𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 𝙏𝙬𝙚𝙣𝙩𝙮 :

448 34 5
                                    

Third Person's POV :

Tapos na ang bawat klase sa mga oras na iyon, at tanging pagpapakilala at mga reminders ng mga magiging professors lang nila ang tanging ginawa sa mga oras na iyon. Pagbaba ng mga kakailanganin nilang gamit o requirements para sa mga subject nila.

Bukas magsisimula ang totoong klase nila, ang araw kung saan magsisimula ang panibagong henerasyon ng mga bagong susunod na makikila dahil sa akin nilang talentong ipapamalas sa kasalukuyan.

°°°°

Kalalabas lang ng pang huli nilang professor sa literature, may ilang oras pa silang gugugulin hanggang sa oras mag uwian.

"Anong club ang sasalihan mo?" — Male No. 1.

"Narinig ko may Photography Club sila!" — Female No. 1.

"Sa tingin ko sa Art Club nalang ako." — Female No. 2.

"Sa tingin mo kelan sila mag i-schedule ng try outs para sa varsity?" — Male No. 2.

"Ewan, pero baka sumali ako sa try out ng Soccer Team!"— Male No. 3.

Tanging sasalihang mga club at sports lang ang tanging usapang naririnig ni Austine na may hawak ng form para sumali sa iba't ibang Club na gugustuhin nila.

Sa likurang upuan nya naman ay ang kaibigang nakatitig lang sa form na binigay sa kanila. Pinapakinggan lang mga nasa paligid nya habang may malalim na iniisip.

"Kai, Anong club sasalihan mo?" Tanong nito bago lingonin ang kaibigan.

Nagulat pa ito ng makitang nakatingin na pala ito sa kanya bago pa man siya makalingon rito.

"None." Maikli nitong saad habang nakatingin parin sa kanya.

"I'll make my own club." Dagdag pa nito sabay kuha ng form sa mesa nya at tinignan itong muli bago tumayo sa kinauupuan nya.

Napakurap-kurap pa ito bago mabalik sa kanyang ulirat.

"H-huh?" Nakatulala lang si Austine at pinoproseso pa din ang binanggit na mga kataga ng kaibigan.

Nakalabas na ng classroom si Kaiden ng magsink in sa utak ni Austine ang mga katagang sinabi sa kanya nito.

Kaya agad na napabalikwas ng tayo ito sa kanyang inuupuan at dali-daling hinabol si Kaiden na kanina pa nakalabas ng kanilang homeroom.

_______________________

Naglalakad na sa hallway si Kaiden para pumunta sa faculty room nang bigla nyang maalalang...

'San ba yung Faculty Room?' Huminto ito sa paglalakad at nagmistulang istatwa dahil sa isiping iyon, hindi niya pala alam ang direksyon ng kanyang pupuntahan na kinasimangot nya ngunit di ito halata dahil tanging magkabilang gilid lang ng kanyang labi ang napababa na tila kung titignan nakapoker face lang ito.

Tumingin sya sa kanyang paligid at may iilang mga istudyante ang nasa hallway din katulad nya.

'Magtatanong nalang siguro ako tutal nasa bag ko si Taro, walang magbibigay ng direksyon sakin ngayon.' Saad nito sa sarili bago  tumingin sa kanyang paligid. Humahanap ng kung sino ang kanyang pwedeng pagtanungan.

Ng mapadpad ang kanyang mga mata sa babaing papalapit sa kanyang kinaroroonan.

"Excuse me miss? May I ask where's the faculty room?" Tanong nito ng makalapit ang babae sa kanyang direksyon.

Natigilan naman ang ibang nasa hallway at pinapanood ang nangyayareng interaksyon ng dalawa. Sa kadahilanang nakilala nila ang mukha nito sa scholarship program kaninang umaga at dahil ito din ang taong nakaperfect ng exam.

Napatingin naman ang dalaga rito at itinuro pa ang kanyang sarili na para bang nagtataka pa kung siya ba ang kinakausap nito na tinanguan lamang ni Kaiden.

"Oh a-am...." Nakatingin lang dito si Kaiden naghihintay ng susunod nitong sasabihin.

'Anong gagawin ko?! S-si K-kaiden! Ang topic ng lahat! Ang gwapo nya pala sa malapitan! Wait!? Ayus lang ba itsura ko? Maayos ba akong tignan? Magulo ba buhok ko? Nakapagtooth brush ba ko? Oh my ghod! Nakakahiyaaa!!' Natatarantang saad ng dalaga sa sarili.

Blinking..... Tinignang mabuti ni Kaiden ang dalaga na patuloy paring nagmo-monologue sa kanyang isipan. Tila di alam kung tama ba ang taong kanyang nilapitan para pagtanungan.

Namumula ang pisngi nito at pinagpapawisan pa na para bang di alam kung anong gagawin.

'Ayos lang ba sya?' ani ni Kaiden sa kanyang isipan habang pinagmamasdan ang dalagang nasa harap nya.

Nilapitan nya pa ito at walang ano ano'y hinawakan ito sa noo. Tila natigilan naman ang dalaga at napasinghap ng magtama ang kanilang mga balat, tanging pagtitig nalang ang kaniyang nagawa sa mga minutong iyon.

Napasinghap din ang ibang istudyanteng naroroon at isa na rin doon si Austine na kadadating lang at hinihingal pa dahil sa pagtakbong ginawa para lang maabutan si Kaiden.

'Huh?! Anong nangyayari dito?' Walang alam na tanong ni Austine sa sarili ng maabutan nya kung nasan si Kaiden.

'She's fine but why does she look like a tomato?' Curious nitong ani sa sarili.

Habang ang babae ay hindi na alam kung ano na ang nangyayare at tila nablangko na ang sistema.

'Kunin mo na po ako liwanag. Handa na akong madedo sa mga bisig ng gwapong anghel sa harap ko.... ' Ani nito at walang ano-ano'y nawalan ng malay na kinagulat ni Kaiden.

The Emotionless GeniusWhere stories live. Discover now