Catch me if you can

434 12 0
                                    

After 3 weeks

Last day na ng mga Lucians sa St. Pio at pabalik na ang mga ito sa sarili nilang klase.

Mixed feelings si Marthee. Hindi nya alam kung malulungkot ba o sobrang matutuwa na wala na sa tabi nya ang mortal na kaaway ngunit malalayo na din siya sa ultimate crush nitong si Skye.

Naging sobrang bait nito sa kanilang mag bff and naisipan nya itong bigyan ng Thank You letter..

" Dear Skye,

I would like to say Thank You sa pagiging mabait mo sa amin ni Beshie and for helping me na makayanan ko ang ilang days na katabi ko ang may sanib mong kaibigan. Promise kung wala ka baka matagal ko ng nailibing ng buhay yang kaibigan mo. Thank you kasi simula grade school naging good friends tayo. I hope kahit bumalik ka na sa room nyo eh ganon pa din. I will always be here if you need any help.. If ever lang hehe.. Take Care.
Your Friend, Marthee

OMG! Maibigay ko kaya to sa kanya. Teka madagdagan nga ng mga heart stuffs at shempre special stationery to na super bango.

Saktong pagpasok ni Clay na na curious sa sinusulat ni Marthee.

Walang sabi sabi inagaw nito ang sulat at pinilit basahin sa buong klase!

Dear blah blah...

Tumayo na si Marthee at akmang mananapak ng biglang kumaripas na siya ng takbo.

Hinabol ito ni Marthena.

Parang nagbalik ang dalawa sa panahong grade school pa lang sila kung saan lagi din hinahabol ni Marthee si Clay tuwing gagawa ito ng kalokohan at bibigyan ng remembrance na bukol.

" Habol Kokey! Habol!!! Kaya mo yaaann!! Ilabas mo ang anim mong mga paa at ang powers mo kaya mo yan!!! Habooool!!! Bleeehhh! Bleh bi bleh bleh! " Pambubuska nito

Napatigil ng saglit si Marthee dala ng hingal at pagod... Umuusok na ang ilong at tenga na wari mo'y toro at si Clay ang target na red flag.

Mapapatay talaga kitang Shokoy ka! At pag nahuli kita ipagpapalit ko ang mga tuhod mo sa mukha mo! Talo mo pa ang mga zombie sa The Walking Dead pagkatapos ko sayo!

Sabay bumwelo na ulit ito para habulin ang mortal na kaaway.

Matulin na tumakbo si Clay patungo sa campus gym halos madapa dapa pa, Para lang makatakas kay Marthee. Andun nagpapractice ang mga ka team nya sa basketball at ang Team Captain nilang si Skye.

Nagtago ito sa likod ng kaibigan habang nakapasok na din si Marthee sa loob.

Natigilan ito ng makita ang crush.

Ngumiti si Skye sa kanya.

Ofcourse pulang pula na naman ang pisngi ng dalaga.

" Guys! Break muna! Babasahin ko lang sainyo ang love letter sa akin ni Marthee.. Kakakilabot este kakakilig!

Pasugod na si Marthee ng sinimulan na ni Clay ang kunyaring pagbabasa..

Dear Clay,

I like you baby boy! Bata pa lang tayo gustong gusto na kita! Ikaw ang laging laman ng aking dreams day & night. Matagal ko ng pinagpi pray na sana maaging tao na ako para magustuhan mo at maging mag ka level na tayo! Hindi ko maipa pramis na hindi kita kakainin someday kasi aside sa pagiging alien eh may lahi din akong aswang. Kaya nga lagi mo akong nakikita sa bubong ng kapitbahay nyo..Ikaw ang gusto kong maging FOREVER BABE. Heart! heart! Korean heart!

PS.
Hindi ako mabubuhay pag hindi mo ako sinagot..take care coz i care tsup tsup muah muah!

Nagmamahal Marthena.

Nagtawanan ang lahat ng nakarinig. Hindi ko na ma explain ang pang gagalaiti ko kay Clay. Nalunod ako sa tawanan sa paligid ko. Pero ang masakit lang ay ang makitang pati Skye nakikitawa sa kalokohan ng kaibigan nya.

I raised my hands in surrender and nag walk out. Hindi ko na napigilan magbagsakan ang mga luha ko..

Hindi na ba titigil ang mga pang bubully na to??!!!..

Enough is enough! Time to stand up for myself..

***** End of chapter

The Bully Who Stole My Heart (BOOK 1)Where stories live. Discover now