Chapter 20

10K 746 730
                                    



Hiraya's POV

"Hindi ko alam na kayo pala ang may ari ng Qilin Empire." sabi ko kay Vien. Magkatabi kaming kumakain ngayon. Kasama ko sa table ang apat na kapitan at si Ember na nag-aalmusal.

"Magkaibang magkaiba ang ugali nilang dalawa 'no?" natatawang tanong ni Freya.

"True. Sobrang bait ni Tita Via kaysa kay Vien." nakangiting sagot ko. Nilingon ako ni Vien na may sama ang tingin. "See? tinutulungan ko na yan sa training pero ganyan pa rin sakin."

"Baka may gusto sayo." sabi ni Dulce na ikabuga ng pagkain ni Vien.

"Eww Vien!" sabi ni Percy dahil sya ang kaharap nito.

"The heck Dulce? naririnig mo ba yang pinagsasabi mo? ako magkakagusto sa kanya? eww." ang OA naman nitong ni Vien.

"Bulag ka na ata, Vien. Ang dami kayang nahuhumalig dyan kay Hiraya. Ngiti pa lang eh." pagtatanggol naman sakin ni Ember.

"May something nga sa kanila ni Percy." sabi na naman ni Dulce.

"Alam mo Dulce, kung ano-ano yang pinagsasabi mo. Hindi ka nakakatuwa eh." may iritang sabi ni Percy. Bukod kasi nabugahan sya ni Vien ay inaasar pa sya ni Dulce.

"Baka si Dulce mismo ang may gusto kay Hiraya." dagdag ni Freya.

"I do like her."

"What?!" react nila habang ako ay nagulat sa sinabi ni Dulce.

"Not in a romantic way." sabi nya na nakairap. "But as a great player. Hindi ako katulad ninyong palihim na may gusto sa kanya." patuloy na pang-aasar nya.

"Kapag hindi ka tumigil, Dulce sinasabi ko sayo." sabi ni Percy.

Napailing na lang ako sa kanila. "By the way, Vien, may hihingi lang akong pabor sayo since tinutulungan ko kayo sa training."

"Kung makapagsalita ka dyan parang hindi ka namin tinutulungan sa training mo." ang sungit talaga nito. "Wala sa usapan na dadagdagan ang favor mo kapalit ng pagtulong mo samin."

"Okay, imbis na ako, sila Zed at Siera na lang ang itrain ninyo." nagtatanong na tinignan nya ako. Sinabi ko naman ang dahilan kung bakit gusto kong mag-training sila Siera sa kanila.

"Problema nga yan. Katsumi at Ame?" komento ni Freya.

"So...?" naghihintay na tanong ko kay Percy at Vien.

"Tutulong ako." napatingin kami kay Dulce. "Pero hindi sa dalawa. Kay Venus, Milli at Tiffane."

"May problema ba sa tatlo? wala naman silang palya sa mga tira nila." tanong ko.

"Hindi ba mas maganda kung mas lalo pa silang mag-iimprove? nakita mo naman ang mga galaw ko." napa-ohh ang bibig ko nung maintindihan ko ang tinutukoy nya. Magaling nga pala 'tong humawak ng bola.

"Thank you. Ngayon ang kailangan ko yung dalawa na mas lalo pang mag-improve. Matutulungan ninyo ba yung dalawa?" tanong ko sa kanila.

"Magmakaawa ka daw, Hiraya." panunukso ni Ember.

"Pretty please?" pagmamakaawa ko naman na may kasamang puppy eyes at bahagyang nakanguso.

Nakatingin silang lahat sakin at tila natigilan silang lima.

"Ugh!" pag-iiwas ng tingin ni Percy habang umubo si Dulce.

"Kaya maraming nahuhulog sayo eh." sabi ni Ember at natawa.

"Fine." sabi ni Vien.

"Talaga? thank you." nakangiting sabi ko. Inirapan nya naman ako.

Napatingin kami sa mga kasamahan namin na biglang umingay. Nagulat naman kaming anim nung makita si Lola Kriza na tulak-tulak ni Katsumi. Maraming bumabati sa kanya at nakangiting kinakawayan naman sila ni Lola Kriza. Agad naman akong lumapit sa kanila.

Melting Ice Princess 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon