Chapter 1

179 8 0
                                    

Her POV.

" Ang blooming mo Ma'am,maganda po iyan sa buntis " tinignan ko ng masama ang driver.

Nakasakay ako ng kalesa patungo sa Mestrial Kingdom. Hinimas ko ang umbok ng tiyan ko, hindi pa naman halata. Eto ay isang Dark Spell na may kakayahang mag-illusion ayun sa naisulat sa libro. PARA'NG TOTOONG BUNTIS AKO!!

" Ma'am nandito ka na po sa Kaharian, hindi na makaka-pasok ang kalesa dito dahil may pagpupulong, maraming tao" paliwanag nito. tumango ako at bumaba.

Dito magsisismula ang kapalaran ko, magtatagumpay ba o mamamatay. Hindi karaniwan ang niloloko ko isa ito'ng napakataas at tinitingala'ng tao.

" Ma'am, kasali ka po sa mga nabuntis?" tanong ng gwardya dito.

"Ah opo. Asan po ba pupunta?" tanong ko.

" Sayang ang ganda mo ma'am, sa isang lalaki pa kayo napunta. Eto ma'am,isulat mo ang pangalan mo at kaharian na iyung kinabibilangan" sabay bigay sakin ng Libro.

Isa lang masasabi ko. ANG KAPAL NG LIBRO! at halos diko maintindihan ang sinusulat nila, ano ba tung penmanship nila. Daig pa bagyo sa sulat nila.

" hindi ko masisisi si Ma'am, pogi at maganda ang pangangatawan ni King Zeus. Ma'am kung may gusto ka sa Mahal na hari,mag move-on ka na lang ma'am, sa haba ba naman ng pila ay malabong mapansin ka niya" the guard said while pointing to the crowds.

Tinignan ko ang itinura niya. TOTOO BA ITO?!

ANG HABA NG PILA NG MGA BUNTIS!!

MissionWhere stories live. Discover now