Irrational

8.7K 381 15
                                    

Chapter 20:

Layana's POV:

Slave...

Paang biglang lumaki ang ulo niya sa sinabi nito.

Siya? Magiging alipin nito?

Napatulala siya sa sinabi nito.

Titig na titig sila sa isa't isa habang binabasa nila ang laman ng emosyon ng mga mata ng bawat isa.

Nakikita niyang blangko ang mga iyon, ni wala siyang mabasang kung ano doon.

Parang isinara nito ang lahat ng emosyon na pwede niyang makita.

"B-bakit ako? Hindi lang naman ako ang nakatira dito at--"

"It's my choice" tipid na sabi nito.

"B-bakit nga?" tanong niya at gusto niyang malaman kung totoo ang sinabi nitong suko na ito.

May pag aasam siyang natitira sa loob niya.

Para kasing sa isang iglap ay magbabago na ang nararamdaman nito?

Pwera na lang kung mabilis siyang magsawa?

Pero may isang sigurado siya....mabilis magbago ang mood nito.

At kung minsan ay hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito dahil nahihirapan siyang basahin ang kung ano ang nasa isip nito.

Parang ngayon.

"Before I made up my mind na sumuko, nakalagay ka na sa kontrata na ikaw ang magiging kapalit nila...at wala na akong balak na palitan 'yan since I've got things to do" paliwanag nito.

At muli ay binasa niya ang emosyon na nandoon pero wala na siyang nakita.

At mukha ngang totoo na suko na ito sa kanya.

At parang may kung anong dinakot sa may dibdib niya, at nakadama siya ng sakit doon.

Na parang gusto niyang maiyak?

Halos hindi niya alam ang sasabihin ngayon sa sinabi nito, parang nablangko ang isip niya sa dapat sabihin.

"P-pa-paano kung--" tumikhim siya dahil parang may nakabara doon.

Hindi siya pwedeng umiyak.

At bakit siya iiyak?=

At bakit masakit?

Huminga siya ng malalim.

"Paano kung tumanggi ako?" ulit niya at nagpasalamat siya dahil hindi n siya nautal.

Kumunot ang noo nito.

"Then... it's your choice, they will be homeless" sabi nito at kinuha ang papel sa harapan niya at tumayo na ito.

Agad naman siyang nataranta.

Aalis na ito?

Ibig sabihin... mawawalan na ng bahay ang mga tao sa isla?

Dahil sa kanya?

"T-teka! Aalis ka na?" tanong niya dito at akmang hahawakan niya ang damit nito para pigilan pero naalala niyang suko na pala ito, at kung baka hawakan niya ito ay baka magalit .

"Yes" tipid na sabi nito at hindi siya tinitignan.

"P-pero ibig sabihin--"

"Yes, they will become homeless" sabi nito at parang bombang sumabog iyon sa kanya.

Natigilan siya sa pagpigil dito.

Habang tinitignan niya ang likod nito ay parang hindi na niya ito kakilala, bakit parang hindi na ito ng Jazz na nakilala niya?

Perfect Imperfections : JazzWhere stories live. Discover now