Snatch

9.4K 406 13
                                    

Chapter 18:

Layana's POV:

Napatalon siya sa gulat sa tumalsik na mantika ng niluluto niya.

Nitong mga huling araw ay lagi siyang hindi makatulog ng maayos at konting kibot at galaw ng kung ano ay nagugulat na siya.

Kasalanan mo 'to, Jazz! sabi niya sa isip at dinakot niya ang sariling laylayan ng damit dahil naiinis siya.

Dahil pakiramdam niya...naisahan siya nito--

Aysus! Aminin mo ng miss mo na siya! tudyo ng isang parte niya.

"Bwisit!" naiinis niyang sabi at tumayo para uminom ng tubig, kasalukuyan siyang umiinom nung nakarinig siya ng sunod sunod na katok at malalakas iyon, dahilan para maibuga niya ang iniinom.

Kandaubo siya.

"Jazz!" impit niyang tili na naiinis sa pangalan nito, kakatok na ito ngayon dahil pinalitan niya ang lock ng pinto ng bahay niya dahil hindi niya alam kung paano ito nakakapasok.

Ano na naman ang kailangan nito?

Mawawala ito tapos biglang susulpot ulit?

"Ano na naman ang kailangan mo, Jazz?" agad niyang sikmat at naumid ang dila niya nung hindi si Jazz ang nakita niya kungdi ang kababata niya.

Agad siyang tumikhim at inayos ang sarili.

At doon lang niya napansin na may pasa ito sa kaliwang mata at may benda ito sa braso at nangingitim ang mga pasa nito.

Napalunok siya.

Si Jazz na ang gumawa niyon? Tama siya di'ba?

Agad na binalot ng awa ang puso niya dahil sa nakita niya ditong itsura nito.

"Kailangan kitang balaan sa lalaking iyon, Layana" sabi nito bago pa man siya nakapagsalita.

Napatitig siya dito.

Hindi miminsan ay hindi siya naawa dito, gusto niya kasing makahanap ito ng babaeng para dito...kasi hindi siya iyon, at naawa siya sa kada pagtanggi niya dito.

"Pasensya na Bong--aray!" igik niya nung hinawakan nito ang braso niya sa mahigpit na paraan.

"Layana! Makinig ka, alam mo bang binantaan niya kaming ipapatapon niya kami sa kung saan na walang makakahanap sa amin dahil ayaw ka niyang maagaw kita sa kanya!" sabi nito at nasa mga mata nito ang desperasyon.

"Aray! Bitiwan mo ako!" sabi niya at pilit na inaalis ang kamay nito sa braso niya.

"Hindi! Akin ka lang!" sabi nito at napatili siya ng bahagya nung hinihila na siya nito palabas sa bahay niya.

Kung makahawak ito sa kanya ngayon ng mahigpit ay parang hindi ito ang kababata niyang kilala niyang mabait at hindi nananakit ng kung sino.

At kahit na ipinipilit nito na magpakasal sila ay hindi niya akalain na magagawa nito ang bagay na ginagawa nito ngayon sa kanya.

Akmang sisigaw siya ng tulong nung biglang nawala ang kamay na masakit na nakahawak ngayon sa braso niya, pagtingin niya ay nakita na lang niyang pabagsak na sa buhanginan ang katawan ng kababata niya.

Pagtingin niya sa nanghagis ay nakita niya ang malapad na balikat ni Jazz na nakatalikod sa kanya.

Agad na bumilis ang tibok ng puso niya.

"Mahilig talaga kayong magpamilya na pumunta dito na wala ako... I warned you right?" napalunok siya sa boses nito, maririnig kasi ang pagiging delikado ng pagkakasabi nito.

Perfect Imperfections : JazzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon