Chapter 35

8.9K 642 235
                                    



Amethyst's POV

Pagkasabi ni Mama ng laro na lalaruin nila Hiraya ay hindi ko maiwasan na mag-alala at makaramdam ng selos. Sa larong lalaruin nila ay siguradong palagi silang magkakalapit. Worst ay magyayakapan pa sila para hindi sila mawala sa papel.

Kung alam ko lang na sasali si Raquel at paper dance ang lalaruin nila ay napigilan ko si Hiraya o sumali ako para mailayo ko sya kay Raquel. Kahit na sabihin na kami na ni Hiraya, kung si Raquel naman ang magiging karibal ko ay talagang matatakot ako na mawala sakin si Hiraya. 

Nagawang maagaw ni Raquel ang girlfriend ng isa naming pinsan na four years ng magkarelasyon. Nahuli namin sila na magkasama sa isang kwarto at nung patatawarin na ng pinsan ko ang girlfriend nya sa nangyari sa kanila ni Raquel dahil sobrang mahal nya ito ay mas pinili ng girlfriend nya si Raquel. Nagtagal din ng isang taon ang relasyon nila ni Raquel at si Raquel ang nakipagbreak na hindi namin alam ang dahilan.

Nagkaayos naman ang dalawang pinsan ko pero hindi na sila ganong kaclose katulad ng dati. Ayoko rin na magkaroon ng hidwaan kay Raquel dahil hindi iyon magugustuhan nila Lala. Nalaman ni Lala ang nangyari sa kanila at hindi pinatapak ni Lala ang dalawa sa bahay hangga't hindi nagkakaayos ang dalawa. Kaya ayokong mangyari rin iyon sakin dahil ayokong bumalik sa bahay nila Mama.

Nagsimula ang laro at talagang napapasimangot na lang ako sa tuwing magkakalapit ang dalawa. Habang lumiliit ang ang papel ay mas lalong nagkakadikit ang dalawa.

"Selos na selos?" ipinikit ko ang mata ko nung lumapit sakin si Ate. "Mukhang nagkakatuwaan pa sila oh."

"Ate, please lang." mariin kong sabi at tinignan sya ng masama. Imbis na tumigil ay tinignan nya ako na nang-aasar.

"Hindi lang ang katawan nila ang close, pati na rin ang pakikitungo nila sa isa't isa." tama si Ate, napapansin ko sa tuwing umiikot sila sa papel ay nag-uusap ang dalawa. Ngumingiti-ngiti si Hiraya na para bang inaasar nya si Raquel.

Dalawang partner na lang ang natira kasama na sila Hiraya. Maikli na rin ang papel na kailangan tumingkayad ng isang paa. Napapansin ko na nag-uusap ang dalawa na nagpla-plano sa gagawin nila.

"Pupusta akong si Raquel ang magbubuhat kay Hiraya." patuloy na pang-aasar ni Ate.

Hindi ko pinapansin si Ate at nanood lang. Tumigil ang tugtog at dali-dali naman kumilos ang apat. Tama na naman si Ate na si Raquel ang bumuhat kay Hiraya at pa-bridal style pa. Napayukom ako ng palad habang tinitignan sila. Pinipigilan ko na wag magselos sa nakikita ko pero hindi ko talaga maiwasan kung gaano sila kalapit.

Natalo sila dahil nawala sa balanse si Raquel. Doon lang ako kumalma na naglayo na sila. Pagkatapos uminom ng ampalaya juice si Hiraya ay lumapit sya samin na may ngiwi sa mukha.

"Grabe yung pait ng juice." sabi nya. "Kaya kong uminom ng ampalaya juice pero hindi ganong kapait."

"Iba ang ampalaya juice ni Mamita. Talagang isusumpa mo 'yon." nakangiting sabi ni Ate.

"Kaya naman pala ganon na lang sila ka-react kanina. Ang pait."

"Oh sya, maiiwan ko na kayong dalawa. Kailangan mo pang manuyo." kumunot ang noo ko kay Ate. Ngumisi sya sakin bago umalis.

"Oh..nagseselos ka?" tumingin ako kay Hiraya. Madalas nang-aasar sya kapag nagseselos ako pero ngayon ay nag-aalala sya.

Bumuga ako ng hangin. "Don't worry. Just enjoy the party."

"Hindi na lang ako sasali." kumunot ang noo ko. "Ayokong magselos ka."

"Hindi ako selfish na tao kaya hindi ko pipigilan na mag-enjoy ka. Normal lang na makaramdam tayo ng selos at hangga't alam kong sakin ka pa rin ay hahayaan kitang makipagkaibigan kay Raquel. Hindi mo rin naman sya maiiwasan dahil pinsan ko sya."

Melting Ice Princess 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon