FIFTY-FOUR

418 22 3
                                    

(THIS IS UNEDITED PLEASE EXPECT WRONG GRAMMARS AND ERRORS!)

Warning! SPG scenes ahead!

"PATAWARIN MO AKO Messaila!" Patuloy pa'rin ang paghahagugul ni Tiyong Nardo sa akin habang mahigpit na nakahawak sa magkabila kong kamay.

Nanatili akong nakatulala habang nakatitig sa mga kamay naming dalawa. Tumutulo roon ang mainit kong mga luha. Sa mga isiniwalat ni Tiyong Nardo sa akin, napapa-isip ako kung bakit sa dami-dami ng tao sa mundo, bakit sa akin pa nangyari ang mga kamalasang iyon.

Lumalalim pa ang gabi at mukhang hindi kakayanin ng katawan ni Tiyong ang manatiling gising ng ganitong oras. Minabuti ko na munang ipagpapabukas ang lahat.

Para sa akin ay tama na muna ang mga narinig ko. Sinabihan ko nalang si tiyong Nardo na magpahinga muna at bukas namin itutuloy ang pag-uusap.

Bumukas ang pinto, may lumapit sa aming isang matandang babae na naka-suot ng isang female tuxedo. Base sa itsura nito ay hindi ito Asyano, foreigner dahil sa kulay gintong buhok nito at kakaibang kulay ng mga mata.

"You have called me master," magalang itong kina-usap si Zeref. Sa tindig nito, mahahalata kung gaano nito nirerespeto ang kaharap ngayon.

Bahagya pa itong yumuko kay Zeref. Napa-isip ako kung saan kaya ito galing kanina, sa pagkakatanda ko ay dumating kaming dalawa ni Zeref dito ng kami lang dalawa, siguro ay nasa isang kwarto lang ito at naghihintay.

Hindi ko na maintindihan kung anong mga pinag-usapan nila dahil sa kanilang banyagang wika. Russian siguro ang mga salita nila.

"I will now depart master," sabi nito. Dumako sa akin ang banyagang mata nito atsaka bahagyang yumuko bago nilisan itong kwarto.

"S-Sino iyon? Atsaka bakit ka niya tinatawag na master?" kuryusong tanong ko kay Zeref.

"She's my personal butler at matagal na siyang naninilbihan sa angkan namin," sagot niya sa akin.

Lumapit ang mga mata ko kay Tiyong Nardo na ngayon ay mahimbing ng natutulog matapos painumin ng gamot.

"I hate to tell you this but...his condition..." hindi nito matapos ang sasabihin.

"Malala na ang kondisyon ni tiyong Nardo," dugtong ko. "Naintindihan ko na ngayon kung bakit mo ako dinala rito." Muli ko siyang nilingon. "S-Salamat at dinala mo ako rito Zeref."

Napansin kong tila natigilan siya at napatulala nalang sa akin. My forehead creased at him. "What?"

Nakita kong tumaas ang isang sulok ng kaniyang labi atsaka napa-iling iling. "Nothing just...I was mesmerized on how you just smiled at me."

"Ngumiti ako sa'yo? Talaga?" I look at him with my two brows met. "Nginitian kita?"

"Yes you did, just earlier Messaila, don't denie it."

Nag-iwas lang ako sa kaniya ng tingin atsaka lumapit nalang sa tabi ni Tiyong Nardo. Naramdaman ko namang lumapit din ito sa tabi ko.

"Salamat at dinala mo siya rito," sabi ko. "Nga pala, paano mo nga pala nalaman ang tungkol sa kaniya? Gaano na siya katagal dito sa puder mo? Bakit hindi mo sinabi sa akin agad ang tungkol sa kaniya?"

Sumeryuso ang mukha niya nang tignan ko. "It's a long story Messaila, kulang ang gabing ito para masabi ko sa'yo ang lahat. I know you have lots of questions running inside your head about this but don't worry, I'll tell you everything."

Tumahimik nalang ako atsaka muling ibinalik ang atensiyon kay Tiyong Nardo. Ang dating malusog nitong katawan ay malaki na ang ibinagsak ngayon. His skin is pale and his lips are dry, mukhang matagal na siyang nagtitiis sa sakit niya.

DEVOURED BY THE DEVIL (COMPLETED)Where stories live. Discover now