War of the hearts ❤

299 9 0
                                    


*CLAY POV*

Ano kayang topak nito ni Marthee at bigla nagbago ng mood?

Kahapon lang ng papunta sa ospital halos ayaw niya ako bitawan bakit ngayon parang OA naman ata ang galit niya?!?! Hindi pa magpasalamat ng maayos.

Nilait pa ang pag langoy ko!

Eh kung hindi dahil sa LANGOY ASO ko wala na siya ngayon..
Alam ba niya kung gano kahirap ang dinanas ko para maabot siya?! Ang layo kaya nung pinaglunuran niya. Kulang na nga lang ma jebs ako sa sobrang takot eh! TSkk!! Tssk!

Akala ko pa naman okay na kami..
Kala ko pa naman kahit papaano magiging civil na kami sa isa't isa.

Dahil kaya sa paghalik ko sa kanya?
Alam ko mali yun pero ibinalik naman niya ang mga halik ko eh kaya umasa akong baka sakaling masabi ko na sa kanya ang totoo

Pero ang bilis magshift ng ugali!
Try ko nalang kaya mag sorry?..
Sana wag ako kagatin. Bumalik ang pagiging aswang eh!

Haays Koks! Yan Topak mo na yan ang lalong nagpapaFALL sa akin..
Nakakabaliw ka..Hirap mo ma gets!

**************************

The next day bumalik na si Marthee sa Villa. Awa ng Diyos okay naman siya at walang complications.

Hindi ko na siya sinubukan salubungin at baka tablahin lang ako. Pag may SANIB kasi yun may sanib talaga mabilis manakit hehe..

Pumunta na lamang ako sa tabing dagat. It's almost 6pm and malapit na ang sunset.. Napaka ganda nito parang babagsak ang haring araw sa dagat.. Sarap sana ishare nito kay Marthena sayang..

Inantok ako sa sunset.. Makaidlip nga muna bago ang bonfire session mamaya.. Saya talaga dito sa Villa may kantahan, kainan at tawanan..

Haayss..Aaaahhhh! (Hikab! Hikab!).
Dito nalang ako matutulog.
Latag ko nalang tong twalya sa buhangin.

~ After 2 hours..~

Nagising si Clay. Tila hindi makagalaw at walang makita.
May nakatakip sa mata nito at parang ibinaon siya sa buhangin.

Napakalalim na nahihirapan siya igalaw ang mga paa at kamay niya.

Pinilit nitong kagatin ang telang nakapatong sa mukha niya. Sinubukan niyang sumigaw..

Nagpapanic na siya. Claustrophobic kasi ito or takot sa mga masisikip na lugar..Isa to sa mga biggest fears niya ang malibing ng buhay.

Buti na lamang at may mga lamp posts sa paligid kaya maliwanag ang area..Sa kabilang dako naririnig niya na nagsisimula na ang Bonfire event, Nagtatawanan at nagkakantahan na ang mga guests. Maya maya nakakita siya ng maliliit na talangka na papunta sa kanya..

" Ooohhh!!! Tulong! Tulooonnnngg!!!
Tita Scarlett! Tito Lep! Pls tulong!!!
May alimango! Nangangagat yan! Pls nakabaon ako huuuwaaaaahhhhh!!!

May babaeng nakatayo sa tabi ko..

Si Marthee..

Muntik na akong tumili ( Oo lalaki ako tunay na lalaki pero poyek naman nakakatakot talaga ang paglabas ni Marthena sa gilid ko!) akala ko aswang haayyss! Lakas maka FEAR FACTOR nitong si Koks oh!

" My loves tulungan mo naman ako Oh! Pakihukay nga ako dito ang lalim ng pinaglibingan sa akin eh taragis! "

Para lang itong tuod nakatayo lang sa gilid ko lalo ako kinilabutan kasi hindi ko makita ang mukha niya kasi nga nakabaon ako.

Maya maya lumipat to sa harap ko..
May hawak na alimango ( Actually talangka lang po yun hindi lang alam ni Clay ang tawag haha)

Nakangisi ito at agad inilapag ang alimango sa dibdib ko!!!

" Waaaahhhh Marthee!!! Alisin mo yan! whooo! whoooo! awoooofff!!! (sinusubukan hipan yung papalapit na talangka)

" Marthee nangangagat yaaaan!!! Wag ka ganyan Marthenaaa!!! Masakit yaaan! Tandaaan moooo Niligtaaas ko buhaaay moooo!!!Waaahhh!!!"

" Hahahaha!!! Buti nga sayong manyak ka! Ng mamaga yang mga labi mong criminal na yan GRrrr!!!
At isa pa talagang malalim ang pinaglibingan ko sainyo diyan sa buhangin ano! Sayang nga wala akong nahanap na semento TSkk!! Tskk! Hayys sayeng nemen debe my leves?!?! Bwahahaha!!!"

Umalis ito at iniwan ako sa papalapit na alimango..

Diyos ko Lord! Paano to! Tulooooong!!! Tulooooongggg!!!

Malapit na sa ilong ko ang alimango nagluluha na ako sa takot.. Walang halong biro masakit yan..Hindi ko na napigilan maiyak..Sinubukan ko pang duraan ito ng paulit ulit. Nakakaubos na ng hininga!

Nang biglang may kumuha dito ng muntik ng sipitin ang ilong ko..

Walang iba kung di ang Aswang!

May sayad na ba to si Marthena?!?!
Kung humagalpak ng tawa kala mo wala ng bukas!

Nakakatawa bang ilibing niya ako sa buhangin na ulo lang ang nakalabas at ang dami niya pang nilagay na alimango?!?? ( Again po talangka lang yun hehe)

Buti nalang biglang napadaan si Mang Kanor at hinukay ako sa buhangin..

" Anak mukhang may galit talaga ang nagbaon sayo dito ah kasi ang lalim ng pinaglibingan sayo eh! hehe! Sino ba gumawa nito ha? " Tanong ni Mang Kanor

" Isang impaktita po Manong! ( May araw ka din sa akin Kokey!!! Tandaan mo yan!) Napasukan po ata ng tubig ang utak kaya napraning! " Galit kong pahayag.

Pagkaalis ko sa hukay bumalik na ako sa resthouse para maligo at magbihis. Nakuuu! Patay ka talaga sa akin Marthena Sebastian! Nyets ka sinasabi ko sayo!

******End of Chapter 20******

Hahaha umpisa pa lang po yan..❤

The Bully Who Stole My Heart (BOOK 1)Where stories live. Discover now