Chapter 43

7K 558 233
                                    




Siera's POV

Buong team ay tahimik lang sa hapagkainan at walang gustong magsalita. Sino ba naman ang gugustuhin bumasag ng katahimik kung ang taong pilya at masayahing tao ay ang lungkot ng mukha at halatang galing sa iyak? Gustohin man namin syang tanungin kung anong nangyari ay hindi namin magawa. Nakakatakot rin kasi ang aura nya kahit na ang lungkot nya ay parang galit sya.

Siguro ay pare-parehas lang kami ng iniisip na may nangyaring hindi maganda sa kanila ni Ame kaya nagkakaganito ngayon si Hiraya. Si Ame lang naman ang nagpapabago ng mood ni Hiraya. Naalala ko rati na pinahirapan nya kami sa training dahil pinagtri-tripan sya ni Ame na may iba itong gusto. Ngayon na ganito syang malungkot at umiyak pa, maaaring nahulihan nya si Ame at Ingird lalo na hot topic ang dalawa. Hindi ko lang maisip na magagawa iyon ni Ame sa ugali nito kung sakali man na sila ang dahilan.

"Hiraya." napatingin kaming lahat sa pumasok ng dinning area. Nagulat pa kami dahil sa sobrang tahimik.

"Alam mo kahit pamilya mo ang may ari nito, dapat nagsasabi ka rin na nandito ka. Nakakagulat ka eh." sabi ni Zed kay Katsumi.

Hindi pinansin ni Katsumi si Zed at tinignan lang si Hiraya na hindi man lang sya pinansin.

"She's drunk and drugged." sabi ni Katsumi. Nagtaka naman kaming lahat. "Pumunta agad ako rito para kausapin ka."

"Walang dapat pag-usapan, Katsumi." malungkot na sabi ni Hiraya na sa pagkain pa rin ang tingin. Pagkain nyang kaonti pa lang ang bawas. "Alam ko naman na plano lahat iyon ni Ingrid."

Nagkatinginan kami ni Zed na kaharap ko lang. Kagagawan nga talaga ng dalawa kung bakit ganito si Hiraya.

"Hindi pa nagigising si Ame nung umalis ako kaya hindi nya pa alam kung ano ang nagawa nya." sabi ni Katsumi.

Mukhang naiintindihan ko na kung ano ang nangyari. Sinetup ni Ingrid si Hiraya. She drugged Ame kaya walang alam si Ame kung ano na ang pinaggagawa nya at nahuli sila ni Hiraya kung ano man ang kababalaghan na ginawa nila para umiyak at masaktan si Hiraya.

"Ayoko muna syang makita." napatingin kaming lahat kay Hiraya. "Pasabi na lang sa kanya na naiintindihan ko ang nangyari, na wala sya sa katinuan para gawin iyon pero hindi ko sya kayang harapin sa ngayon."

"Kahit sabihin ko iyon sa kanya, hindi sya magpapapigil na puntahan ka. Kilala mo naman si Ame."

"Katsumi, please." pagmamakaawa nya. Nagulat kami dahil ngayon lang namin sya makitang ganito vulnerable. Para na syang iiyak.

"Naiintindihan ko." sabi na lang ni Katsumi. Pare-parehas kaming naaawa sa lagay ni Hiraya. Ang layo ng normal na sya. Napaka-fragile nya ngayon. Banggitin lang ang pangalan ni Ame ay naiiyak na sya. Hindi siguro biro ang nagawa ni Ame.

Nakasunod lang kami ng tingin kay Hiraya na umakyat ng kwarto nya. Mukhang ilang araw naming hindi makakausap ng maayos si Hiraya. Nag-aalala ako para sa kanya at iniisip ko na baka maapektuhan ng issue nila ang laro nya. Mas lalo syang hindi makakabalik sa normal kapag natalo ang team at isisi nya ang sarili nya sa pagkatalo.

"Anong nangyari?" tanong ni Zed.

Bumuntong hininga si Katsumi bago sabihin ang buong detalye na nangyari kagabi. Lahat kami ay nagulat at nakaramdam ng inis kay Ingrid sa ginawa nya sa dalawa. Naiinis rin ang iba sa mga kasamahan ko na kung bakit hindi iniiwasan ni Ame si Ingrid kung alam nyang may gusto sa kanya ang tao. Inexplain din ni Katsumi kung bakit hindi sila makahindi sa pamilya ni Ingrid kaya mas lalong dumagdag ang inis namin kay Ingrid.

Melting Ice Princess 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon