Chapter 3

9.9K 722 594
                                    



Chase's POV

"How the fuck does she still have energy?" tanong ni Venus. 

Tinutukoy nya ay si Hiraya na sinusubukan maabot ang itaas ng bangin. Nagkaroong ng dead end yung tinatahak namin kaya sinusubukan ni Hiraya na akyatin ito. Nakakagulat nga na ang taas nitong tumalon pero mas nakakagulat na may lakas pa sya pagkatapos kaming habulin ng mga aso. Hingal na hingal kaming syam habang sya ay patuloy sa pag-abot ng nasa itaas.

Gusto namin syang tulungan pero pagod pa kami. Sinaway na namin sya na tumigil muna saglit para makapagpahinga pero ayaw nyang magpapigil.

Ilang saglit lang ay napansin ko na tumayo si Siera at lumapit kay Hiraya. Mukhang tutulungan nya na ito. Puwesto sa ilalim si Siera at lumayo naman si Hiraya para bumwelo tsaka ito tumakbo papunta kay Siera. Umapak si Hiraya sa dalawang kamay ni Siera at tinulungan naman ni Siera na iangat si Hiraya. Nagawa nyang paakyatin si Hiraya.

"Oh sunod na!" nakangiting sabi ni Hiraya. Hindi ako makapaniwala na mas mataas pa ang energy nya kay Unice kanina.

May kakaiba sa taong ito na hindi man lang napapagod at natutuwa pa sya sa mga nangyayari samin dito. Hindi lang yung paghabol samin ng aso ang nangyari samin. May lawa kami na nadaanan na ang daming palaka kaya nag-alanganin kaming lumusong pero itong si Hiraya ay nagawang talunin yung lawa. Hindi namin kaya yung ginawa nya kaya naman nagmamadali kaming lumusong. Mga takot kami sa palaka eh. Meron rin na puro bato yung nadaanan namin kaya naglakad lang kami dahil nahirapan kami. Naglakad rin naman si Hiraya pero halatang may pagmamadali sya. Sa kakamadali nya ay napapasunod kami sa bilis nya.

Pero ang maganda sa kanya na sa tuwing napapalayo sya samin ay hinihintay nya kami. Mukhang hindi naman sya nakikipagkompentensya dahil mukhang mas nae-excite lang sya sa mangyayari sa training camp. Mukha syang bata na nae-excite pumasok ng Disney land kakamadali.

Parang concern na concern nga sya sa Dragon Empire dahil kanina habang sinasabi ni Aki ang pagkaalis ng ibang miyembro ng Dragon Empire ay kita ko sa mukha nya ang hindi pag-gusto sa desisyon ng mga umalis at nakayukom pa ang mga palad nito sa inis. Mas napahanga nya ako sa mga sinabi nya tungkol sa mga umalis kaya nahihiwagahan ako sa kanya na mukhang hindi lang ako kundi lahat kaming nandito.

Mukhang magiging masaya ang training ko dito dahil sa kanya.

Nakarating kami sa may kalsada at bumagal muna kami sa pagtakbo na mabuti na lang ay hindi nagmadali si Hiraya dahil pagod na pagod na rin kami. Hindi namin aakalain na malayo pa pala yung camp.

"Hello!" napatingin kami sa harapan at nakita si Violet at Dion na naka-bike.

"May tubig kami dito!" sigaw ni Dion.

"Sawakas! kanina pa ako nauuhaw!" sabi ni Unice. Naubos na yung lakas nya dahil sa pinagdaanan namin.

Isa-isa kaming kumuha ng tubig at ininom. Halos maubos namin yung isang plastic bottle sa sobrang pagkauhaw.

"Hindi man lang ninyo sinabi na ang layo pala ng camp." sabi ni Tiffane. Nakaupo kami sa semento sa pagod.

"Aba, hindi namin obligasyon sabihin 'yon 'no. Ano kayo sinuswerte?" nakangising sabi ni Dion.

"Sana inorient lang ninyo kami. Paano kung inieasyhan pala namin, edi naparusahan kami?" sabi ni Yael.

"Nandito kayo para maghirap kaya wag kayong magtaka na madali lahat ng pagsubok dito." sabi ni Violet.

"Mabilis nga kayo nakaabot dito sa loob lang ng dalawang oras. Dati tatlong oras mahigit bago kami nakarating dito." sabi ni Dion.

Natawa naman ako. "Paano nagmamadali yung isa. Ayaw naman namin na maiwanan kaya minadali rin namin." sagot ko.

Melting Ice Princess 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon