THIRTY-TWO

455 15 0
                                    

(THIS IS UNEDITED PLEASE EXPECT WRONG GRAMMARS AND ERRORS!)

"MESSAILA?"

Napaigtad ako sa muling pagtawag sa akin ni Steven. Ang kaniyang mga mata ay naghahanap ng kasagutan mula sa akin. Napalunok ako, lumilikot ang mga mata. Dahil sa hindi ko inaasahan ang tanong na iyon mula sa kaniya ay hindi ako makapag-isip ng isasagot.

Hindi ko alam kung saan niya galing ang ideyang iyon. Siguro dahil na'rin sa napapansin ng iba at nakarating na'rin sa kaniya. Hindi ko aakalain na mapapansin niya agad ang pagbabago ng pakikitungo ni Zeref sa akin akala ko hindi niya agad mahahalata.

"A-Ano...magkaibigan lang kami, uhh hindi na niya ako binu-bully tulad ng dati kasi..." Mas lalo pang lumikot ang mga mata ko, iniiwasang mapadako ang mga mata ko sa kaniya dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya. "...sa totoo lang hindi ko rin alam, basta okay na kami...friends na kami ni Zeref."

Nakita kong kumunot ang kaniyang noo sa sinabi ko. Alam kong hindi niya basta-basta paniniwalaan iyon kaya pinilit kong maka-isip ng mas matinong idadahilan.

"Siguro...baka nagsawa na siya sa kaka-bully sa akin kaya...ganun," sabi ko habang bahagyang nakayuko.

Mula naman sa gilid ng aking mga mata ay natanaw ko ang grupo nila Zeref sa may poste. Tila may pinag-uusapan sila na hindi ko mawari. Kahit na hindi ko masyadong nakita, ramdam ko ang mainit na tingin sa akin ni Zeref.

Nakatingin siya ngayon sa kinarorounan namin ni Steven. Lihim akong nagdasal na sana hindi siya pupunta rito.

"Tell me honestly Messaila, may ginawa ba si Zeref sa'yo? Pinapahirapan ka ba niya ng palihim or did he pressure you on something? You can tell it to me Messaila," concern na sabi sa akin ni Steven.

Mariin naman akong napalunok dahil hindi naman iyon ang nangyari. Hayst! Paano ko kaya ipapaliwanag sa kaniya. Kung pwede ko lang sabihin sa kaniya ang lahat, hindi na ako mahihirapan pa ng ganito.

"W-Wala, walang ganun na nangyari Steven maniwala ka. Nagsawa lang siguro siya sa pangti-trip sa akin, katunayan nga h-hindi na nga niya ako masyadong nilalapitan eh, hehehehe..." Pinilit ko ang sariling ngumisi. "Sinusubukan niya lang sigurong makipagkaibigan sa akin...mukha naman siyang sincere tsaka nangako naman siyang hindi na niya ako ibu-bully," dagdag ko pa.

Nakita kong walang nagbago sa kaniyang ekspresyon, nandoon pa'rin ang pagdududa.

Nginitian ko siya upang ipakitang ayos lang talaga ang lahat na hindi ko na magiging problema si Zeref.

"Nilalapitan lang niya ako kapag may itatanong siya sa akin, i-iyon lang...maliban doon wala na siyang ibang pakay sa akin. Promise, hindi ko na problema si Zeref...okay na kami," sabi ko sabay taas pa ng kanang kamay.

"Ano ba ang kadalasan niyang tinatanong sa iyo?" tanong niya na ganoon pa'rin ang nakikita kong ekspresyon sa kaniyang mukha.

Muli akong napalunok. "A-Ano...m-mga simpleng bagay lang tulad ng..." Lumikot ulit ang mga mata ko. "...tulad ng kung anong oras na ba, tsaka ano uhmm...nagtatanong din siya sa akin tungkol sa mga assignments...ganun."

Nakita kong medyo lumamlam ang kaniyang ekspresyon ngunit nandoon pa'rin ang pagdududa.

"Tsaka ano...alam mo ba, h-hindi na'rin ako masyadong pinagtitripan nila Butyok at Baste kaya tahimik na ang buhay ko," dagdag ko. "M-Maniwala ka, iyon lang."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Pasimple naman akong lumingon sa likuran upang magnakaw ng tingin sa kinaroroonan nila Zeref. Nakita kong wala na sila roon sa pwesto nila.

DEVOURED BY THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon