CHAPTER 25

58K 2.1K 1.7K
                                    


  loyalista

*Magic sarap has change your name to Batang ina*

Suepot
oraayyyttt hahahaha 🤟🏻

Yenmaliit
Whahahahaaha!!!

Batang ina
mga gago!!

Riri
🤣🤣🤣

Pikon kong ibinulsa ang cellphone ko saka lumabas ng kotse.

Mga bwesit talaga, kagabi pa nila ako tinutukso at sobrang na'kong naasar. Alam na kasi nila ang tungkol kay Guin dahil ikwenento ko ito kagabi thru videocall. Ako ang naging sentro ng kanilang usapan at napipikon na'ko dahil ang lakas nilang mangasar.

Nandito ako ngayon sa university kasi start na nang second semester. Balak ko sanang iwasan ang mga kaibigan ko pero nasa main gate palang ay naka-abang na silang lahat sa'kin. They all wear the same expression on the face. Agad ko silang tinignan ng masama.

"Abigayle Ortiz, 22, ang batang ina ng Davao City." kantyaw na salubong sa'kin ni Maggie.

"Tangina mo." pinakyuhan ko ito. "Huwag mo 'kong lapitan kagabi ka pa."

Tumawa lang si Maggie.

"Pambihira ka naman, Gail. Nag semestral break lang tayo tapos may anak ka na agad? Hindi kami na-inform na single mother na pala hilig mo ngayon." asar naman ni Sue.

"Tangina mo rin." asik ko.

"Mukhang kina-careeer mo talaga yung pagiging nanay mo ah." rinig kong segunda ni Yen. "May pa quotes-quotes ka pang nalalaman sa facebook, akala mo kung sino."

Pikon ko ulit silang tinaponan ng masamang tingin bago binalingan ng atensyon si Rivah. "O ikaw, aasarin mo rin ba ako?"

Umiling si Rivah at pinigilan ang sarili na hindi matawa, pero sa huli ay hindi nito kinaya. She burst out laughing before making a peace sign. "In fairness naman sayo, bagay sayo yung role ng pagiging nanay." 

Everyone laughed again, asar na asar na talaga ako.

"Pero seryoso, Gail." ani Maggie, lumapit ito sa'kin at inakbayan ako. "Na-kwento na sa'kin ni Ate Maui ang tungkol kay Ellie last week pero hindi ko lang sinabi sayo."

I wasn't surprised anymore because I already expected that Maureen will tell her about it.

"Nalaman mo bang iisa lang sila ni Guin?" i asked.

"Hindi, pero nagulat ako sa sinabi mo kagabi. I didn't saw that coming. Di ko akalain yung batang sinagip natin sa tulay ay pamangkin ko."

Bigla akong nalungkot. "Ilag pa'rin yung bata kay Maui hanggang ngayon. Mag-iisang linggo na simula 'nong iuwi namin siya galing Angel's Orphan pero until now ayaw niya paring kausapin at lapitan yung mommy niya."

Nalungkot din si Maggie. "Gusto ko sanang tumulong kaso baka ilag din sa'kin si Guin, pero di bale, ipapaubaya ko na sayo amuhin yung pamangkin ko."

I smiled at her. "Don't worry, ako na bahala."

Bumalik ang mapang-asar nitong ngisi. "Tama si Rivah, bagay nga sayo yung role ng pagiging nanay. Batang ina ka nga."

A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️Where stories live. Discover now