Chapter 11

68 4 0
                                    

Abala ang lahat sa pag-aasikaso sa Hari at Reyna. Malapit na gumabi kaya medj kinakabahan na ako. Sasanayin ko na lang sigurong magsinungaling 'Saan ka nagpunta?' 'sumakit po kase ang ulo ko kaya nagpahinga ako'— oh diba?! galing no! patikim pa lang yan. Kabisado'ng-kabisado ko na ang bungad nilang tanong at magiging sagot ko.

Ngayon pupunta ako sa library, upang kunin ang librong ' Casa de Predation Empire'. Hindi mapanatag ang kalooban ko sa huling sinabi ni Headmaster ' Hanapin mo ang iyung pagkatao sa nawawalang Emperyo' baka sakaling may makalap akong impormasyo'ng konektado sa pagkatao ko. Tugon ni Minnerva nasa huling shelf ang librong Ito.

Nagteleport ako patungo dito. Kung Sana matagal ko nang alam eto ede sana hindi na lang ako naglakad sa maalikabok na tunnel!

Luminga-linga ako sa paligid ng makarating. Tahimik ang paligid,madilim at malamig ang hangin. Nakasout ako ng itim na hood,takip ang mukha hinanda ko na ang sarili ko sa maalikabok na libro, ganun naman kasalanan diba?

Pumunta ako sa huling shelf, ilang minuto ko pa itong hinanap at Aha! nahanap ko na. Kulay itim ito na may diyamante'ng asul sa gilid, hindi Ito maalikabok! nilagay ko Ito sa likod ko't tinago.

" What are you doing here?" I was stunned when I heard a cold familiar voice. The Emperor!


Nilingon ko siya. Nakaupo Ito sa upuan nakapatong ang paa sa mesa. Wala itong emosyon!

" I won't repeat it thrice. What are you doing here? inside my room." pag-uulit nito.


Library naman siguro itong pinasukan ko no?—Oh no! Nakita niya ba na ninanakaw ko ang libro?! patay na ako nito!


Ngunit hindi! Hindi ako makakapayag na mauwi sa wala ang lahat ang pinaghirapan ko. Act like nothing happened Venus! wag ka'ng mautal, just chill, keep calm. Kalma kalma Venus! Huwag mo'ng hayaan na tapakan niya ang pagka-lalaki mo!


"Ako? ah namasyal lang sa palasyo,naligaw ako dito— Alam mo pre kagaya mo mahilig rin ako sa libro kaya pasensya na kung pinakialaman ko ang libro mo. Marami namn dito,siguro namn hindi mo naubos lahat ng ito sa pag-basa?" iniba ko ang boses ko.


Sa totoo lang hindi ko alam kung saan nagmula ang sinasabi ko, basta lumabas na lang Ito sa bibig ko.

Nagsimula na ako'ng maglakad.


" Hindi ko alam na kwarto mo pala to pre—Sa sobrang dilim kase napag-kamalan ko'ng library lang" Huminto ako nang mapagtantong nasa kama na ako.

KWARTO NIYA NGA! JUICE'COLORED!


"Ang laki naman ng higaan mo pre,kasya ka ba dito?" Syempre Venus! matangkad at masculado ang Emperor kaya malaki! Form ng 'V' ang katawan ng Emperor. Magkasing puti lang kami pero mas pogi ako!

Bigla ako'ng humiga sa kama niya. Malambot. Panlalaki rin ang amoy. Ako kase natural scent pangbabae! nainggit tuloy ako.

Nang makita niya ang ginagawa ko ay umigting ang kanyang panga as of disbelief!

"Shut off! remove your—"

Pinutol ko ang sasabihin niya

"Wag mo ako paghubarin dito pre! di tayo talo!" putol ko. Kahit Alam ko'ng hood talaga ang gusto niyang ipatanggal.

Kinuha niya ang kutsilyo sa gilid. Wala'ng pasabi-pasabi'ng binato sakin. Bilis non pero mas mabilis ako. Habang papalapit sakin,tinaas ko ang dalawa'ng daliri. Sumalubong Ito sa kutsilyo tska ko pina-ikot pabalik sa kanya.

Huli nang naramdaman niya sa sobrang bilis dahil narin madilim dito. Buwan ang tanging ilaw. Nadaplisan ang kanyang leeg. Kampante na kampante siya dahil babae ako. Tumagilid ang kanyang ulo. Kinuha ko ang oras na iyun at dali-daling nagteleport.



' Eto na ang pinakamali'ng nagawa ko sa boung buhay ko! '

MissionWhere stories live. Discover now