Beautiful Goodbye

353 6 1
                                    

( We're almost at the end of the Story..Sa lahat ng mga nagbasa marami pong Salamat for enjoying and giving my work a minute of your time everyday..Pls Support Mar~Clay book 2 here on Wattpad..My Bully Babe..Soon to be Posted! Have a Great day ahead!❤❤❤)

*Chapter 33~ Beautiful Goodbye*

** CLAY POV **

Pagkatapos ng tawag ko kay Helena sumabog ang dibdib ko..

Ang hirap marinig na nasasaktan at nahihirapan ang taong walang kasalanan kung di subukan mahalin ako at sa 2 months nilang relasyon naging mabuti ito sa kanya.

Alam niya kung gaano nito kamahal ang lolo at lola. Lagi ni Helena kinukwento kung ano ano ang nagawa ng mga ito para sa kanya.

Anong gagawin mo Clay? Paano si Marthena?

Paano nito sasabihin sa dalaga na kailangan niya umalis at alalayan ang officially ay girlfriend parin niya.

Nang tumawag ako kay Helena, Buo na ang isip ko na makipaghiwalay na habang maaga..

Nagkataon pa na ganito..Lalo tuloy humirap, Lalong gumulo..

Gusto ko man siyang hindian pero ramdam ko sa boses niya ang paghihirap.

Paano ko matitiis ang isang taong importante din sa akin na nakikiusap at humihingi ng tulong???

Sorry Babe..Sorry Marthee..Kailangan ako ni Helena..Pasensya na talaga..

Hindi ako nakatulog sa nangyare..Wala akong lakas ng loob na sabihin ang totoo sa babaeng mahal ko. Alam kong magagalit si Marthee at baka hindi niya maintindihan..

Kinabukasan kinausap ko si Tita Scarlett ng masinsinan.

Sinabi kong kailangan kong pumunta sa Japan para kay Helena dahil sa pagkamatay ng lolo nito.

Sasamahan daw ako ni Tita Scarlett papunta duon.

Blessed ako magkaroon ng tiyahin na kagaya niya na anak narin ang turing sa akin.

Aalis na kami bukas, Bibili ng plane ticket si Tita ngayon. Nakausap ko narin si Mommy at pumayag ito.

Ngunit Paano si Babe? Wala itong kaalam alam na aalis na ako tom..

Hindi ko kayang sabihin..Sadyang hindi..

********************************
*MARTHEE*

Maaga daw umalis si Clay at si Tita S. sabi ni Uncle.

Nakakatampong Kingkong to hindi man lang nagpaalam kahit sumagot ng tawag hindi..Nakasilent siguro.

Nakakalungkot naman. Anong oras kaya balik nila?

Tinawagan ko na lamang si Bessy Sab at kinwento ko sa kanya lahat.

Masaya siya para sa amin pero parang hindi parin siya approve na hindi pa alam ni Helena at Skye.

Naiintindihan ko si Bessy, Ayaw lang niya ako masaktan.

5pm na wala parin ang Babe ko..

Ang tagal naman! Ilang romantic movies narin ang pinanuod ko.

Pumunta ako sa dulo ng beach at naghanap na lamang ng mga sea shells. Balak ko gumawa ng art gamit ang mga ito.

Ang dilim na hindi ko namalayan..

Tinry ko tawagan si Clay naka off ang cp.. Naku nalowbat ata. Umupo na lamang ako sa dalampasigan at nagmuni muni.

Nang may humawak sa balikat ko!

The Bully Who Stole My Heart (BOOK 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora