Chapter 9

9.9K 787 631
                                    



Hiraya's POV

"Good luck." nakangiting sabi ni Tito Kristoff sakin. Ngumiti ako sa kanya bago naglakad papunta sa court. Nag-aabang na don si Katsumi na pinapaikot ang bola sa hinlalaki nya habang pinapanood nya ito.

"Game?" pag-aaya ko nung makalapit ako sa kanya.

"Curious lang ako kung ano ang nagustuhan mo kay Ame." napangiwi naman ako sa tanong nya. Ni hindi man lang nya ako nilingon. Sa pamilyang Walker may cold at masayahin sa kanila. Halo-halo ang mga ugali nila.

"Talagang pag-uusapan natin yan?" balik na tanong ko. Sa pagkakataong iyon ay tumingin sya sakin.

"Katulad ng sinabi ko, curious lang ako." nakitbitbalikat na sabi nya. "Nililigawan ko si Ame kahit after ng season ako umuuwi." gusto ko sanang tanungin kung sya ba yung tinutukoy nila Heidi na binabakuran si Ame pero dapat sinabi na nila Heidi na si Katsumi nga 'yon nung sinabi kong prinoprotektahan ako ng Walker.

"Nung una dahil nagandahan ako sa kanya at nacha-challenge ako sa pagkatao nya. Cold sya at talagang wala syang emosyon na pinapakita. Naisip ko na tunawin sya. Alam kong mahirap gawin pero nandon yung thrill. Pero bago ka mag-isip na paglalaruan ko lang ang feelings si Ame dahil nacha-challenge ako, para sa kaalaman mo ay seryoso ako sa kanya at sasaluhin ko sya sa oras na mahulog sya sakin."

"Sa tingin mo magkakagusto sayo si Ame?" nakataas ang isang kilay nyang tanong.

"Bakit hindi?" nakangising sabi ko. Nakatingin lang sya sakin. "Malakas ang charm ko na pati si Iris ay nagkagusto sakin."

"Si Iris nagkagusto sayo?" bahagyang nagulat sya na may pagkakunot ang noo.

"Oo, umamin sya nung nakaraan pero alam nyang hindi ko sya magugustuhan. Alam nyang gusto ko si Ame." sabi ko.

"Alam mo bang mahal ako ni Iris?" ako naman yung nagulat.

"Mahal hindi lang basta gusto?" tanong ko. "Pero na-realize ko lang na parehas natin gusto si Ame na parehas tayong gusto ni Iris. Bigla tuloy akong naawa sa kanya."

"Mas hindi ako makapaniwala na nagawang magkagusto sayo ni Iris. May history ang mga Martinez na sobrang patay na patay sa Walker at hindi sila nagkakagusto sa iba hanggang sa sumuko na sila ng tuluyan. Hindi ko alam na sumuko na pala sya sakin." mas nagulat ako na mahaba ang sinabi mo ngayon.

"Ang dami naman ng history ng pamilya ninyo."

"We are history makers." napahanga nya naman ako sa sinabi nya. "Mag-umpisa na tayo dahil baka mainip si Lola." sabi nya at pinasa sakin ang bola.

Pumwesto na kaming dalawa. Nagsimula na akong mag-dribble at ilang saglit ay kumilos ako para lagpasan sya. Nagawa kong lagpasan sya pero napatingin ako sa kaliwang kamay ko nung hindi ko nahawakan ang bola. Pagtingin ko ay hinahabol na ni Katsumi ang bola na tumalbog palabas ng court. Nagawa nya itong makuha at bago pa nya maitira ang bola ay tumakbo ako at tumalon para harangan sya pero pagtingin ko sa kanya ay hindi nya itinira ang bola. Nakatingin pa sya sakin bago ako lagpasan. Hindi ko na sya nagawa pang pigilan.

"Edi nakahanap ka ng katapat." tumingin ako kay Kalvin na nasa gilid. "Magaling mag-steal ng bola si Katsumi kaya mabilis nyang nakuha ang bola sayo." nakangiting sabi nya.

"I didn't expect na sa liit mong yan ay mataas kang tumalon." nilingon ko si Katsumi. Muli nyang ipinasa sakin ang bola. "Para kang si Lola Kriza at Lala Avey na mataas tumalon."

"Thanks?" nakangiting sabi ko at muling nag-dribble.

Mas binabaan ko ang bend ng tuhod ko at mukhang napansin ni Katsumi na aayusin ko na ang laro ko kaya umayos na rin sya ng bantay. Mabilis na kumilos ako at nung maharangan ako ni Katsumi ay umikot ako patalikod. Ramdam ko na mahaharangan ako ni Katsumi kaya umasta akong babalik sa pwesto kanina pero sadyang mabilis din kumilos si Katsumi. Napangisi ako at tumuloy sa kaliwa nya kaya nagawa ko syang lagpasan.

Melting Ice Princess 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon