Chapter 2

113 5 0
                                    

" number 99 next!" sigaw ng gwardya.

Napatingin ako sa lumabas na babae,umiiyak siya. Nako masama Ito,lalo na at buntis siya.

" Ate, ano'ng nangyare?"tanong ko at lumapit.

" Wala na. Wala na ang pag-asa ko'ng maganda'ng buhay para saamin! Yung anak ko, hay*p na Willbert hindi ako pinagutan kaya napilitan ako sa mahal na hari!" humagolhul siya ng iyak.

Ha?

" Ikaw! kung nagpapanggap ka lang para yumaman huwag mo na gamitin ang bata dahil walang silbi! umuwi ka na sa village niyo!" dagdag pa ng babae.

" Ate paumanhin pero anak ng Mahal na hari ang dinadala ko" sagot ko sakanya.

Nanlaki ang mata niya at dali-daling sinugod ako sabay sabunot sa buhok. Aray!

" Ang dapat sa mga katulad mo'ng gold digger ay makunan ng anak!!"sigaw nito at patuloy parin na sinabunutan ako. Nang maka-ramdam ako ng pikon ay tinulak ko siya.

" Ahhhh!" sigaw ng babae. Nakaramdam naman ang mga gwardya at dalidali siyang tinulungan.

" p-pag may nangayare sa anak ko,malalagot ka sakin" nahihirapan niyang sambit at naunang maglakad.

" number 100 next!" sigaw nila. Ako na. kaya pumasok ako.

Namangha ako ng makapasok. Isa itong kwarto na puno ng matatayog na puno at harden ng mga bulaklak. Maaliwalas at walang problema kung pagmamasdan mo.

" Venus Hazle galing sa village at commoner ng Thalassemia Kingdom. 1 month pregnant "

"ah opo ako po iyun" sagot ko.

"akalain mo pati commoner tinalo AHHAAH anyways may mga tanong kami hija na magpapatunay na Isa ka sa mga nabuntis ng Mahal na hari" Saad nito. Eto ba ang dahilan bakit di nakapasa ang babae kanina at sinabunutan ako?! Tumango ako.

" Ano ang ginawa ng Mahal na hari sa Thalassemia?"

" Gamuta'ng misyon" oh ano kayo ngayon?akala niyo ah

" Para saan ang gamut?"

" May hindi ina-asahang sakit ang hari kaya pumunta siya sa kaharian namin Doon ko siya nakilala, Isa ako sa tagapangalaga ng bakal ng kaharian." sagot ko

" B-Bakit mo alam ang ideyang iyan?"halata sa mukha nito ang gulat. Hindi nila ina-asahang ang sekreto'ng hindi maaaring mabunyag ay alam ko.

" Napag-alaman ko base sa kinikilos ng Mahal na hari. Isasanay niya ang mahanap niyang tagapagmana upang gawin siya'ng Emperor at dahil narin may sakit siya" mahaba ko'ng saad.

Gulat na Gulat sila.

" Sige. P-Pasok ka sa kaharian. Ano ang iyung forte?" tanong nito.

Forte? Marunong ako magluto pero ayaw ko maging tagaluto. Ah yung bakal!

" Gaya ng sinabi ko, Isa akong tagapangalaga ng bakal kaya iyun ang aking forte, ang sandata." sagot ko.

Mas lumaki ang Mata nila.

" Sigurado ka Hija?"alanganing tanong nila.

" Wala nama'ng masama sa forte mo, pero panglalaki iyun at masama sa buntis na katulad mo,masangsang ang amoy"paliwanag niya.

Oo nga no? pero kailangan ko makuha Yun. Maaari akong maghatid ng mga sandata at pumasok sa loob ng kaharian. Dahil nasabi sakin na sa isang village ilalagay ang lahat ng nakapasok na buntis kaya papaaano ko magagawa ang misyon ko?!

" Opo, sanay na ako. Mag-iingat na lamang ako" sagot ko.

Pumalakpak sila.
" kahanga-hangang babae" commento nila.

LALAKI PO LALAKI!!

" Minnerva, dalhin mo ang gamit ng babae at isakay siya patungo sa Heir Village" utos ng lalaki sa babae. kataaas-taasan siguro siya.

" Oo nga pala. Ako si Baron Kenzo of Mestrial nice meeting you Venus of Thalassemia" ngiti'ng pakilala niya.

"Akin na po ang bagahe mo Ma'am " Saad ng babae sa gilid ko. Nilingon ko siya.


ANG GANDA NIYA! MAY CHICKS NA AKO!!

MissionWhere stories live. Discover now