Chapter 10

75 5 0
                                    

Bagsak balikat ako'ng nakabalik sa bahay. Isa sa natuklasan ko ang kakayaha'ng nagteleport. Pagod na pagod ako,Hindi lang sa katawan pati narin sa kalooban. Nagdadalamhati ako sa pagkasawi si Headmaster Hikaru,Isa siya sa tinuring ko'ng pamilya,siya na ang nagpalaki sakin. Sinana'y ng maging hindi ka-api'aping imortal. I owe him a lot. Bakit siya pa eh ang bait niya? hindi ba pwedeng yung kapatid niya?

Yeah,Biglang sumulpot ang kapatid ni H-hikaru tsaka pinaliwanag na siya na ang papalit bilang Headmaster. Doon ko rin nalaman na iniba ni Headmaster Haru ang misyon ko sapagkat natapos ko na ang misyon ko'ng sirain ang sampo'ng layer ng barrier kalakip ang pagpapanggap kong buntis upang makapasok dito na walang naghihinala.

"Wala ako'ng pakialam saiyo hija. Mamamatay ka rin naman" Saad ni Headmaster Haru saakin. Naikuyom ko ang kamao ko, napaka walang modo!

"Utang na loob mo'ng pinatuloy ka dito. Misyon mo'ng dumikit sa Emperor at patayin ang tagapagmana. Lahat ng heir/heiress wala ka'ng ititira!"puno ng galit ang pagkakasabi niya.

This probably means—isa ang anak ni Nereda na papatayin ko. Napahiga ako sa kama,niligtas ko ang anak ni Nereda tapos ngayon papatayin ko?! T*nga ka ba Haru,eh kung ikaw kaya patayin ko?! Isa pa ayaw ko'ng pumatay ng innocente. Hays sasabog ba utak ko!

"Hala nandito ka lang pala,kagabi pa kita hinahanap saan ka nagpunta?!" bungad ni Minnerva. Isa pa 'to. Pumikit ako.

"Kagabi lang,dumalaw ang Hari at Reyna ng ibang kaharian upang personal na batiin ang bago'ng Emperor,kaya nagkaroon ng pagsalo² sa hapagkainan. Kompleto lahat maliban saiyo"

Makaka-kain namn sila ng wala ako.

"Isa-isang nagpakilala at nagpahayag ng forte ang kapwa mo'ng buntis, maliban saiyo"

May pangalan at forte naman ako sa listahan ng Baron.

"Nakuha ng ibang buntis ang kalooban ng Hari at Reyna,kaya may kaharian silang pag-eensayo'han, maliban saiyo"

Hindi ako buntis kaya wala'ng saysay pag pinanindigan ko ito.

"Dahil sa pagiging suwail mo'ng babae ka! Mag-isa mo'ng problemahin paano mo haharapin ang mga Hari at Reyna mamayang gabi! Napag-desisyonan nila ito, maliban saiyo!"

Napabangon ako tska dumilat.

"Seryuso ka?Ba't naman nila pag-aaksayahan ng oras ang isang commoner?tanong ko. Staring me is just a waste of time.

"Oh baka hindi mo naalala'ng nakuha mo ang atensyon ng lahat noong Midnight Death. Late ka rin non!"

Gusto ko'ng umiyak! masakit pa ang katawan ko pati puso pero eto nadagdagan ang problema!

"Si Nereda, pananahi ng damit ang forte niya. Pinakita niya sa lahat paano tamang pananahi tska ang Isa sa natapos niya'ng bestida. Jusmeo Venus! bakal at sandata pa naman ang forte mo!"


ipapakita ko siguro paano ang tamang pananaksak ng Hari at Reyna gamit ang Sandata.

MissionWhere stories live. Discover now