Chapter 9

67 4 0
                                    

Habol hininga ang aking ginawa ng makabalik sa loob ng bahay. Ako ang pumatay sa War Minister. Noong nagtanong ay nanatili akong tahimik maging ang ibang kababaihan. Hanggang sa may naglakas loob at umangkin sa pagpatay. Nakahinga ako ng maluwag,akala ko katapusan ko na. Pagkatapos ng eksena'ng iyun ay pinabalik na kami sa bahay.

Isa lang masasabi ko. I need a break! gusto ko lumabas ng kaharian! andami'ng nangyare sa ilang araw ko'ng pananatili dito. Gusto ko makalanghap ng sariwang hangin ng makapag-isip at makapagpahinga. I often do this, ang lumayo't lumagay sa tahimik.

Ang village ay malapit sa hidden tunnel,lagusan patungong kagubatan. Doon ako pupunta,mag mumuni-muni. Wala'ng kawal sa tunnel kaya walang problema akong nakalabas. Sout ko ang itim na hood,dala-dala ko rin ang sandata nang maging handa sa ano mang panganib nq sasalubong.

Nakarating ako sa gubat ng ligtas. Medj masukal at puno ng alikabok ang kahabaan ng tunnel ngunit nabawi ito sa ganda ng kagubatan. Sumalubong saakin ang sariwang hangin. Habang naglalakad nadaanan ko ang iba't-ibang natatanging bagay na makikita lamang sa kagubatan. Napangiti ako. Kahit papa'ano ay nakalimutan ko ang mga nangyare at mga problemang gumugulo sa isip ko.

Sa sobrang aliw ko hindi ko namalayan na nakarating ako dito sa mga puno. Nasa gitna ang malaking bato may naka-ukit dito, Napapalibutan ng matatayog na puno na wala'ng dahon. May napansin ako'ng nilalang sa gilid ng bato.

Isang Owl! agad ko itong nilapitan. Kulay puti ang katawan at mayroong asul na mata,nginit napatitig ako sa duguan niyang pakapak. Dahag-Dahan ko itong hinawakan tska pina-amo,nang umamo Ito ay doon ko ito ginamot.

"Bakit may sugat ang pakpak mo?at mukhang nabali pa" pag-uusap ko sa owl kahit hindi naman ito sasagot.

Ngunit hindi mn lang ako tinapunan ng tingin nanatili ang titig nito sa unahan ko. Sinundan ko ang tingin niya. Nanlaki ang Mata ko ng makitang may niyebe sa unahan ko.

"Diyan ka muna,sisilipin ko lang doon banda" paalam ko sa owl tska iniwan ito.

Hindi ako nagkakamali niyebe nga! Nang tinapak ko ang aking paa ay nakapagtatakang wala ako'ng naramdamang lamig. Paanong hindi malamig?para'ng hindi nagbago ang klima tanging hitsura lang.

Naging alerto ako nang maramdama'ng may papalapit sakin,tumalon ako sabay ikot at dumikit sa sanga ng puno. Teka paano ako nakadikit?!

"Magaling. Nahanap mo kami" may nagsalita sa likod ko. Nilingon ko Ito ngunit sinipa niya ang tagiliran ko dahilan ng pagkahulog ko sa puno.

"Sino ka?!"tanong ko. Tumayo ako. Tinitigan siya,sobrang putla niya. Matangkad at mataas ang buhok pero lalaki.

"Ako? ako ang papatay saiyo"sagot niya at sinunggaban ako ng suntok,umiwas ako. Ang bilis niya kumilos. Nanlaki ang mata ko nang lumabas ang pangil niya. Isa siya'ng Bampira! Sinipa ko ang tiyan niya pero nahuli niya. Wala akong sapat na lakas dito! hinila niya ang paa ko at buong lakas na tinapon ako. Literal na lumipad ang katawan ko sabay bagsak sa bato. OO sa bato ako tumilapon!

"Argh!" napasigaw ako sa sakit. Nandito ako para magpahinga! sobrang sakit ng katawan ko,nanghihina na ako. Dito ko napatunayan na hindi parin ako malakas.

Dahan-dahan kong kinuha ang sandata ko. Nang makapalapit siya ay tinutuk ko sakanya. Nasagi ang pangil niya kaya naputol. Napasigaw siya,kinuha ko ang pagkakataong iyun at mabilis na tumakbo papalayo.

Napangiti ako nang biglang bumalik ang enerhiya ko. Nilingon ko ang likuran. Hinahabol niya ako! takbo lang ako ng takbo, hindi ko kung saan ako patungo ang importante ay makabalik ako ng buhay!

Literal na napahinto ako nang matanaw ko siya sa unahan nakatayo. Tumigil ako tska mabilis na lumiko at umakyat sa puno. Bakit ang bilis ko gumalaw?

Napahiyaw ako nang mabali ang sanga ng tinatapakan kong puno. Sa pagkahulog ko natanaw ko ang lalaki nasa gitna ng puno,bigla siya'ng nawala. Pumikit ako nang malapit na ako'ng bumagsak. Huwag sana ako mamatay.

Ngunit napadilat ako ng di-oras ng may maramdama na braso'ng sumalo saakin. Nasa bewang ko ang kanyang kanang kamay at sa ulo naman ang kaliwa. Dinikit niya ang kanyang ulo sa leeg ko at inamoy Ito. Naramdaman ko ang tangos ng ilong nito maging ang hininga.

"Sabi ko na nga ba,katulad ka namin"bulong ng lalaking Bampira. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sakin bago biglang nag-iba ang kinatatayuan namin. Tumakbo siya,akay² parin ako.

"May bisita kayo"binaba ako. Nagulat ako nang makita ang nakagapos sa upuan,walang saplot pang-itaas at sugat² ang katawan.

"Headmaster?!"sigaw ko.

"Buti naman at nahanap niyo kami?ilang araw na nakagapos si Hikaru dito. Ganon ba talaga ka hina ang agency niyo?!" saad ng kakarating na matanda.

"Ano ang ginawa niyo sakanya?!" tanong ko. Ano'ng ginagawa ni Headmaster dito?kong gayun kung Hindi pa ako nakapasyal sa kagubatan at napadpad sa lugar na Ito ay hindi mahahanap si Headmaster?!

"Ang tigas ng matandang ito. Ayaw umamin"salita ng lalaking nasa gilid. Biglang sinikmurahan si Headmaster. Napaduwal Ito ng dugo.

Napapikit ako dahil sa galit. Biglang may enerhiya'ng dumantay sa kamay ko—basta tanging naramdaman ko ay galit—gusto ko sila patayin!

Napadilat ako. Tumba sila lahat?! Naglakad ako tska kinalas si Headmaster,mamaya ko na iisipin to.

"Headmaster! ok pa ba kayo?paano to?Hindi ko alam saan ang lugar na Ito! malayo pa ang gubat!"

"Venus gamitin mo ang lakas mo"nahihirapan niyang sagot.

"po?!"

"Ang sense's mo. Isipin mo ang pupuntahan mo at makakarating ka" bulong niya. Sinonud ko ito. Maya-maya pa ay—

"Venus?!—Headmaster!"sigaw ni Akira?! Nilibot ko ang paningin,nasa Headquarters kami.

"Ang manggagamot! pakiusap tulongan niyo si Headmaster!" tatayo na sana ako nang hinawakan ni Headmaster ang kamay ko.



" M-Maglakbay ka B-Beau—h-hanapin mo a-ang i-iyung p-pagkatao sa n-nawawalang E-Emperyo" bulong nito at dahan-dahang pumikit.

MissionWhere stories live. Discover now