On My Own

288 5 0
                                    

*CHAPTER 34~ ON MY OWN PART 1

* Marthee *

5 months ng nagstart ang school year and Seniors na kami.

Magkakasama parin kami nila Bessy Sab at ni Skye but sad to say there's NO CLAY MATTHEWS na nag enroll this year sa SJC.

Kinausap ko si Tita S. pero ang sabi lang niya nag paiwan daw si Clay sa Japan at mag hohome school na lang daw ito.

Nahalata ng lahat ang pagbagsak ng katawan ko and hindi na ako ganon ka active and kadaldal sa classroom.

Paminsan minsan ding bigla nalang tutulo ang mga luha ko lalot halos lahat ng sulok sa school ay may memories ako ng pang bubully ni Clay.

Panay parin ang panunuyo ni Skye sa akin pero tinapat ko na siya na ayoko na muna magka boyfriend

Wala narin ako kakayahang magmahal. Paano ka nga naman magmamahal kung ang puso mo eh ninakaw na ng iba at hindi na ibinalik?

At isa pa ayoko narin paasahin si Skye lalot alam ko kung ano pakiramdam ng PAASAHIN..

Hindi biro ang sakit..

Ang badtrip pa nito..Walang inooffer ang botika na pwede sa BROKEN HEART!

Para akong tanga! Alam niyo ba na araw araw ko parin siya tinatawagan? Para pakinggan lang ang boses niya.

Para ko ngang ginawang diary eh. Lahat ng ngyayare kinukwento ko sa voice mail niya.

Kinwento ko rin na may bago ng tawag sa akin ang mga tao sa school.

" The Zombie Lady! " haha! Lage daw kasi akong tulala at parang wala sa sarili

Bait din ni Skye kasi kahit binasted ko siya hindi parin siya nagbago sa akin bagkus lalo kaming naging close at 3 na kaming mag best buddies ngayon nila Sab.

" Bess..Bess..Tara lunch na tayo! " Si Sab

Napatingin ako dito at tamad na sumama sa kanya.

Nang nasa cafeteria kami nilapitan ako ni Ms. Aquino Room Adviser namin.

" Ms. Sebastian ikaw ang napili kong maging representative para sa MISS ST. JUDE COLLGE ha. Ikaw ang magrerepresent sa Faustinians. Usap tayo mamaya about it "

" A..ano po? A..Ayoko po ma'am..Ayoko po ng mga pageants.."

" Sige na pls! Panigurado malaki ang laban natin at isa ka sa pinaka maganda sa school. Queen of the night ka pa at napakaganda ng boses mo. Talent pa lang laos na sila. (Pambobola nito.) Pag isipan mo pls." Sabay alis

" Sige na Bess! Yieee!!! Ikaw na ang Miss SJC!!! Sure winner na! Yieee!!! Excited na sabi ni Sab"

" Oo nga! Wag mo na pag isipan! Tutal last year na natin dito patulan mo na hehe " Pang uudyok ni Skye.

" Sige na Bessy Plitttttthhhh!!!! Sige na pumayag ka na! Ikaw na panalo lalot wala na si Helen...Ay wala pala..Ibig ko sabihin kasi ikaw ang pinaka maganda dito! " Sinubukan pa nitong magpalusot.

Nagpanting ang tenga ko sa pagkarinig ng pangalan ng karibal ko.

Hindi sa galit ako sa kanya, Pero ito ang pinili ng taong nag paasa sa akin na mahal ako.

" Pag iisipan ko Bess.. Balik na ako sa room..Bye Skye! " Tayo ko at diretso lakad. Hindi ko na sila inintay sumunod sa akin.. Alam na ni Bess yun. Gusto ko muna mapag isa.

Sa iba ako nagtungo.. Sa mini park ng SJC. Andito si Vinio at as usual naghahanap na naman ng mga insekto.

Nakakatawa na panay ang habol nito sa mga tipaklong.

Bigla ko naalala si Clay at kung paano niya sinet up na magsama kami sa PRISONER FOR A DATE booth ni Vinio!

Lakas talaga mantrip ng Ga*gong yun! haha!

Naramdaman ko ang init ng luhang tumutulo sa pisngi ko..

Potek naman Marthee! Tama na! mag fa 5 months ng wala si Clay..

Isang magulo at masayang bangungot lamang yun. Kalimutan mo na siya dahil kinalimutan ka na niya..bulong ng isip ko.

Durog na durog na ako. Hindi ko na napigilan ang umiyak ng todo.

Naramdaman kong niyakap ako ni Sab.

Lalo tuloy ako humagugol ng iyak..

" Bess tahan na oh..Tahan na Bess..Masyado mo ng pinapahirapan ang sarili mo.."Pag comfort nito sa akin.

" Mi..Miss na miss ko na siya Bess..(hikbi) Sobrang sakit parin..Bawat lugar siya naaalala ko. Siya nakikita ko. Ayoko na ng ganito kasakit Bess..Paano ba titigil to?..." Iyak ko

Hinimas lang ni Sab ang likod ko. Awang awa ito sa akin.

Nung nakaraan sa Glee Club kung saan member ako may kumanta ng Terrified bigla na naman akong umiyak. Pinag chismisan tuloy ako.

Ano ba yan talo ko pa namatayan.

Paano ko ba makakalimutan ang taong ginalit ako sa loob ng matagal na panahon at biglang nagpasaya sa akin ng sobra sobra? Sige nga?!?! Pakipaliwanag? Kasi hindi ko rin alam kung paano at ano dapat gawin.

Ang alam ko lang Patagal ng patagal pasakit ng pasakit.

End of class..Pauwi na naman ako ng bahay..

Mas gusto ko sa school dahil baka mahalata ni Dada ang lungkot ko ayoko mag alala ito sa akin.

At sa school andun pa sila Sab at Skye dito mag isa lang ako kaya lalo ko nararamdaman ang pagkaiwan sa akin ni Clay.

Ang gusto ko lang naman sana sabihin niya sa akin kung bakit? Anong dahilan na pagtapos niyang iparamdam kung gaano niya ako kamahal eh iniwan niya ako kinabukasan.

Kinuha ko ang cellphone ko..Tatawagan ko ulit siya.

Marinig ko lang ang boses niya masaya na ako. Ikekwento ko sa kanya na kinukuha akong Ms SJC. Naku tatawa yun panigurado.

Dinial ko na..

" Hi! Ang pogi ko! I can't answer right now but pls leave a message and I'll get back to you soon!.." (Clay answering machine)

" Hi Babe..How's your day? Alam mo ba dami kong kwento.. Akalain mong kinuha ako para sa Ms.SJC hahaha! Panigurado kung andito ka ngayon bwibwisitin mo lang ako ng sobra! Pagtatawanan mo pa siguro ako lalo pag nag suot ako ng heels haha! Sira ulo ka eh hehe!

Kamusta ka na jan? Kumain ka na ba? Wag ka mag papagutom hah? At yung 100 mong medicine para ma maintain mo ang pagkatao mo lagi mo iinumin okay? hehe! Miss na kita Shoks.. Miss ko narin si Koks..Wala na kasing tumatawag sa akin nun eh..Akala ko nga parte na yun ng pangalan ko dati hehe..Ga*go ka talaga!

Dami mong kagaguhang ginawa sa akin..Oooppss nag tone na wait tawagan kita ulit..

RING..RING..RING..

" Hi! Ang pogi ko! I can't answer right now but pls leave a message and I'll get back to you soon!.." (Clay answering machine)

Oh ito na haha..Asan na ba ako? Oo pala yung mga kagaguhan mo..Si Vinio kanina tinanong ba naman ako kung may bf na daw ako at pagiisipan niya kung this year eh papatulan na daw niya ako..Ga*gong yun! Kasalanan mo yan baliw ka kasi! Naniwala tuloy na may gusto talaga ako sa kanya!

Nga pala ngumawa na naman ako kanina kakahiya..

Ano ba dapat kong gawin ha Babe? Ano bang dapat kong gawin???

Kailangan na ba kitang kalimutan?
Itigil ko na bang paasahin ang sarili ko?

Tingin mo Babe? Tama na ba? Kasi ang sakit sakit na???
Pero ayaw ng puso ko eh kasi hawak ko parin ang puso mo..

Diba sabi mo habang hawak ko ang puso mo akin ka?
Yun ang pinanghahawakan ko..

Mahal na mahal parin kita..Sana bumalik ka na.."

Gaya ng dati pagkatapos ko mag leave ng message diretso iyak nanaman.

May pampaubos po ba ng luha? Pwede po bang pahingi? Pls po readers..

*******************************

The Bully Who Stole My Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon