Chapter 4

85 5 0
                                    

Ala-una na ng gabi pero eto ako dilat na dilat ang mata,huwag na huwag kang matutulog Ven! baka hindi ka na magising. Tumunog ang kampana kaya nagulat ako at napatayu.

Tinignan ko si Nereda sinenyasan niya akong humiga at manatiling alerto. Sinunod ko ito. Maya Maya pa ay namatay ang ilaw,isinuot ko ang krane—ito ang magsisilbing ilaw,upang makakita ako kahit dilim. Sanay na ako kaya hindi na ako kinakabahan. Tinignan ko ang iba naming kasamahan. Tulog mantika.

" Ako bahala dito na room. Basta tandaan niyo marami ang napatay ay malaki ang suweldo. Pag-umilaw, palatandaan na patay na ang 20 buntis" dinig kung bulong ng may makapasok.

"spell ng hari" commento ng kasama niya at lumabas.

Dahang-Dahang lumapit ang knight sa mga princesa at sinaksak ang unang prinsesa. Pagkatapos ay ang nakapink na gown na prinsesa ngunit sumigaw ang unang sinaksak.

" tulong! may sumaksak sakin! Tulongan niyo ako!!" paos na sigaw nito.

Napabangon ang pangatlong prinsesa at si Nereda, pero ako at ang pang-apat ay nanatiling naka-higa.

Inatake ng pangatlong prinsesa ang knight,sinipa nito ngunit naka-ilag ang knight at hinuli ang paa ng prinsesa pagkatapos ay hinila palapit ,sabay saksak sa lalamunan. Binalikan ng knight ang pangalawang prinsesa,hinampas ang tiyan nito. Napasigaw sa sakit. Nangmakontento ay isinunod ang pang-apat na prinsesa, sinaksak ang tiyan nito.   

Napapikit ako sa mga narinig at nakita. Buntis sila, ang anak nila. Hindi ko namalayan na lumapit sakin si Nereda. Ngunit hinarangan siya ng knight,sobrang bilis kumilos ng knight, mapag-kakamalan siya'ng commander.

Akmang sasaksakin si Nereda pero inikot ko ang braso ko sa leeg ng knight ng hindi makahinga. Sinipa ko ang sandata niya.

" Nereda, Takbo!" sigaw ko.
" Hindi ayaw kong iwan ka!" sagot nito.
" Trying to be a hero huh?" paos na saad ng knight.

Inikot ko ang pangalawang paa ko sa kanya,pinahiga tska sinuntok ang mukha. Sobrang bigat niya! ngunit hinuli niya ang kamay ko tska siya gumulong. Ngayon baliktad na ang sitwasyon. Hinawakan niya ang ulo ko at inu-untog sa sahig.

" Nereda, paki-usap lumabas ka na kahit sa anak mo na lang!" sigaw ko.

Naaawa ako sa bata kung hindi masisilayan ang ganda ng mundo. Kahit mamatay ako ay ayus lang,walang mawawala sakin, Wala akong pamilya pero siya, may sinusuportahang pamilya at bubuhaying anak.

Laking pasasalamat ko n tumakbo palabas si Nereda.

" Matapang kang babae ka!" sigaw ng knight.

kinuha ko ang oras na nagsalita siya. Sinuntok ang mukha,namilipit siya sa sakit at ako naman ay tumayo. kinuha ko ang sandata at binato sa mata niya,napasigaw siya. Tumakbo ako papalapit, tumalon tska inikot ang paa sa leeg niya dahil dun natumba siya. Dinukot ko ang sandata sa kanyang mata pagkatapos ay sinaksak sa dibdib niya. Sinaksak ko ng sinaksak ang katawan niya.



PARA SA MGA INA AT SANGGOL NA PINATAY NILA!

MissionWhere stories live. Discover now