Chapter 52

8.3K 402 157
                                    




Hiraya's POV

"Hi baby! I'm home!" malakas na sigaw ko pagkapasok ko sa villa ni Ame. Nagmamadali naman tumakbo sakin si Smoochie para salabungin ako. Nagtatalon ito sa tuwa na makita ako kaya naman binuhat ko ito at pinugpog ng kiss. "Where's Momma?" tanong ko rito na akala mo naman naiintindihan ako.

Ibinaba ko si Smoochie at tumungo sa kusina na madalas tambayan ni Ame dahil gusto nyang sya ang magluluto ng pagkain namin habang nandito sya sa villa. Napakunot ang noo ko dahil wala sya sa kusina.

"Baby!" sigaw ko habang hinahanap sya. 

Nagtungo naman ako sa kwarto namin pero hindi ko sya nakita. Nakarinig naman ako ng kaluskos ng tubig sa labas kaya naman sumilip ako sa balcony at doon ko naman nakita si Ame na naliligo sa pool.

"Wow." hindi ko maiwasan mapahanga na makita syang naka-two piece bikini. "Sexy." nakangising sabi ko at naglakad palabas ng kwarto para puntahan si Ame.

Tumigil ako sa tabi ng pool at pinanood si Ame na nasa ilalim ng tubig habang lumalangoy-langoy. Tumigil sya sa paglangoy at umangat. Tila napansin nya agad ako kaya nilingon nya ako. Ngumiti ako sa kanya. Lumangoy sya papunta sa gilid ko.

"Napaka-rare talaga na makita kitang naka-bikini." sabi ko sa kanya.

"Busog na naman ang mata mo." sabi nya at umahon. Napakagat naman ako ng labi habang umaahon sya.

"Ang sexy mo talaga, baby." sabi ko sa kanya.

Inirapan nya ako at naglakad patungo sa upuan para kunin ang twalya. Nakasunod lang ako ng tingin sa mga ginagawa nya. Hindi ko talaga maiwasan na ma-turn on sa kanya habang hinahagod ng kamay nya ang buhok nya. Ang hot nya masyado.

"Hiraya!" napagitlang ako at tumingin sa kanya. "Kanina pa kita tinatawag. Masyado kang tulala dyan."

Ngumiti ako sa kanya. "Kapag ganito ka-sexy ang kaharap ko, sinong hindi mapapatulala?" pinagmulahan sya ng mukha at tumalikod. Napasipol ako dahil sa tambok ng pwetan nya.

"Ang manyakis mo, baby." masungit na sabi nya habang tinakpan ang pwetan nya. Natawa naman ako at ngumisi.

"Parang hindi ko pa 'yan nakikita kung itago mo." inirapan nya ako at pumasok na ng loob. Napakagat ako ng labi at nagpakalma.

Sumunod ako sa kanya sa loob at bumalik sa kusina para tignan ang niluto nyang pagkain para samin. Napangiti ako dahil hindi na naman nawala ang lumpiang sariwa. Parang every other day na lang ay gumagawa ng lumpiang sariwa si Ame. Hindi ba sya nananawa?

Nag-asikaso na ako ng lamesa para makakain na kami. Nagluto sya ng menudo na maraming sarsa na medyo malabnaw ang itsura. Natutuwa talaga ako sa mga medyo failed cook ni Ame pero nakakain pa rin at napagtya-tyagaan. Onti-onti naman nag-iimprove si Ame sa pagluluto at masaya ako na nakikita at natitikman ko ang improvement nya.

"Baby, uuwi pala ako bukas samin." tumingin ako sa kanya nung dumating sya. May maliit na twalya sya sa ulunan nya. "May sasabihin si Kuya River samin kaya pinapauwi agad ako."

"Ohh okay, edi matatagalan kang bumalik dahil may mga project kang aasikasuhin sa mga susunod na araw?"

"Hmm." tumango sya na medyo malungkot ang mukha.

"It's okay, para naman hindi araw-araw ay magkikita tayo. Mamimiss nga lang kitang makasama."

"Me too." ngumiti ako. Ang cute-cute nya, bahagya pa syang nakasimangot.

"Kain na tayo." pag-aaya ko.

Lumapit sya sakin at niyakap ako. Nagtaka naman ako. "Welcome home." napangiti ako. Ang sweet talaga nito.

Melting Ice Princess 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon