Chapter 7

72 5 0
                                    

Nang makarinig kami ng yabag papalapit sa pinto ay dali-dali kaming pumasok sa isang bakanteng kwarto at ni-lock.

"Ang Emperor ba yun?" panigurado ko kay Minnerva.

"Ah oo. Wala nama'ng bago doon,madalas parin sila magkita" sagot ni Minnerva habang nagkibit balikat.

"gaano kadalas ang madalas?"

"Araw-araw ng palihim. Syempre kanang kamay ako ng mayodorma kaya ako lang nakakakita sa kanila" tinignan ko siya pero nanatiling seryuso ang kanyang mukha.

Isa lang masasabi ko. Mayroong mali.

"Diba ni-rape siya ng Emperor ng minsan nang umuwing lasing ang Emperor?" alanganing tanong ko.

Tumawa siya.

"Saan mo napulot ang kabaliwang iyan? kailanman ay hindi nag-lalasing ang Emperor lalo na ngayo'ng sira na ang barrier ng Mestrial Kingdom. Alam niyang sa Oras na mawala siya sa kanyang sarili ay aatake ang ibang kaharian" paliwanag niya sabay iling.

"Pero yun ang sinabi ni Nereda" pagtutol ko. Sabi'ng may mali nga.

" Hindi lahat ng kaibigan ay mapagkakatiwalaan. Wag ka'ng maniwala sa sinasabi ng malanding yun, Alam ng lahat na may gusto siya sa Emperor. Baka nga siya pa gumahasa dito HAHAHA pero sa totoo lang naiingit ako sakanya kase sa loob ng dalawa'ng decada ay hindi pa ako nakakasabay sa hapagkainan ng kataas'taasan"

" Pero si Nereda?,makailang beses na. Nag-uusap rin sila ng Emperor kahit kakadating niya lang at galing siya sa ibang kaharian at Ito pa! wala naman kami'ng pinagkaibahan, katulong rin naman siya" dagdag pa niya.

Napapikit ako. pinilit na huminahon. I can't believe this! After I sacrifice my life! nagawa niya pa akong paikutin?! Minulat ko ang mata ko tska dumiretso sa pinto. Nang maka-siguradong walang Emperor ay lumabas kami. Kumatok sa pintuan ni Nereda.

" Pasok" sagot niya. Pumasok ako at naiwan sa labas si Minneva.

Nang makita niya ako ay tumayo siya at dali-daling inakay ako.

"Oh Venus ikaw pala! gising kana pala? hindi ka na sana pumunta dito dahil pupunta namn ako doon. May masakit pa ba saiyo?maupo ka muna" sunod-sunod niyang saad.

Galing niya mag-panggap napaniwala niya ako kumbaga plastic.

" May lumabas na lalaki dito sa kwarto mo,Sino siya?" dire-diretsong tanong ko.

"Ano...Uhm w-wala napadaan lang ang isang knight—Oo isang knight" sagot niya.

Napadaan pero pumasok. Wala akong panahon para makipag-plastikan sa kanya. Sayang tinuring ko pa naman siya'ng kaibigan kaso,mas gugustuhin ko'ng wala'ng kaibigan kaysa makipag-lokohan.

" Liar. Si Emperor Yun. You know Nereda,my whole system can't accept that you fooled me. After what happened?! you still have the guts to do such a thing?! Nereda I almost died! " sigaw ko sakanya.

You can't blame me, minsan lang ako magkaroon ng kaibigan,minsan lang ako magtiwala at minsan lang ako maawa pero malas dahil kay Nereda pa. Tama nga si Headmaster ' softhearted lose'.

Umiyak siya at napayuko. Aba siya pa may gana umiyak?pa victim ka girl.

" Nagsinungaling ako dahil akala ko katulad karin nila, huhusgahan mo ako!" sagot niya.

Huminahon ako. Imbes na pasalamat ang sasalubungin ko ay Ito, sumbatan. Wala'ng patutungohan ang usaping ito.



" Huhusgahan ka talaga dahil sinungaling ka"

MissionWhere stories live. Discover now