Chapter 12

3.5K 164 30
                                    

"Solandis, the second wife of the master."


I was staring at a self-portrait of a woman that was hanging on the wall. Ngayon ko pa lang nakita ng buo ang mukha niya. She was very charismatic as she beamed a gentle smile.


"She's known as the witch of the manor," Alice continued.


Napatingin naman ako kay Alice na tahimik lamang na nakatingin sa portrait. Dahil na rin sa mga kapritso ko ay dinala niya ako rito kung saan ko nakita ang buong painting. Di ko kasi nakita ng buo dahil punit na iyong nasa abandonadong kuwarto.


"Anong nangyari sa kanya?" mabagal na wika ko at ibinaling muli ang tingin sa harapan.


"She committed suicide."


My blood ran cold. If she was already dead, sino iyong nakausap ko kanina? Am I just hallucinating things? but it feels so real.


"Until this day, her ghost still haunts the manor. The servants have reported many cases of a loud bang inside the room. And of course, the master didn't believe any of this. They just sealed the room to stop the commotion."


Lumingon siya sa akin. Her eyes were filled with wary. "Now that you have sated your curiosity, you need to stop. Mapapahamak ka lamang sa ginagawa mo."


I just gave her a wan smile. Tinalikuran ko na siya. Akmang aalis na sana ako sa art gallery nang magsalita muli si Alice.


"My lady," mahina pang pagtawag niya kaya nilingon ko ulit siya. "I've been itching to ask you this..."


"What's the reason why you came here?"


Madaling lumipas ang araw, naghihintay na ako ngayon sa malaking gate ng manor upang salubungin sina Pietro at Luke na galing pa sa dormitoryo nila. Nag-aaral sila sa isang pribadong all-boys school. Tuwing sabado and linggo naman ang uwian nila.


Same goes for Frodo, ngayon ang uwi niya. Mahilig ang pamilya nila sa soirée, It's a fancy evening party. Kaya naman ay nag-ayos ako sa isang pormal na kasuotan. I'm wearing a simple white french style dress. I didn't braid my hair this time, I just let my hair fall to my waist.


"Luke!" nagagalak kong sambit at binuhat ang nakababatang kapatid nila.


Naka-tuxedo at suspender pa ito. Ang cute niya lang tignan sa suot niya. Hindi ko tuloy mapigilan na kagatin ang kanyang pisngi.


"Huy!" pag-awat sa akin ni Pietro at kinuha ang nakababatang kapatid niya na si Luke.


Niyakap niya ito at inilayo sa akin, para bang isa akong halimaw. Bago niya ako tiningnan nang masama.


"How dare you—" akmang bubulyawan niya na sana ako nang tapikin ko ang ulo niya.


"Good boy," I patted his head. Napamaang naman si Pietro. "You're a good boy..."


Bago ko pa man marinig ang maanghang niyang dila ay tumalikod na ako sa kanya. Marami pa akong gagawin. Marami kasing darating na bisita.


"Alice, tara na," sambit ko sa malambot na tono at nag-umpisa na ng paglalakad.


Pumasok na ako sa loob. Isa-isa namang dumating ang mga bisita. Kinakausap pa ako ng iba ngunit nasa gate lang nakatuon ang aking atensyon. Hinihintay ko si Frodo. Nami-miss ko na siya kahit ilang araw pa lamang kaming nagkakahiwalay.


Under the Red-Light DistrictTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon