Chapter 8

74 4 0
                                    

" Ma'am gaya ng utos mo ganoon po ang disenyo ng bahay"

Tumango ako. I'm not in the mood. Papunta kami ngayon sa Heir Village.

" Wag mo ako isumbong ma'am, tapat po ako saiyo"

Hindi na ako sumagot hanggang makarating kami sa mismong tapat ng bahay. Bumaba ako at tinignan Ito. Napatingin rin ako sa katabing bahay.

"Ah ma'am, malaki sa kanila dahil prinsesa sila. special treatment po" saad ni Minnerva ng mapansing naka-kunot noo ako. Malaki ang bahay nila samantalang sakin maliit.
Pumasok na kami nagulat ako ng lumawak ang loob.

"Bulaga! Ilusyon lang po iyun. Maliit kung titignan sa labas pero malaki naman sa loob. Ma'am dito sa aparador na'to, ang lagusan patungong underground mo. Wag kang mag-alala hindi mahahalata dahil sa nakaharang na damit"

"Pinagloloko mo ba ako?"tanong ko sa kanya ng mapansing puro bakal lahat ng gamit. Pinigilan niya ang pagtawa.

" Diba Ma'am, Sabi mo bakal?ayan na" nakangising saad ni Minnerva.

Halos lahat bakal mula sa ilaw,bintana,pinto,damit,baso,plato atb! Napahilot ako sa sintido, anrami ko nang ini-isip dumagdag pa'to.

"Biro lang ma'am, HAHAH isipin niyo ano'ng gusto mo'ng disenyo pagkatapos hawakan mo ang theme controller mag-iba ayun sa gusto mo" sinonud ko Ito. Black and White magmumukha pang malinis. Tapos nag-iba na ang kulay umaliwalas na.

" Minnerva may gusto sana akong itanong"tinignan ko siya ng seryuso.

"Ano ma'am?sige lang magtanong kayo"sagot niya.

Buti na lang at madaldal to si Minnerva.

"Bakit pinatay kagabi ang 20 buntis?"
Kahit taka'ng-taka ako kagabi ay sinunod ko ang sinasabi ni Nereda.

"Ayaw ni Emperor ng mahinang babae. Sa pagtulog nasusukat kung gaano kalakas ang senses mo. Pag nagising tayo wala tayo'ng lakas kaya sa pag-atake ng knight nasusukat kung gaano makakabawi ng lakas ang katawan"

May malakas ba'ng tulog?

"Venus hija,Hindi ba sumagi sa isip mo kung ilan nga ba ang nabuntis ng Emperor?"

Umiling ako. Misyon ang ini-isip ko at wala akong panaho'ng isipin ang problema ng iba.

"Lima lang talaga,ngunit hindi Ito matukoy dahil nabalutan ng itim na mahika ang memorya ni Emperor Zeus. Hay nako, puro perwisyo ang dala ng Neclegere Underworld. Ganito kase yun, May kasintahan si Emperor Zeus na pumunta doon dahil nakulong kuno ang kanyang ama at doon hinanap. Magkasabay sila'ng naglakbay sa Neclegere pero mag-isang nakabalik ang Emperor, wala na rin siya'ng maalala"

Neclegere? Diyan pumupunta si Headmaster!

"Ano ang Neclegere?Saan makikita Yan?"tanong ko. Itim na mahika ang gumawa ng ilusyon sa tiyan ko upang magmukhang buntis, binuo ni Headmaster.

"Nako! kung balak mo'ng pumunta doon sinasabi ko—wag mo na ituloy! magmula nong bumagsak ang Empiryo'ng iyun wala nang nakahanap kung saan na ngayon. Siguro yung kasintaha lang ni Emperor Zeus, haka-haka pa na puno ng niyebe at yelo ang mga kaharian doon" dagdag pa niya.

Napapikit ako. Pati ba naman ang tinuring ko'ng pamilya?!—Argh wala talaga ako'ng kaalam-alam.

"Ano pa?"

"Ma'am,ang mas mabuti pa magbasa ka ng libro malinaw pa doon. Read the ' Neclegere of Casa de Predation Empire' " saad ni Minnerva. Mabuti pa nga.

Umilaw ang salamin sa gilid.

" Pina-aanyayahan ang lahat ng mga nag-dadalawa'ng tao na pumarito sa kalapit na mansyon ng Emperor" pagsasalita ng Salamin.

Dali-dali kami'ng pumunta sa Mansyon. Nang makarating ay kompleto lahat ng kataas'taasan at ang Emperor.

" Maganda'ng Araw. Maa'alala nating kagabi ginanap ang Midnight Death kung saan 20 buntis ang nasawi. Nandito kami para i-anunsyo ang hindi kapani-paniwalang balita." bumuntong hininga ang Archon.

"Nasawi kagabi ang War Minister" anunsyo ng Archon.

—hala paano?
—Makisig na mandirigma iyun!
—Imposible! wala'ng nakakatalo kay Minister sa digmaan!"commento ng kababaihan.

" May saksak ang Mata, bali-bali ang buto at puno ng sugat ang katawan"dagdag ng Archon.

—Napaka wala'ng awa!"commento uli ng kababaihan.

" Kaya sa unang pagkakataon tatanungin namin kayo."



" SINO SAINYO ANG LAPASTANGANG PUMATAY SA WAR MINISTER!?"

MissionWhere stories live. Discover now