Plan

10K 408 28
                                    


Chapter 27:

Layana's POV:

Mahapdi ang tiyan na nagising siya.

Pupungas pungas siyang bumangon at saka sinapo niya ang tiyan, mahapdi iyon talaga.

Ano bang nangyari kahapon at ano ba ang kinain niya--

Natigilan siya.

Wala pa pala siyang kinain sa--

Napasinghap siya at naalala niyang nasa party siya.

Pero bakit umaga na at--

Kakabangon niya nung dumulas ang kumot na nakabalot sa katawan niya at tumambad ang kahubaran niya.

Napatili siya ng malakas.

Anong nangyari?

Bakit siya hubad?

Ang naalala niya ay kasama niya ang isang artista--

Natutop niya ang noo.

Anong nangyari at wala siyang matandaan?

At saka lang niya naalala na may nainom siyang... teka, alak ba 'yon?

Nalasing siya...eh si Jazz? Nagalit ba ito?

Napasimangot siya, bakit ba ito nagagalit eh siya itong iniwan siya--

At napapitlag siya nung biglang bumukas ang pinto ng kwarto.

At dumating ang humahangos na si Jazz.

"What happened--" pero hindi nito naituloy ang sinasabi nung bumaba ang mga mata nito sa kabuuan niya.

At wala sa loob na sinundan niya ng tingin ang ginagawang paghagod nito ng tingin at doon lang niya naalalang talop na talop siya, napatiling agad niyang naikrus niya ang braso sa mga dibdibd at saka siya umupo.

"L-labas!" sigaw niya habang nanginginig ang boses niya habang ang mukha niya ay ramdam niya ang sobrang pamumula at ang lakas lakas ng tibok ng puso niya.

Kung ganitong hubad siya, ibig sabihin ay--

Siya ang nanghubad sa akin! tili niya sa utak.

Ito lang ang gagawa niyon dahil silang dalawa lang naman dito sa bahay nito.

Pero halos mataranta siya nung naririnig niya ang papalapit na yabag nito!

"J-jazz! Utang na loob lumabas ka!" tarantang sabi niya habang hindi niya alam kung paano itatago ang kahubaran niya.

Pero tila wala itong narinig at lalong lumapit ito, at napapikit na lang siya dahil sa kung ano ang gagawin nito.

Pero napamulat siya nung biglang naramdaman niyang may tumakip sa likod niya, at agad siyang napatingin at doon niya nakitang nakatakip na ang kumot sa kanya.

Mabilis niyang inayos ang kumot at ibinalot ang sarili at agad siyang lumayo dito.

Nagulat naman ito sa ginawa niya.

At saka ito ngumiti ng sexy.

"I saw your body before so no use of hiding it, I know your moles---"

"Bastos ka!" tili niya.

Tumawa ito.

"I was just kidding--"

"Kidding mo mukha mo! Pwede ka namang lumabas pero binigyan mo pa ang ng kumot--"

"But sweetheart, lalamigin ka, I turned on the AC so malamig ngayon, haven't you noticed?" sabi nito, namula siya.

Perfect Imperfections : JazzWhere stories live. Discover now