Chapter 11

10.1K 726 716
                                    



Hiraya's POV

"Wala ka bang jetlag at sumama ka pa sakin?" tanong ko kay Katsumi habang nasa biyahe kami papunta sa bar na tatambayan namin ng mga Dragon Empire.

"Ang boring sa bahay." sagot nya. Nilingon ko sya at nakita syang nakahalumbaba sa pintuan ng sasakyan. "Wala ka pa rin bang balak magpakita kay Ame?" tanong nya.

"Wala kahit na kating kati akong lapitan sya."

"Nagpapabebe ka pa kasi." bahagya akong natawa sa kanya. "Mauunahan ka na ni Lillian."

"Sa ugali nyang 'yon, hindi magtatagal si Ame kaya hindi ako nababahala." confident na sagot ko.

"Oh? hindi mo ba nababalitaan na palagi silang lumalabas na dalawa?" nilingon ko sya saglit pero ibinalik din agad sa daan. "Ako na nasa ibang bansa nalalaman ang binabalita sa pilipinas pero ikaw na nandito ay walang kaalam-alam."

"Hindi ako nanonood ng balita. Ano bang sinasabi sa balita tungkol sa kanila?" curious na tanong ko.

"Nagda-date na sila." napalingon ako bigla sa kanya. Ngumisi naman sya sakin na halatang nang-aasar. Inirapan ko sya at ibinalik ang tingin sa daan. "No official announcement but possibly they're dating since they are always together."

"Magkasama lang, sila na?"

"Hiraya, matagal ng may gusto si Lillian kay Ame at hindi ito pinagtutuunan ng pansin ni Ame and just recently they're going out." hindi ako umimik dahil nahihirapan akong paniwalaan na nagda-date na nga yung dalawa. "Pakipot ka pa ah."

Napailing ako. "It's okay, nandyan naman si Iris." syempre inaasar ko lang sya. Hindi ako interesado kay Iris kahit na nag-uusap kami. Seryoso ako na si Ame lang ang gusto ko kahit na madami pang iba dyan.

"Minsan talaga ang sarap mong sapakin." bahagya akong natawa.

"Wala na atang gusto sayo si Iris dahil palagi kaming nag-uusap." tuloy na pang-asar ko.

"Shut up, Hiraya." muli akong natawa. Ang sarap talaga nyang asarin.

Hindi naman namin talaga sure kung wala ng gusto si Iris sa kanya dahil kahit magkausap kami ni Iris ay hindi namin sya nababanggit. Mas madalas kasi na pinapakita ni Iris ang pagkagusto nya sakin kahit na madalas na pinag-uusapan namin ay basketball at workout. Hindi rin naman palagi nakikita ni Iris si Katsumi kaya hindi namin masasabi.

Pero okay na rin na matagal maging sila ni Iris para makita kung seryoso ba si Katsumi at hindi lang ginawang rebound si Iris dahil hindi sya nagustuhan ni Ame. Concern ako kay Iris dahil naging matalik na kaibigan na kami at kahit na close na close na kami ni Katsumi ay hindi ako papayag na pinili nya si Iris dahil hindi sya pinili ni Ame. Dapat maipakita nya talaga na gusto nya si Iris.

Nakarating kami sa bar at hinanap kung saan nakapwesto ang mga kasamahan namin. Madami ng tao kahit na alas otso pa lang at nagkakasiyahan na silang lahat.

"Ayun sila." tumingin ako kay Katsumi at sa tinuro nya. Nakita ko si Milli kaya naman pumunta na kami sa pwesto nila.

Habang naglalakad ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Zed. Pinag-iisipan ko kung sasagutin ko pa ba kung malapit na kami pero pinili ko na lang na hindi ito sagutin dahil nakalapit na kami at doon ko lang nalaman kung bakit tumatawag si Zed.

"Hiraya!" masayang sabi ni Arya at mabilis na tumayo para lapitan ako. Hindi ako nakareact sa gulat na makikita ko sila dito kaya hinayaan kong yakapin ako ni Arya. "Nagpakita ka na rin sa wakas!"

"Sorry, nagulat lang din kami. Kakarating lang din nila at hindi ko aakalain na nandito na kayo." sabi ni Zed.

Ngumiti ako sa kanya. "Hayaan na." nilingon ko si Arya. "Hi Arya, kamusta ka na?"

Melting Ice Princess 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon