Terrified

313 10 0
                                    


6 PM

" MARTHEE "

Napabalikwas ako ng may malakas na kumalabog sa pinto ko.

BLAG! BLAG ! BLAG !

Sunod sunod na katok na kulang nalang eh magiba ang pinto.

" MARTHEEEENAAA SEBASTIAAANN!!! LUMABAS KA DIYAN!!! "

Nakup! Si Kingkong! At mukhang naghuhurementado!

Bakit kaya?!?! Hindi ba niya nagustuhan ang ART ko? Ganda naman ah!

Infairness detailed ang pagkakadrawing ko sa mga apple trees at bagwa..CUTE kaya!

HMFFF!!! WALA MAN LANG APPRECIATION!

" Walaaaa!!! Umalis! Naglayas!!! " Sigaw ko

" WALA AKONG PANAHON MAKIPAG LOKOHAN SAYONG BRUHA KA!!! BUKSAN MO ANG PINTOOO!!! ( BLAG! BLAG! BLAG! )

" Ayooookoooo ngaaa!!! Bahala ka sa buhay mooo!!! "

" AH GANON HA!!! GIGIBAIN KO TONG PINTO MO HANGGAT HINDI MO TO BINUBUKSAN AT WALA NA AKONG PAKIALAM KUNG TUMAWAG MAN SILA KILA TITO LEP BASTA BUKSAN MO TO!!! ( BLAG! BLAG! BLAG!)

Woooow!!! Galit na galit lang?!?!

Sige na nga! Buksan ko na nga at baka masira pa ang pinto patay pa ako kay uncle..

Pag bukas ko ay agad akong nakitang naka ski mask ang chonggo. Tinulak ako nito papasok sa kwarto at ni lock ang pinto sa likod niya.

Nagtitili ako na agad nahinto ng takpan niya ang bibig ko at ihiga ako sa kama.

Nagpapalag ako habang sinusuntok siya at hinihila ang mask niya.

Hala!!! Anong gagawin nito sa akin?!?!

Pagsasamantalahan ba ako nito! Sh*t laban Marthee! Laban!

Nahila ko ang mask na suot nito

Napatigil ako..At ang kaninang mga sigaw ay naging hagalpak ng tawa..

Ang kulet ng mukha ni Kingkong galit na galit lang habang ang kilay eh pink at may malaking bagwa sa noo at puro flowers at puno ang mukha. May pula pa sa ilong! Ahahaha!!!

Binitawan nito ang bibig ko sa pag kakatakip niya.

Ang hindi niyo kasi alam habang iniintay kong bumalik itong g*gong to sa pagaanuhan nila nung hammer girl eh hindi ko napigilang uminom nung tropical punch..Sarreh nemen! First time ko uminom eh! Malay ko bang magagawa ko yan ganyan kay Clay! Ang akala ko lang nagdrawing lang ako ng konti. Napuno ko pala ang mukha niya at may tattoos pa! Ahahaha!!!

Nakita kong nagbababaga ang mga tingin nito sa akin.

Actually naiintindihan ko naman..
Nagmukha siyang black board na panda eh dahil nangingitim parin ang black eye nito..

" Nakakatawa ba to para sayo Marthee huh?!?! Ganito ka na ba talaga ka desperadong gantihan ako?" Habang hawak nito ang dalawang kamay ko.

" Nung niligtas kita akala ko matatapos na lahat ng kaguluhan sa atin ng kahit ngayong bakasyon lang, Na baka sakaling nakita mo rin naman akong bilang tao at hindi lang isang demonyo o shokoy o kung ano man! "

Pinilit ko itong itulak Pero sadyang malakas ito kesa sa akin.

" WAG MO AKONG SUSUMBATAN! HINDI KO PINILIT NA ILIGTAS MO AKO!!! SANA PINABAYAAN MO NALANG AKO! "

Nakatitig lang ito ng masama sa akin na nanginginig sa galit.

" OO!!! SANA NGA HINDI NALANG KITA NILIGTAS! SANA HINYAAN NALANG KITA MALUNOD! SANA NAMATAY KA NALANG!!!

The Bully Who Stole My Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon