Ward

12.4K 474 26
                                    


Chapter 5:

Layana's POV:

Titig na titig siya sa lalaki habang nanlalaki ang mga mata niya.

Anong ibig sabhin nitong hindi nito makilala ang sar--

Natigilan siya.

Biglang lumitaw sa alaala niya n may sugat ito sa ulo, ibig sabihin...? Nawala ang memorya nito?

Binasa niya ang mga ekspresyon nito at kita niyang naguguluhan ito.

Napahawak siya sa noo.

Mukhang nawala nga ang memorya nito....anong gagawin niya?

Naipikit niya ng mariin ang mga mata.

"Anong sasabihin ko kay Kap--" natigilan siya sa pagsasalita nung naramdaman niyang nasa malapit ang presensya nito, napasinghap siya nung namalayan na lang niyang nasa malapit na sa mukha niya ang mukha nito.

Agad na bumilis ng husto ang pintig ng puso niya sa biglang paglapit nito, agad siyang napaatras sa ginawa nito, para kasing sa pakiramdam niya sa paglapit nito ay may kukunin ito sa kanya?

Ano ba talagang nangyayari sa akin? Naguguluhan niyang tanong sa sarili.

"S-sasabihin ko--.." tumikhim siya para mawala ang bara sa lalamunan niya at huminga siya para makalma ang sarili.

"Sasabihin ko kay kap na dalhin ka sa ospital sa kabilang isla para maipatingin ka--" natigilan siya nung napansin niyang titig na titig ito sa kanya.

Naintindihan niya sinabi ko di'ba?

Baka kasi hindi nito naiintindihan ang mga malalalim na tagalog.

"Naiintindihan mo ba ako talaga?" tanong niya dito, kumurap ito at tumango.

"Sigurado ka? Baka kasi may sasabihin akong tagalog na malalim tapos hindi mo ak--"

"W-wait, too fast" sabi nito at tila naguluhan ito.

"Pasesnya na, ang gusto kong sabihin eh sasabihin ko kay kapitan na pupunta kayo sa kabilang isla para maipakita ka sa pulis at ang makauwi ka na" sabi niya ng dahan dahan.

Hindi ito umimik at tila nahulog sa malalim na pag iisip.

"Do you hate me?" biglang tanong nito, napakurap naman siya.

"Ano?" takang ulit niya.

"Nothing" tipid nitong sabi at nag isip ng sasabihin.

"Teka lang sasabihan ko si Kap--" naputol ang anunmang sasbihin niya nung naramdaman niyang hinawakan nito ang braso niya para pigilan siya sa pag alis.

Hindi niya alam pero parang may kung ano sa hawak nito? At bakit parang may kung anong kuryente?

Napalunok siya.

Agad niyang ipiniksi ang brasong hawak nito dahil nagulat siya s reaksyon ng katawan sa simpleng hawak nito.

"Oh...I'm sorry" sabi nito at pero hndi inaalis ang tingin sa kanya.

Napalunok siya.

"Ano ba 'yon?" tanong niya at nagulat siya dahil hindi siya pumiyok sa pagtatanong.

"What will happen to me if you gave me to...them?" tanong nito, napalunok siya, ano bang gustong sabihin nito? Na hindi niya ito ibibigay sa kapitan? Ayaw ba nitong umuwi?

"Sila na bahala sa'yo" tipid niyang sabi, ewan niya pero may nagsasabi sa kanyang iyon ang dapat niyang gawin, pero may malaking parte ng sarili niyang huwag na itong ibigay.

Perfect Imperfections : JazzWhere stories live. Discover now