Move (mild spg)

3.6K 115 21
                                    

                                    Chapter 34:

Layana's POV:

Napakurap siya sa sinabi nito.

Kasal?

Agad na kumudlit ang kaba at tuwa sa kanyang puso sa narinig na tinuran nito.

Saya kasi gusto nitong makasama siya sa matrimonyo ng kasal.

Pero parang may kaba siya dahil parang ang bilis ng mga nagaganap?

Oo at may nangyari sa kanila at hindi pwedeng ipagwalang bahala iyon dahil dalaga siya at--

"You don't like it?" Untag sa kanya ni Jazz nung ilang saglit siyang natahimik, tumingin siya dito at nakikita niya sa ekspresyon nito ang pangamba.

At pagmamadali?

"Hindi naman, nagulat lang" ngumiti siya dito, agad niyang pinagalitan ang sarili dahil parang may nararamdaman siyang iba batay na din aa pagmamadali nito?

O siya lang nakakaramdam iyon?

Tinitigan niya ito.

Kitang kita niya sa mga mata nito ang sinseridad at pagmamahal habang nakatingin sa kanya.

"So what now?" Tanong nito habang nakatingin ng kabado sa kanya.

Kabado?

Ngumiti siya dito.

Sa ngayon hindi na muna niya iisipin ang mga bagay bagay na hindi naman siya sigurado, ang alam lang niyang sigurado ngayon, ay mahal siya nito.

At mahal niya ito.

At mukhang ito na ang tsansang maging masaya siya sa buhay, kasama ng lalaking mahal niya.

"Wala bang singsing?" Tanong niya dito habang nakangiti, napapangiti siya dahil ang itsura nito ay parang isang tuta na nag aantay ng ayuda.

Nanlaki ng bahagya ang mga mata nito.

"Of course! Wait!" Sabi nito at agad na tumayo at dahil doon ay nakita niya ang parang nililok na puwetan at likod nito.

Napalunok siya nung nakita niya ang mga hita nitong mamasel na kumislot sa galaw nito.

At naisip niya.

Ganoon ba gumalaw ang mga masels niya habang--

Namumulang ipinilig niya ang ulo dahil sa naisip.

Ano ba! Masakit pa di'ba? Tanong niya sa katawan lalo na sa pagkababae niyang parang bigla ay uminit ang pakiramdam.

Bigla tuloy niya naalala yung nagbebenta ng mani na umiikot at may sili--

Kinurot niya sa sarili sa iniisip.

Wala ka na bang hiya Layana? Sabi niya sa utak habang namumula siya.

Bakit ba naman kasi tumayo ito ng walang salawal at humahampas sa magkabilang hita nito ang pagkalalaki nitong nakatayo na at itinuturo siya--

Natigilan siya.

Itinuturo siya?

Umakyat ang tingin niya mula sa pagkakatitig ng hindi niya namamalayang humarap na pala si Jazz sa kanya at nahuli siya nitong nakatitig sa pagkalalaki nitong nagagalit na.

"And I thought it still hurt..." paos na boses na sabi nito habang nakatingin sa kanya.

Nakatayo ito at ang pagkalalaki nito ng buong giting.

Napalunok siya.

"Masakit naman talaga ah.." sabi niya at hindi niya namalayan na naging paos ang boses niya habang bumaba ulit ang tingin niya sa pagkalalaki nito.

Perfect Imperfections : JazzWhere stories live. Discover now