I Hate Bullies!

530 12 0
                                    

* The Next day @ school*

Pagdating ko sa campus naririnig ko na ang bulungan at simpleng tawanan ng mga schoolmates ko. Sabay may pasulyap pa sa akin. Inirapan ko nga silang lahat. Dumiretso na ako sa section namin at nakita kong nagkukumpulan ang mga classmates kong girls sa likod kasama si beshie. May pinapanuod sila sa celphone.

Biglang takbo sa akin ni Sab ng makitang dumating na ako. Buti na lang at medyo maaga pa at wala pa ang shokoy kong katabi at wala pa din ang love of my life na si Skye.

" Beshie. beshie...Wag ka magwawala ha may sasabihin ako sayo...Pero promise wag ka magwawala okay??? Wag ka mag aamok ha pls.. " Sab

" Sabrina ano ba yun ha??? OA na! "

" Ganito na lang..Tara practice muna tayo ng inhale and exhale para luminis din ang lungs mo.. Saka para kumalma ka.. " Sab habang OA ang ikinikilos

" Naku! Ano ba yan ha? Patingin nga.. " Iritado kong Inagaw ang iphone nito at pinanuod ang viral video na mukhang trending ata sa buong campus. May caption na " BASTED QUEEN ( Ang babaeng 468 times ng binasted pero Never Say Die! )

Natawa ako sa caption ha..Talaga ba? Ang desperada ha!

Sinimulan ko na panuorin ang video

Hanggang teka lang.. Parang..Parang pamilyar ang mga boses at ganap sa videong ito ah! OMAAAYGAAAD!!!

Nanlaki ang mga mata ko. Sumikip ang dibdib lalo na ng umalulong na ang tawa ng taong pinaglihi sa shokoy sa nasabing video!!!

Isinisigaw ng shokoy na ito kung paaano nya binasted ng 468 times ang isang engot na babae!!! At ang babaeng yun eh AKOOOO!!!

May 20k shares at 3k comments na in less than 24 hours! HUWOW!!!

Naramdaman ko na lang ang pag akyat ng dugo ko patungong batok hanggang ulo!

Literal kong nararamdaman ang pag usok ng aking ilong at tenga! Nanginginig ako sa galit at halos mabasag ko sa aking mga kamay ang brand new na Iphone X ni Sab.

" Besh kalma lang okay.. Saka wag mo naman ilabas sa iphone ko yung galit mo besh regalo yan ni mommy nung bday ko parang madudurog na kasi sa pang gigil mo eh.. " Sab habang dahan dahang kinukuha ang iphone.

Naluluha ako sa galit.. Ikaw ba naman mag viral ka sa social media ng dahil 468 times kang binasted ng isang mukhang bakulaw at paniwalang paniwala naman ang halos lahat ng viewers ng kasumpa sumpang vid!!!

Magbabayad ka CLAY MATTHEWS!

ibabaon kita pabalik sa kung saan ka mang nang galing na abnormal ka! GRRRR!!!!

*** Clay at Skye saktong nasa basketball practice. Walang ka malay malay sa mga ganap sa paligid nya at lalo na sa matinding galit ng ka eskwela.

lunch time bumalik na ang dalawa sa classroom ng St.Pio kung saan temporary silang nakikisit in habang wala pa ang mismong adviser.

Pagpasok ng dalawa kapansin pansin na natahimik ang lahat.

" Oyyy! Anong meron??? Na star struck na naman kayong lahat sa amin ni Pascual ano?!?! Hehehe! " Pagbibiro ni Clay

" Hoy Vicente ano yan? Bakit ang tatahimik nyo? Nababakla ka na din ba sa amin "

Lumapit ang ka eskwelang nabanggit at ipinanuod dito ang mahiwagang viral video nila ni Marthena.

Makikita na biglang napangiwi ang mapagbirong binata pero biglang nagpalit ng expression at as usual humagalpak ng tawa...

" Dude hindi ka ba natatakot sa rage na maaring gawin sayo ni Marthena? Kanina ka pa inaabangan nun buti na lang nasa court kayo kundi lagot na.. " Vicente

Napailing si Skye at pinagsabihan ang kaibigan.

" Dude mukhang nasobrahan na ata mga pranks mo kay Marthee. Ayan nag viral na mga kalokohan mo. Sabi ko naman sayo eh tigilan mo na. " Banat ni Skye na mukhang concern na concern sa mga nagyayare.

" Aba hindi naman ako ang nagpost nyan online eh bakit sa akin siya magagalit? At isa pa ayaw nya nun makikita na siya ng mga kamag anak nyang alien?. Bka dahil sa viral na video na yan mahanap na niya ang nawawalang spaceship nila at makabalik na siya sa planetang YEKOK. hikhikhik!

Matagal ko na nga sanang balak ilapit siya kay Jessica Soho at baka matulungan nila si Marthena na mahanap ang pabalik sa planeta nya kasi dude ramdam ko hirap na hirap na siya mag adjust dito sa atin. Hirap na hirap na siya dude..Nakakaawa na.." Nag iiyak iyakan pa ang mokong.

Ang hindi nito alam eh kanina pa nasa likod si Marthee at narinig lahat ng mga kalokohan nito.

Ang hindi nito alam eh kanina pa nasa likod si Marthee at narinig lahat ng mga kalokohan nito

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Sa isang iglap naramdaman na lang ni Clay na halos mapunit ang anit nya sa pag kakasabunot.

" Napaka walang hiya moooo!!! Tsonggo ka! Abnormal kaaa!!! Kapal kapal ng mukha mo!!! Uubusin ko lahat ng buhok sa anit mong sira ulo kaaaa!!! " Galit na galit na sigaw ni Marthee habang sinasabunutan ng walang tigil ang mortal na kaaway. "

" Bes tama na! Hala tama na bitaw na! " Awat ni Sab

" Aruuuuuyyyykoopooo!!! Tama na Koks este Marthee! Mashakit na!!! "

Sige pa rin sa pagsabunot si Marthena. Nanlilisik ang mga mata sa galit hangng niyakap ito ni Skye saka lang siya napabitaw.

Natigilan sya ng maramdaman ang pagyakap ng crush nya. Ito lang pala ang magpapakalma sa knya.

" Tama na Marthee.. Tama na.. " Bulong dito ni Skye habang nakayakap pa rin.

Unti unti din syang binitawan nito ng makitang medyo okay na siya.

" Aba ang sakit non Koks ha! Ayaw mo nun nag viral na tayo hindi mo na kailangan lumapit sa Jessica Soho para makabalik ka sa planeta nyo. Dapat nga mag thank you ka pa eh! " Muling banat ni Clay sa dalaga

Naningkit ulit ang mga mata ni Marthee at sinapo ulit ang buhok ni Clayat niyugyog ito!

" Waaaahhhh! Impakto ka talaga!!! Mapapatay kita!!! " Sigaw muli ni Marthena

Inasahan nitong muli siyang yayakapin ni Skye ngunit saktong dumating na ang basag trip nilang adviser na si Mrs. Salonga.

Wala tuloy siyang choice kundi bumitaw sa pag kakasabunot kay Clay.

Napakamot sa masakit na ulo ang mokong at iniwasan tumingin sa mga dagger looks ng katabi.

Naririnig nya ang gigil na bulong nito..

" Subukan mong lumingon patay ka sa akin!"

***** End of Chapter four ****

The Bully Who Stole My Heart (BOOK 1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang