REASON

265 6 0
                                    

* CHAPTER 34~PART 2 REASON*

*Marthee POV*

Kinukulit ako ng lahat na sumali diyan sa Ms. SJC na yan! Nakakainis na ha!

" Sige na bess. It might help you heal para maaliw ka din. You need to help yourself. Para pag nagkita ulit kayo ni Clay makikita niya na naging okay ka naman ng iwan ka niya..Try mo lang bess..Sumali ka na." Pangungumbinsi ni Sab.

May point si Sab.. Dapat nga ipamukha ko kay Clay na may buhay pa akong natitira..

Pumayag akong sumali sa Ms.SJC

1 week from now ang competition.

Napakapit ako sa puso ni Clay ng inannounce ako as one of the official contestants ng pageant.

Tama si Bessy..Medyo naaliw nga ako.

" Ofcourse kakanta ka Bess dava? Ano bang kakantahin mo?!?!" (Sab) Tanong nito na akala mo'y manager ko.

" Hindi ko pa alam eh..Bahala na.. Pero nakakakaba ha! "

Hanggang may pumasok na kanta sa isip ko..Bagay na bagay to sa nararamdaman ko ngayon.

Siguro kung andito yung Mokong na yun sasabihin nun magdrawing nalang ako or gumawa ng sand pyramid hehe! Nakita niya kasi pagka artistic ko nung dinrawingan ko ang mukha niya at nilibing ko siya sa buhangin eh..

May sumaksak na naman sa puso ko.

Try not thinking too much of him Marthee..

Try mong labanan ang sakit..Kaya mo yan! sabi ng utak ko.

Paano nga ba labanan ang isang bagay na alam mong impossibleng pigilan?

First love, First Kiss ko si Kingkong eh..

Kaya hindi ko pa alam kung paano ioovercome ang ganitong pain.

Alam ko balang araw our paths will cross again. Pagdating ng panahon na yun ano kaya magiging reaksyon ko pag nagkita kami ulit?

Sasampalin siya? Bubugbugin? Pero bakit ang yakap at mga halik niya parin ang naiisip ko???..

Kahit grabe na ang galit ko sayong hayup ka yung pagmamahal ko parin para sayo ang nananaig. GRrrr!!!

*******************************

May dental checkup ako sa Medical city ngayon. Ako nalang ang pumunta at may lakad si Dada..

~Sa lobby ng hospital habang nagiintay ng elevator. Biglang lumabas si Scarlett. Nakita nito si Marthee at nilapitan

" Beh! Wha..What are you doing here? " Tanong nito

" Hi Tita! Uhm sked ko po ng dental check ngayon, Kayo po? Magkasama ba kayo ni Uncle? "

"Uhmm..Hindi eh..Gusto mo samahan mo muna ako sa Figaro Coffee muna tayo?"

"Si..Sige po Tita" Marami rin akong gustong itanong sa kanya about sa pamangkin nito.

Nag order kami ng Coffee Latte.

" So..So how are you beh? " Makahulugang tanong nito

" O..Okay naman po..May pageant po kami sa school, Kasali nga po ako eh.." Sinadya kong banggitin ito sa kanya para makwento niya sa tukmol niyang pamangkin. Nyetsss!!!

" Wow! Talaga! Naku exciting! Alam na ba ni Phillip yan? Ma eexcite yun! Itext mo sa akin when beh ha manunuod kami. "

Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

" Okay po Tita.. Tita? Ba..Bakit po wala si Clang? Bakit po hi..hindi na siya nagenroll this year? Nag..sasama na..po ba si..sila ni He..Helena sa Japan? " Tanong ko na halos ikapunit ng dibdib ko..

The Bully Who Stole My Heart (BOOK 1)Where stories live. Discover now