CEASEFIRE

350 9 0
                                    

** CLAY **

After ako hinarana ni Your Highness, Marthee ko na sa sobrang kilig eh tinalo ko pa ang nakuryente sa poste ng meralco na may milyon volts (Aminin niyo kinilig din kayo!Yieeeee!!!) eh naging okay na kami KAHIT PAPAANO.

Thanks to Koks at effort siyang kuskusin at kayudin ang mukha ko nung solution na ibinigay niya na halos ikatanggal na ng balat ko (Hindi ko alam kung nakipagbati lang tong bruhang to para mang torture eh! hehe)

Rason niya kelangan daw hard ang pag kuskos para maalis eh nakalagay nga sa label " Use mildly on skin, Don't scrub!!!!" Langya!

Tapos nag swimming kami..YeP!!!
Totoo po! Nakakapag swimming na kaming magkasama ngayon. (Astig diba?!?!)

Yun nga lang lagi ko napapansin na dinadala niya ako sa malalim na part ng dagat tapos bigla akong sasakyan sa likod (piggy backride) na ilang beses ko ng muntik ikinalunod! Sabi niya training ko daw yun para gumaling ako lumangoy..Yess! Concerned!!!

Tapos eto pa! Ang sweet..Kinilig ako dito sobra! Nag jetski kami sya nag drive wala naman akong magagawa eh. (Ok lang kasi nakahawak naman ako sa bewang ng My Loves ko. Yiiieeee!)

Okay naman sana kaso naisipan niya magdrift daw kami sa tubig
(Ipa ikot ng ipaikot ang jetski) Kulang nalang sumuka ako ng dugo sobrang hilo ko. Naging blue na nga ata ang kulay ko at gusto ko na bumulwak habang siya aliw na aliw!

Tapos dumiretso kami sa isang cave sa kabilang island. TAGUAN DAW KAMI SIYA TAYA..Tagal ko nagtago sa gilid ng puno, Pero napansin ko mag fo-45 mins na hindi parin niya ako nahahanap at medyo madilim na. Pag kakita ko wala na siya at ang jetski.. Iniwan ako ng bruha!

Grabe kaya naiyak ako sa takot nun..Wala pa naman katao tao sa isla tapos ang dilim pa. Aissshhh!!!

Bumalik siya after one hour at kesyo najejebs daw kaya siya tumalilis ng alis tapos nung pabalik na daw sana siya kesyo nagdala daw kasi si Mang Kanor ng bananaque at pansit palabok nagutom daw siya kaka swimming kaya nakalimutan niya ako!!! waaahhh!!! Ang sweet noh! Atleast naalala parin niya ako balikan.

Dumating na rin sila Tita Scarlett at Uncle Lep..

Syempre taka ang tita ko sa mukha ko napalusutan nalang namin kesyo ngyare yun ng hula night.

Ayoko din naman mapahamak pa si My Loves.

Importante daw magkasundo na kami ni Lucrecia, ayyst Marthee pala.

Ngayon eto nag crave daw ito ng Korean food at pinipilit ipaubos sa akin ang saksakan ng anghang na JIAMPONG (Spicy Korean Mami) kasi daw SIGN OF RESPECT daw yun sa mga Koreano pag binigyan ka ng ganito kaya dapat daw ubusin ko or else nirereject ko daw ang respeto niya. (Sino po mga Korean diyan? May katotohanan po ba mga pinagsasabi nitong aswang na to?)

Halos isang drum na ng tubig ang naiinom ko at pabalik balik pa ako sa Restroom kaka wiwi. Tapos siya sushi at maki ang kinakain eh hindi nga korean food yun eh kundi Japanese! Iniisahan na naman ako ng buang na to promise!

Ayan naubos ko na din ang mala impyerno sa ahang na noodles. Sobrang pula ng mukha ko hanggang leeg.

Tinawanan pa ako at mukha daw akong mascot ng tomato sauce.
Cute lang eh! Sarap tirisin!

Pasalamat to gusto kong magkasundo na kami kaya go lang ako sa mga trip niya.

Pero kahit mahirap, Masaya naman ako kasi lagi kong kasama ang taong mahal ko..

The Bully Who Stole My Heart (BOOK 1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum