at yakapin si Marthee.

Alam ko mali sa lahat ng anggulo pero sa oras na ito na hawak ko siya ang alam ko lang...

IKAMAMATAY KO KUNG MAWALA ITO SA AKIN..

Binuhat ko siya papunta sa resthouse kailangan madala namin agad siya sa pinaka malapit na hospital.

Kailangan macheck kung okay na ba talaga siya.

Para siyang maliit na bata sa mga braso ko. Nakayakap lang siya sa akin.

Dali dali naming dinala si Marthee nila Mang Juan ang driver ng resort sa pinakamalapit na pagamutan.

Nakausap ko narin sila Tito Lep at Tita Scarlett and I informed them about what happened. Sa ospital nalang kami mag mimeet.

Nakatulog si Marthee sa tabi ko,
Hindi ko tinitigilang himasin ang braso niya para mainitan at baka nilalamig ito.

Ng makarating sa ospital ay agad itong ipinasok sa emergency room at chineck ng doctor at medical staff.

Ng inilapag ko siya sa stretcher hinalikan ko muna ang noo nito at kamay, ng aalisin ko na ang kapit ko nagising siya bigla at ayaw bumitiw sa pagkakahawak.

" Andito na tayo sa ospital Marths.
Need ka lang nila icheck ha.. (Haplos ko sa noo nito)
Pupuntahan kita agad magfifill up lang ako ng mga kailangan." Sabay dampi ng labi ko sa mga palad niya

Nakatingin lang ito sa akin pero ramdam ko na ayaw niya ako umalis..

Naconfine si Marthee dahil kailangan pa niya mag undergo ng mga test para ma ensure na walang tubig sa lungs niya.

Pagkatapos ko asikasuhin lahat ng mga documents dumiretso na ako sa hospital room.

Nakabantay si Manang Ising sa naka sedate na si Marthee.
Nakasuero ito at bingyan na lamang ng pamapatulog para makapagpahinga. May naiwan daw na tubig ito sa baga na kailangan pang ma extract.

Dumating narin sila Tito Lep at Tita Scarlett, Sobra silang nag aalala lalot muntik na itong namatay. Yun ang sabi ng doctor na tumingin kay Marthee, Kung nahuli lang daw ng ilang minuto pa wala na ang babaeng mahal ko..

Oo alam ko masama, At aminado ako dun. May Helena ako at matalik kong kaibigan si Skye. Ngunit anong magagawa ko???

Alam niyo ba ano pakiramdam na makitang mag agaw buhay ang taong halos buong buhay mo ng minahal?

Hindi lang TAKOT ang RIGHT TERM sa maari mong maramdaman.

MAGUGUNAW ANG MUNDO MO..

NAKAKABALIW ANG FEAR NA TILA KAHIT ANONG GAWIN MO HINDI MO MALALABANAN!

Yan ang eksaktong naramdaman ko,
Kaya pasensya na kung form man ito ng INFIDELITY o panloloko pero sa oras na iyon..

YUN LANG ANG ALAM KONG TAMA..

Umuwi muna ako sa Resort para magbihis at kumain at kumuha ng mga kailangan ni Marthee.

Nakita ko si Mang Kanor at hiniram ko ang gitara nito. Wala man ako sa tono pero magaling naman ako mag gitara, At gusto kong haranahin si Marthee.

Pagdating ko sa ospital pinauwi ko na sila Tito Lep at Tita S at pati si Manang Ising. Babalik nalang ito sa umaga para magdala ng breakfast.

Ako na muna ang nag volunteer magbantay sa ospital.

Tulog na tulog parin ito. Bahagya kong hinaplos ang buhok niya at umungol ito.

" Nananaginip ka ba My Loves? Sana Good dreams at sana kasama ako.." Hinalikan ko ito sa noo.

The Bully Who Stole My Heart (BOOK 1)Where stories live. Discover now