Insists

8.9K 399 26
                                    

Chapter 21:

Layana's POV:

Naalimpungatan siyang parang may mabigat na bagay na nakadagan sa kanya at hindi siya makagalaw, gusto niyang mag iba ng posisyon niya sa pagtulog pero hindi niya mabago iyon dahil sa mabigat na pumipigil sa kanya.

At matigas at mainit ang bagay na iyon.

Ang alam niya walang unan na matigas.

Umungol siya at dahan dahan dinilat ang mga mata at napakurap siya dahil tinititigan niya ngayon ang gwapo at nakapikit na anyo ni Jazz na katabi niya sa kama at ito ang mabigat na bagay.

Napasinghap siya at itinulak ito dahil bakit niya ito katabi at nakayakap ito ng mahigpit.

Uungol ito at bumalik ito sa pagtulog at lalo siyang hinila palapit sa katawan nito.

Ngayon ay nakasiksik na ito sa leeg niya at ramdam na ramdam niya ang mainit na hininga nito.

Napasinghap siya at impit na napatili nung naramdaman niyang parang dumampi ang labi nito sa leeg niyang sensitibo.

"Jazz!" gising niya dito pero sa halip ay inulit nito ang paghalik doon.

Pinakiramdaman niya kung gising ito pero batay sa paghinga nito ay tulog ito.

Huminga siya ng malalim at inalala kung bakit niya ito katabi.

Napakurap siya nung agad na bumuhos ang nangyari bago siya nawala ng malay?

Nahimatay pala ako?

Kung ganoon ay nagtaka siguro ito kung bakit ganoon ang inakto niya, ilang oras ba siyang walang malay? Nakita niya kasing madilim na sa labas.

"Layana..." napapitlag siya sa biglang pagtawag ni Jazz sa pangalan niya at nawala yata lahat ng antok niya sa katawan nung biglang sinapo na lang nito ang isang dibdib niya!

At hindi pa ito nakontento at saka nito pinisil pisil iyon ng marahan.

Sukat doon ay inipon niya ang buong lakas niya at saka niya ito itinulak gamit ang kamay at paa niya para lang humiwalay ito sa kanya, para kasing dumikit ito sa kanya.

"What? What happened?" naalimpungatan nitong tanong at agad na iginala ang tingin sa paligid at inaantok pa ito na nahulog sa kama niya.

Napalunok siya at napaatras sa kama niya.

Parang biglang bumalik sa kanya nung unang may nangyaring halikan at pati na din ang ginaw nito sa mga dibdib niya--

"Are you okay now?" tanong nito at hindi man lang niya namalayan na nakalapit na ito at agad na hinawakan nito ang mukha niya gamit ang dalawang malaking mga kamay nito.

At nagtama ang mga mata nila na aga na nagpabilis ng tibok ng puso niya.

At hindi niya alam pero sa lakas niyon pakiramdam niya naririnig iyon ni Jazz.

"O-okay na ako, s-salamat" sabi niya at inalis ang kamay nito sa mukha niya.

Iniyuko niy ang mukha para itago ang pamumula niyon.

Pero biglang hinawkan ni Jazz ang baba niya kaya naman muling nagtama ang mga mata nila, at doon sa mga mata nito ay parang may magnetismo siyang nararamdaman dahil nakikita niya ngayon sa mga mata nito ang pag aalala.

Napalunok naman siya at may pakiramdam siyang alam na nitong natatakot siyang umalis sa lugar nila.

Huminga siya ng malalim.

Perfect Imperfections : JazzWhere stories live. Discover now