Chapter 24

9.1K 693 450
                                    



Hiraya's POV

Nakita ko si Ame na mag-isang naglalakad kaya naman nagpaalam ako sa mga kasamahan ko na mauna na sila at babalik na lang kapag magsisimula na ang laro namin sa Shakers na sa pangalawang laro pa namin makakaharap kaya mahaba-haba ang oras na makakasama ko si Ame.

"Ame!" tawag ko sa kanya at hinawakan ang kamay nya para pigilan maglakad. Nilingon nya ako na may pagkagulat sa mukha pero inalis din nya agad.

"Wala ka bang laro?" tanong nya.

"Meron pero kaya na nila 'yon. Babalik na lang ako kapag Shakers na ang makakalaban namin. Saan punta mo?" tanong ko na may konting pang-aakit sa kanya.

"Alam mong nasa public place tayo." naka-poker face lang sya na akala mo hindi naaapektuhan sa pang-aakit ko sa kanya.

"Yeah sure pero hindi mo naman inaalis yung pagkahawak ko sa kamay mo." sabi ko. Napatingin sya sa kamay naming dalawa at balak pa sana nyang alisin pero hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya. "Wag ka ng magpakipot pa dahil hindi rin kami magtatagal dito sa Manila pagkatapos ng Summer Cup."

Nagtatanong ang mukha nya pero ayaw nyang tanungin kung bakit dahil siguro iniisip nya na baka aasarin ko sya kapag tinanong nya. At dahil gusto ko syang magsalita ay hindi ko sya sinagot. Napansin nya siguro na wala akong balak sumagot kaya inirapan nya ako na ikinatawa ko.

"Simpleng tanong lang hindi mo pa magawa." sinamaan nya ako ng tingin kaya tumawa ulit ako.

"Hiraya!" tumigil ako sa pagtawa at hinanap ang tumawag sakin. Nakita ko si Morris na kasama si Skylee. Lumapit samin si Morris na sumunod lang si Skylee.

"Hi Morris." niyakap nya ako at nakipag-beso na hindi ko inaasahan pero hindi ko na lang pinahalata.

"Habang tumatagal gumaganda ka lalo." napangiti ako.

"Hindi naman ako kasing ganda na pang-international model na katulad mo." papuri ko dahil mas lalo syang gumanda. Mahahalata lang sa kanya na isa syang pilyang tao.

"Well, after nitong Summer Cup ay sigurado din na maraming mag-ooffer sayong maging model nila."

"Tatanggihan ko sila. Hindi ko porte ang model. Kamusta ka?"

"I'm excited sa laro natin mamaya." napangiti ako na maalala ang laro namin sa kanila. "I'm looking forward sa mga ipapakita mo pa. Napamisteryoso mong tao kahit na palangiti ka naman."

Kinindatan ko sya. "Matagal ko na din ito pinaghandaan kaya excited din ako sa magiging laro natin mamaya."

"Sure na matatalo kayo." tumingin ako kay Skylee. Nakangisi sya sakin.

"Skylee." tonong pananaway ni Morris. Ngumisi lang ulit si Skylee kay Morris at tinignan ako na naghahamon bago umalis. "Wag mo na lang pansinin si Skylee. Alam ko naman na mahihirapan tayo sa laro natin mamaya."

Nginitian ko sya. "No worries. Hindi naman ako naaapektuhan."

"Ayan ang gusto ko sayo eh." napahalikgik ako nung kindatan nya din ako. "Mauuna na ako. Let's date after ng Summer Cup, okay?" tinignan nya ako na nang-aakit kaya tawa ako at napailing.

Nilingon ko si Ame na tahimik lang sa tabi ko. "Manood tayo ng laro." hinila ko sya para sumama sakin at himalang hindi sya tumutol. Hindi ko na lang muna pinuna at baka iwanan ako.

Nakarating kami sa pinakataas ng bleachers na wala masyadong tao ang nasa paligid. Ayoko rin na maraming nakatingin samin dahil sobra-sobra na ang topic sakin ng mga tao.

"Gusto mo ba talagang manood o ano?" tanong ni Ame. Well, hindi talaga ganon kakita ang mga naglalaro sa court dahil sa laki ng arena.

"Gusto lang kitang masolo." nakangiting sabi ko. Nilingon nya ako na walang emosyon na pinapakita. "So, may nagugustuhan ka na bang iba bukod sakin?"

Melting Ice Princess 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon