Absence

8.8K 400 22
                                    


Chapter 12:

Layana's POV:

Sunod sunod ang lunok niya habang nakatingin sa blangko pero seryoso ang boses ni Jazz.

Hawak hawak nito ang magkabilang balikat niya habang ang mga mata nito ay hindi inaalis sa kanya.

Ano bang poblema nito?

Dahil ba sa halik na gusto niyang huwag itong mailang?

Bakit ba pakiramdam niya...naiinis ito?

Pero blangko ang mukha nito? Baka naman nagkakamali siya? Bakit naman ito magagalit kung ginagawan niya ito ng pabor na hindi ito mailang kung naalala nito ang halik at hindi maging ilang sila sa isa't isa sa pagkakakaibigan nila?

Baka mali siya?

"So a kiss is nothing to you?" sabi nito at siya lang ba o parang idinidiin nito ang salitang kiss?

At bakit pakiramdam niya kailangan niyang magpaliwanag sa sinabi niya?

Bakit ko naman ipapaliwanag--

Napalunok siya sa itsura ng mga mata nito.

Parang lumamig iyon?

At bakit parang natakot siya?

Imahinasyon lang ba niya?

"K-kasi naman sa panggagamot ko 'yon sa'yo ng araw na 'yon kaya hindi ko binibilang na halik 'yon at saka ikaw pa lang naman ang binigyan ko ng hangin nung inililigtas kita--"

At natigilan siya sa pagsasalita nung ang hawak nitong medyo mahigpit kanina sa magkabilang balikat niya ay bahagyang lumuwag?

"So you mean..." tumikhim ito at marahan siyang binitiwan...at saka ito tumalikod at kalahating segundo lang yata nung humarap ito ulit sa kanya...at saka nito inilapit ng husto ang mukha sa kanya.

..."I'm the first?" tanong nito habang ng mainit nitong hninga ay tumatama sa mukha niya, agad siyang namula nung naalala niya ang halika na ginawa nito sa kany...at bumaba ang mga mata niya sa mga labi nito.

Bakit ba ang gwapo niya? ang lakas lakas ng pintig ng puso niya sa distansya at tanong nito.

Wala sa loob na napatango siya sa tanong nito.

Agad siyang napayuko.

Ano na lang ang iisipin nito sa ginawa niyang pagdikit sa labi niya sa labi nito...ibig sabihin kaya iniisip nitong sinamantala niya ito? Kaya ba parang naiinis ito kanina? At hindi iyon dahil sa parang binabalewala niya ang haik?

"I'm sorry" sabi nito bigla, agad siyang napatingala sa sinabi nito.

Kumunot naman ang noo niya sa paghingi nito gn tawad.

"You must be so scared last night..." sabi nito sa malumanay na boses at ekspresyon.

Natigilan naman siya.

Nagsosorry ito dahil hinalikan siya nito?

Ayaw ba nitong hinalikan siya nito? Nagsisisi ba ito? Bakit? Dahil hindi nito sinasadya? At dahil nalaman nitong ito ang unang halik niya?

Bakit parang masakit sa loob ang ginawa nitong paghingi ng paumanhin?

Lalo na sa puso niya?

Bumuntong hininga siya.

Tama, magkaibigan silang dalawa.

At baka siya hinalikan nito ay dahil lasing ito at hindi nito alam ang ginagawa.

Perfect Imperfections : JazzWhere stories live. Discover now